Chapter 10: The President

4607 Words
CHAPTER TEN _ "Maayos na ang lagay ng mga pasyente. Pwede niyo narin silang ilabas ngayon." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng Doctor. Thank goodness. I thought I killed them. Tumingin ako sa mga Crane na natutulog sa kanya-kanyang hospital bed. Nasa-iisang kwarto lang sila dahil ayaw silang paghiwa-hiwalayin ni Tito Jackal. Dala ng takot ko kanina ay agad ko silang sinugod dito. Mabuti at laging tambay sa garahe ang nag-iisang sasakyan nila. H'wag niyo nalang itanong kung papaano ko sila naisakay. Only professionals can do that. "Ano bang nangyari sakanila, Doc?" tanong ko. Gusto kong malaman kung anong nangyari sakanila matapos nilang kainin ang niluto ko. "Food poison." Napanganga ako. Ganoon ba talaga ako kasama magluto? Bumagsak lahat ng kumpiyansa na meron ako sa katawan. Hinding hindi na ako magluluto ng pinakbet. Tinola nalang. "Salamat, Doc" sabi ni Tito na kasama kong nagbabantay. Pagkalabas ng Doctor sa kwarto ay napabuntong-hininga ako at napunta kay Tito ang atensyon nang makitang lumapit ito sa mga natutulog na anak at isa-isang hinaplos ang mga mukha nila. Tila may kung anong humaplos sa puso ko sa nakita pero agad ding napalitan ng inggit. These men are so lucky. Hindi palaging kasama ng mga Crane ang ama nila pero sa t'wing nandiyan si Tito, double ang pag-bawi na ginagawa niya sa mga anak. I admire his affection and care for his sons. It's beautiful and precious. Napaka-swerte ng mga magkakapatid na 'to, hindi katulad ko na hindi na matandaan kung kailan ang huling beses na tinignan ako ni Daddy ng may pagmamahal. "Mga anak, nandito na si Dada. May Ice Cream akong dala" masuyong sabi nito sa mga anak pero masyadong mahimbing ang pagkakatulog nila kaya ngumuso ang matanda nang walang gumising sa mga ito. And it breaks my heart. Kita ko ang labis na pagpapahalaga ni Tito sa mga ito pero heto ako, nilason ang mga mahal niyang anak. I am blaming myself for his torment. Hindi na dapat ako nagluto. Hindi na dapat ako magluto pa. "I'm sorry, Tito.." sambit ko. Lumingon sa akin si Tito saka ngumiti. Pinagtaka ko ang mga mata niyang walang bahid ng galit o sisi sa akin. He should get mad at me. He should point the blame on me but instead, he walks towards me and pat my head. "It's okay, South. Wala kang kasalanan" he said, smiling. No roughness on his voice just pure genuine kindness. I gape at him then shake my head. "No, Tito. It's really my fault. I should have not cook them food. I'm a terrible cook— " He cut me off by giving me a big smile. Namamanghang natulala ako sakanya. Paano nito nagagawang ngumiti sa taong nagpahamak sa mga anak niya? He should be blaming me, scolding me, and telling me I'm useless like what my father told me. But no. He did none of those. His genuine heart was smiling at me. I don't think I deserve this. "You tried to cook them foods, South. Alam mo bang hindi ko pa iyon nagagawa sakanila?" masuyo ngunit may bahid na lungkot ang boses na aniya. "That's fine, Tito. Never pa naman akong pinagluto ni Daddy" I said bitterly. Kaya walang issue kung bakit hindi pinagluluto ni Tito ang mga anak niya dahil maging ako ay hindi pa iyon naranasan sa sariling ama. Hinawakan ni Tito ang balikat ko saka ngumiti ulit. "Masaya ako na sinubukan mo silang ipagluto, iha. Nag-effort ka para sa mga anak ko at sapat na sa akin yun," he said, looking straight into my eyes. "I know you, South. Alam kong wala kang pasensya sa mga bagay-bagay pero ang ginawa mong pagpapakita ng malasakit sa mga anak ko, that made me happy. Even if you failed, you still made me happy. And I thank you for showing care to my beloved sons." Umiwas ako ng tingin saka nauutal na nagsalita. "I don't care about them." Mahina itong tumawa saka binitawan ang balikat ko. "Okay, kaya pala nang dumating ako kanina dito ay halos bugbugin mo na ang mga Doctor na hindi umaasikaso sa mga anak ko. You were so worried, wala ka ngang pakialam sakanila" he sarcastically said with a playful smile on his lips. I felt my cheeks flushed. Bakit kailangan pa niyang ipaalala ang nakita niya kanina? "Are you two flirting with each other?" Sabay kaming lumingon ni Tito sa nagsalita at nakita si Genesis na bumabangon sa pagkaka-higa, he sat, his back was leaning on the headboard. Nang maayos na nito ang sarili ay tinignan niya kami ng masama ni Tito. My eyebrows knitted together. He was food poisoned yet still acting weirdly. "Junakis! Buhay ka! Huhuhuhu!" Tito Jackal cried and run to his son and hugged him tightly. Pero ang anak nito ay patuloy ang sama ng tingin sa akin. Huminga ako ng malalim. Walang mangyayari kung papatulan ko siya. He's just probably mad that I almost killed them. Napailing nalang ako at akmang lalabas na ng kwarto nang magsalita si Genesis 'The Weird'. "Where are you going?" Humarap ako sakanya ng nakakunot ang noo pero agad napangiwi nang makita si Tito Jackal na hinahalik-halikan ang buong mukha niya. Kadiri talaga ng matandang ito. "Bibili ako ng pagkain, h'wag kang mag-alala, hindi na kayo ma fo-food poison" sagot ko bago tuluyang lumabas kahit tinawag pa niya ako. Pagkasara ko ng pinto ay malakas akong bumuga ng hangin. Genesis is really something. He's confusing me. I shook my head and decided to buy them foods outside. Sabi ng Doctor dapat maingat na raw ako ngayon sa pagbibigay ng pagkain sakanila. Maari ulit silang ma-ospital kapag basta-basta ang ipapakain ko. And I don't want that to happen again. The Crane inside a hospital almost made me lost my sanity. Tama ang sinabi ni Tito na halos mabugbog ko na ang mga Doctor kanina. I lost my s**t. Hindi ko alam pero takot na takot ako. Hinilamos ko ang mga palad sa mukha saka napailing. Masama ito. May ginigising ang mga Crane na emosyong kinakatakutan ko. Hindi ito pwede. Lumiko ako sa pasilyo kung saan madadaanan ko ang patients ward. Normal lang ang paglakad ko pero nang may mapansin na dalawang lalaking naka-suit ay naging mabagal ang bawat hakbang ko. They are walking opposite of my direction while looking around as if they are looking for something. Nagsalubong ang mga kilay ko ng may biglang naalala. These men are familiar to me. Tama. Sila iyong nakita ko sa Mall. Hindi maalis ang tingin ko sakanila hanggang sa dumaan sila sa hagdanan imbes na gamitin ang elevator. When they are out of my sight, questions flood in my head. Who are they? Why are they here? Wala sa itsura nila na may dadalawing pasyente. Ah, how I hate my curiosities! Pinilig ko ang ulo at inalis sila sa isipan. Maybe it's just a coincidence. Hindi lahat ng kahina-hinala ay may something talaga sakanila. With that thought, binilisan ko ang lakad para makabili na ng pagkain ng mga Crane. Sa paglalakad, biglang may matandang babae ang humarang sa harapan ko. I stop and gave her a questioning look. "Hindi ako pwedeng magkamali, ikaw ang anak ng Presidente 'diba?" she asked, staring at me with hopeful eyes. I blinked with uncertainty. Anong isasagot ko? s**t, this is danger. Kapag sinabi ko ang totoo, kakalat ang balita na nandito ako at makakarating kay Daddy at sasabihihan na naman akong walang kwenta, na sinisira ko ang pangalan niya. He'll get mad and worst, ipadala niya ako sa mas malayong lugar. I cannot let that happen. Okay na ako sa puder ng mga Crane. At isa pa, kinahihiya niya akong anak, so why not do the same? Kinahihiya ko rin siya. "Hindi" I answered the woman, emotionless. Bumagsak ang balikat nito at saka tumungo. Kahit ganoon napansin ko ang pagpatak ng mga luha sa mga mata niya. Hindi na ako nagulat nang mag-angat ito ng tingin ay umiiyak na siya. Nakonsensya ako pero tinigasan ko ang loob. "Pero kamukha mo siya. Hindi ako pwedeng magkamali, Southern Benedicto ang pangalan mo hindi ba? Ikaw yun. Ikaw yung palagi kong nakikita sa mga diyaryo" she said while wiping her cheeks. Shit! Alam pa nito ang pangalan ko! Pero kailangan kong pangatawan ang naunang sagot. Hindi niya pwedeng malaman ang totoo dahil baka magkagulo pa. And besides, when I came to this place, I promised myself that I'll free myself from my father's cage. That includes forgetting all the connections we have. Kasama narin doon ang kalimutan kong ama ko siya. At iyon ang ginawa ko. "Hindi po ako yun. Kamukha ko lang siya pero hindi po ako yun" pagtanggi ko pero malakas ang paninindigan ng babaeng ito. Umiiling-iling ito at ganoon nalang ang gulat ko ng bigla nitong hawakan ang mga braso ko at nagmamakaawang tumingin sa mga mata ko. "Alam kong ikaw yun. Iha, nagmamakaawa ako sa'yo. Kailan ko ang tulong mo. Y-yung n-nanay ko, nandito siya sa ospital at kailangan niya ng tulong. W-wala kaming sapat na pera para ipagamot siya. Ilang beses na kaming lumapit sa Presidente pero hindi kami nagkakaroon ng pagkakataon na mismong maka-usap siya sa higpit ng mga bantay niya. Lumapit narin kami sa Nanay mo pero d-dinaanan niya lang kami... parang-awa mo na iha, kailangang magamot ng nanay ko" pagmamakaawa niya. She's sobbing loudly making everyone looked at us. Ngunit wala sa ibang tao ang concern ko kundi sa sinabi niya. Did she just mention my Mother? Impossible. Paniguradong si Sylina ang binanggit nito. I gritted my teeth in anger. Sylina is NOT MY MOTHER. NEVER. Nandidiri ako kapag iniisip kong kadugo ko ang babaeng yun. Humugot ako ng malalim na hininga bago inalis ang kamay ng babae na naka-hawak sa akin. "Pasensya na po talaga pero hindi po ako ang anak ng Presidente. At isa pa, ang Nanay ko ay nasa malayong lugar" sabi ko bago ito nilagpasan. Kapag nagtagal ako, baka bumigay ako. Wala akong puso kaya dapat wala rin akong awa. Iniwan ko siyang tuluyan nang napaghagulgol sa iyak. Hindi pa ako tuluyang nakalayo nang may narinig akong nagsalita kasama ng babae. "Tahan na, Mama. Tahan na.." I sighed and walked faster. At nang makalabas ng hospital ay kinain ako ng konsensya. 'Pasensya na po. Sa ngayon ay wala akong tinuturing na ama. At mas lalong hindi ugali ng tunay kong ina na daan-daanan lang ang mga taong nanga-ngailangan ng tulong.' I shove the guilt away and looked for a nearby restaurant. Mabilis akong bumili ng masu-sustansyang pagkain at agad ding bumalik sa hospital at sa kwarto ng mga Crane. Pagbukas ko ng pintuan ay agad bumungad sa akin ang mag-aama. Gising na silang lahat at ang mga loko ay naka-upo sa sahig, naka-bilog kasama si Tito Jackal at naglalaro ng jackstone. Mga tokmol talaga. Hindi nila namalayan na pumasok ako kaya na-upo muna ako sa sofa nilapag sa coffee table ang mga pagkain. Wala silang kamuwang-muwang na nandito na ako. "Tangina mo, Noah! Madaya ka!" sigaw ni Psalm sa kapatid. "I'll f*****g kill you, Noah! You picked three stones! You supposed to pick up four stones, fucker!" sigaw rin ni Genesis sa madayang Noah. "Apat kaya yung dinampot ko! Tignan niyo, oh!" pagtatanggol ni Noah sa sarili at pinakita ang palad na kinalalagyan ng mga bato. Pero napangiwi agad nang makita na tatlo lang ang nasa palad niya. His brothers gave him a murderous glare. "Apat ba iyan, ha? Noah?" Peter asked dangerously. "Apat naman talaga ito, eh. Na kay Isaiah yung isa. Sa bibig niya" sagot nito saka bahagyang tinampal ang pisngi ni Isaiah para bumukas at mula sa bibig nito ay nahulog ang isang piraso ng jackstone. "Ayan apat na! Hahaha!" Noah clapped like a seagull. His brothers scowled him. Napailing nalang ako habang nanonood. Wala talaga silang matinong ginawa. "Next. Around the rainbow!" Psalm announced, widened his eyes and watch Noah pick the stones closely. "Out!" sigaw ni Peter nang magkamali ang panganay. Sumunod si Genesis. Mayabang pa ang loko habang binubuhos sa sahig ang mga bato. "Watch, brothers. I'll reach the last level!" he smirked. Pinanood ko ng mabuti ang paglalaro niya. Magaling nga ang loko. The first level to the fifth level, parang wala lang sakanya ang pagdampot ng mga bato. Perks of having big hands. Hanggang sa umabot siya sa seventh level kung saan ang bawat pagdampot niya ng bato ay itutuktok muna niya sa noo ni Isaiah bago sasaluhin ang bola. "Go, Genesis! Woohoo! Ang galing-galing talaga ng mga anak ko!" masayang palakpak ni Tito na may hawak pang banner na para kay Genesis. Pansin ko na hindi lang ito ang dala niya. May tig-isang banner ang mga anak na siyang hahawakan ni Tito kung sino ang maglalaro. What a very supportive father. "Aww.." nguso ni Isaiah sa bawat pagtuktok ni Genesis ng bato sa noo niya. Sa puti ng balat nito ay kapansin-pansin ang medyo namumula na niyang noo. Tss. Shunga kasi, kung bakit pumayag na tuktukan siya ni Genesis. "Waaaahh! Ang galing mo, Kaps!" Psalm beamed, clapping his hands while watching Genesis play. Hindi ko napigilan ang pag-ngiti habang pinapanood sila. Nakahinga na ako ng maluwag nang makitang maayos na ang mga lagay nila. Bumalik na sila sa pagiging abnormal at hyper na akala mo nakalaklak ng Cobra. Ang lalaki nilang mga tao at well-built ang pangangatawan pero jackstone ang nilalaro. Psh. Mga isip-bata nga naman. Imagine niyo ang mga itsura nilang naka-hospital gown at may kanya-kanyang IV stand. Tapos ang upo pa nila parang dumu-dumi lang. Hindi sayad ang pwet. "Magpatalo ka naman Genesis!" reklamo ni Peter. "Never!" ngisi lalo ng mayabang na Genesis pero bigla siyang napatingin sa gawi ko. Tinaasan ko siya ng kilay at ewan ko kung anong nangyari sakanya at bigla siyang nagkamali dahil imbes na sa noo ni Isaiah niya ituktok ang bato, naisubo nito sa bibig ng kapatid. Baka na-starstuck sa kagandahan ko. "Wahahaha! Talo ka na Genesis — Hi, Timog!" Nakita ako ni Peter kaya kinawayan pa ako, dahil doon sunod-sunod nang tumingin sa akin ang lahat. "Timoooog! Nandito ka na — aray!" daing ni Noah nang bigla itong tumayo at tumakbo papalapit sa akin pero dahil sa ginawa niya ay nahugot ang karayom sa kamay niya dahilan para dumugo ito. "Waaah! Dada! Dugo!" He panicked. Tumayo ako at mabilis na lumabas ng kwarto para magtawag ng nurse. Nang makabalik ay nakita kong inaalo na ni Tito si Noah na parang batang umiiyak. "Tahan na baby ko..." Tito shushed him. Ang dramatic naman ng mga mag-aamang 'to. "Nandiyan na ang nurse" pagkasabi ko ay pumasok ang dalawang nurse sa kwarto at mabilis nilang inayos ang dextrose nito. "Dada, huhuhu! Masakit!" Noah cried with eyes closed. "Mamatay na ba si Noah, South?" naiiyak na tanong ni Isaiah, nasa tabi ko ito at hindi makatingin sa kapatid na tinutusukan ng panibagong karayom. "Hindi pa" sagot ko bago humarap sakanya at tinitigan ang noo niyang namumula sa panunuktok ni Genesis kanina. Hinawakan ko iyon at agad siyang napa-igik "Does it hurts?" masuyo kong tanong. Humaba and nguso niya saka tinignan ang kamay kong nasa noo niya bago sumagot. "Medyo." Tumango ako. Hindi malala pero kailangan pa ring gamutin. Ayokong may makitang kahit na anong uri ng pasa sakanila. "Tss." Napatingin ako kay Genesis na — as usual, masama na naman ang tingin sa akin. Malapit ng maubos ang pasensya ko sa bwisit na to. Ang laki-laki ng problema. "Problema mo, ha?" Maangas ko itong tinignan. Kasing angas kapag meron akong gustong basagin na mukha. Mas lalong tumalim ang tingin niya. "Witch!" He howled. Bwisit talaga. Nang maging maayos na ang lagay ng mga Crane at pinayagan na ng Doctor na pwede na silang i-uwi ay inuwi na namin sila ni Tito. Sitting in a one van with them, I covered my ears along the way to their home. Ang i-ingay nila, isama mo pa si Tito Jackal na bine-baby talk ang mga letchugas na anak. Laking pasasalamat ko na wala ng nag-ungkat pa sa luto ko. Mukhang nagka-amnesia ang mga Crane at nakalimutan ang sanhi ng pagkaka-hospital. They were traumatized and I understand that. Mas okay na hindi na nila maalala ang makamandag kong luto. Sa ngayon, hindi na muna ako magluluto para safe ang lahat. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ngunit agad akong pinangunutan ng noo nang makita na may Limousine at mga sasakyan na naka-parada sa labas. Kinabahan ako. Masama ang kutob ko dito. "Tito, kaninong sasakyan iyan?" Tumingin ako kay Tito. Bumuntong-hininga ito bago ako tinignan at sinagot. "It's your father, South." My lips parted in shock. Anong ginagawa ng taong yun dito?! "What the fuck." Sinapo ko ang noo. Ang galit ay muling nabuhay sa loob ko. Maayos na ang lagay ko rito ngunit mangugulo na naman siya! "He wants to talk to you, iha. He's waiting for you inside" maingat na sabi ni Tito. Nagtagis ang bagang ko. He wants to talk to me? Mukha niya! "Hindi ko siya kakusapin" mariin kong pahayag. Matapos niya akong ipatapon sa tingin niya may gana pa akong harapin siya? Mukha niya! Bakit hindi nalang ito bumalik sa palasyo at alagaan ng mabuti ang reputation niya? I'm fine here. Hindi ko siya kailangan. "Iha, sige na. Kausapin mo siya nang makapag-pahinga na ang mga anak ko" pangu-ngunsensya ni Tito at nilingon ang mga anak sa backseat. Wala silang kaalam-alam sa pinag-uusapan namin ni Tito dahil naglalaro sila ng pitik-mata at may sariling mundo. Medyo nag-alala ako. Kakalabas lang ng mga Crane sa hospital. "Pumasok na tayo at nang makapag-pahinga" sabi ko at akmang lalabas na ng sasakyan nang magsalita siya. "No, South. Ikaw lang ang pwedeng pumasok sa loob. Kakain muna kami ng mga anak ko sa labas pero babalik din kami. You have to face your father alone." Mataman kong tinitigan si Tito at nang may mapagtanto, dahan-dahan akong tumango. Naiintindihan ko. My father ordered him. With that thought, my fist clenched in resentment. "Okay." "Talk to him properly, South" bilin nito. Napangisi ako. "Yeah, Tito. Properly" diin ko sa huli bago lumabas ng sasakyan. Lumapit sa akin ang isang gwardya ni Daddy nang makita ako. "Miss Southern." Magalang itong yumukod sa akin. Nang makitang tumulak na ang sasakyan nila Tito ay humarap na ako sakanya. "Digong, ano na naman bang kailangan sa akin ng boss mo?" Isa siya sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Daddy. Bukod kay Tito Jackal ay lagi niya rin itong kasama at madalas, si Digong ang in-charge sa paghahanap sa akin kapag tumatakas ako. "Hindi ko alam, Miss Southern. Mabuting pumasok nalang tayo" aniya at masuyong inilahad ang kamay para pa-unahin akong pumasok sa loob ng bahay. I took a deep breath and dispel all my emotions. It's about time to be emotionless. Hindi ako papayag na makita niya akong na-aapektuhan sa presensya niya. He may be tough. But I'm tougher. Taas noo at blanko ang mukhang pumasok ako sa bahay. May dalawang guard na nagbukas ng pinto para sa akin at pagpasok, nakita ko agad ang puno't dulo ng galit ko. He is sitting comfortably on the sofa with a cup of coffee. Saan naman kaya ito kumuha ng kape? H'wag niyang sabihin naghalungkat siya sa kusina? Expired na ang mga kape namin. Nakakalimutan ko lang itong itapon. "His excellency, Miss Southern is here." A guard, standing behind his chair informed him. Bago pa mag-angat ang Presidente ng tingin sa akin ay sumalampak na ako sa kaharap niyang sofa at pinatong ang mga paa sa center table na pinagigitnaan namin. Inunan ko pa ang dalawang braso sa likod ng ulo ko habang nakatingin sakanya ng malamig. He chuckled at my behavior. "You still have no manners" he stated and gently put his cup on the center table. Nag-angat ito ng tingin sa akin at ngumisi. "Is that how you show hospitality to your visitor?" he shook his head disappointedly. "You're not a visitor. Bwisita, pwede pa" ungot ko. Dumaan ang pagka-irita sa mukha niya ngunit agad din itong nawala. Tumawa muli ito at nag-de-kwatro ng upo. He clasped his hands on his knees then smile at me. "You are still the straight forwarded, Southern, I knew. I like that attitude of yours, very honest" he commented with a nod. Muli niyang binuhat ang tasa saka maingat na sumimsim sa kape. Tss. Expired na iyang kape mo, President. Gusto kong sabihin pero h'wag na. Hayaan mo siyang magkasakit sa tiyan. I smirked at my evil thought. I'm so proud of my evil self. "Ano ba ang kailangan mo? Hindi uso ang diyaryo dito sa amin kaya hindi ko makita kung trending na naman ako pero tiyak ko naman na mabuti akong tao ngayong linggo. I think I should request a reward for that" panunuya ko nang may naglalarong ngisi sa mga labi. He shook his head, his eyes held amusement or maybe I'm just imagining. "Name your reward, then." Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata yun. Whoa, did I heard it right? Reward? "I want my Sakuragi here" subok ko. Tignan nga natin kung kaya mo--- "Your Sakuragi will be here first thing in the morning." My mouth gaped in shock and confusion. Nakita nito ang reaksyon ko kaya napangisi siya. You've got to be kidding me! "R-really?" hindi makapaniwalang tanong ko. At nang ma-realize na nawala na ang pagiging cold ko ay tumikhim ako at umayos. Tumingin ako sakanya ng blanko ulit ang mukha. I appear cold but my inside was having turmoil. Ang Presidente ba talaga itong kaharap ko? Where's my heartless father? Pero kilala ko ang Presidente, hindi ito mahilig mag-biro kaya paniguradong totoo ang sinabi niya. He doesn't bluff. "Yeah. What else do you want?" He coaxed, shocking me more. End of the world na ba? Bakit naging mabait to bigla? Oh, well. Sagarin natin. "I want pasta" I demanded since I'm craving pasta. Natatakot naman akong mag-luto baka ma-food poison ko pa ang sarili. He chuckled, voice deep and penetrating. Ganoon nalang ang pagnganga ko nang utusan nito ang isang bodyguard niyang ibigay ang gusto ko ngunit bago tumalima ang tauhan ay humirit ako agad. "Damihan mo, ha? Yung good for ten persons. Saka sundaes narin na anim at fries — oh! Don't forget spaghetti that's good for five person! Saka dalawang bucket ng fried chicken. Saka uhm... uhm... pinakbet. Yun lang." Nginitian ko ang guard na natulala sa akin. Pero nang ma-realize kong naka-ngiti pala ako ay agad akong tumikhim at bumalik sa pagiging cold. Ulit. "Give everything she asked" Dad ordered while chuckling. I gaped at him unbelievably. Something's really wrong with this President. Kailan pa nito binigay lahat ng gusto ko? Malakas ang kutob kong may binabalak siya. He won't be nice for anything. Siguradong may kapalit lahat ng ito kaya umayos akong humarap sakanya. "You need something so you are being nice to me. Kaya sabihin mo na." Tumawa ito ngunit ilang segundo lang ay naging pormal na ang itsura. Katulad kung paano siya humarap sa mga ka-negosyo niya. "Nagmana ka talaga sa akin. Tutal nabisto mo na ako, dederetsuhin na kita," tumingin siya sa mga mata ko ng walang emosyon. Kinabahan ako pero agad kong winaksi ang pakiramdam na yun. "I want you to go back to school." Sabi na nga ba. Bakit ba ako nagpalinlang sa matandang tuso na ito? Ngumisi ako saka suminghot kahit wala naman akong sipon. "I am already a smart kid. Why go to school? Kung tutuusin pwede na kitang tulungang solusyonan ang problema sa lipunan" sabi ko saka tumawa ng nakakaloko. Nanatili siyang blanko. Hindi siya mabiro. "Babalik ka sa pag-aaral sa ayaw o sa gusto mo" mariing aniya. Wow! Grabe! Ang galing! Gusto ko siyang palakpakan pero sayang energy kaya h'wag na. Ibang klase talaga tumira ang matandang ito. "Paano kung ayoko?" Nilahad niya ang palad sa isang guard sa likod na mabilis namang may inabot sakanyang white folder. Nang makuha ay pinatong niya ito sa coffee table at tinulak palapit sa akin. I raised my eyebrow questioningly. "Gugustuhin mo" malamig na sambit niya bago ako sinenyasang buklatin ang folder. Nagdadawang isip man ay kinuha ko ito at binuklat ngunit ganoon nalang ang panlalamig ko nang makita kung ano ang laman nito. "DON'T YOU DARE!" My voice boomed in the four corners of the house. Nanginginig sa galit na tumayo ako at dinuro siya nang may nanlilisik na mga mata. "DON'T. YOU. DARE!" Na-blanko ang utak ko. For a second, I forgot who he was. Sinugod ko siya ngunit mabilis akong hinawakan sa braso ng mga bantay niya. I hissed at them and protest but they are strong. Pinagmumura ko sila bago tumingin ng masama sa ama ko na kampanteng iniinom ang kape. Maingat na nilapag nito ang baso sa lamesa bago tumayo at pinampagan ang coat niya na parang may alikabok doon. He then looks at me blankly. Samantala'y nangagalaiti na ako sa galit. Kung hindi lang ako hawak ng mga bantay niya baka nasuntok ko na siya. Wala akong pakialam kung sino pa ito. "Napakasama mo!" I shouted with so much hate but he remains stoical. May inilapag na isa pang folder ang tauhan niya sa lamesa. Sinundan ko iyon ng tingin. "Here are your papers for your new school. It's all settled. All you have to do is to go to school and be a normal student," walang emosyong sabi ng kinamumuhian kong ama bago lumapit sa akin. Sinenyasan niya ang mga bantay na bitawan ako. When I'm freed, I glared at him, wishing he convulsed to death. "Be good, Southern. And when you badly need help, use this," Kinuha niya ang isang nakayukom kong kamay. Pilit na binuksan at nilagay ang isang maliit na parihabang bagay na may tatlong button sa palad ko. "Isang pindot, isang tulong ang lalapit sa iyo. Remember this, Southern, I may not always be on your side but I'm still watching you from afar." Nagtagis ang bagang ko. "What the hell is this? And what the heck are you talking about?" asik ko. Pinagloloko ba niya ako? Matapos niya akong galitin tingin niya hihingi ako ng tulong sakanya? "You are a strong woman so I guess, you won't use this. But I'm still giving it to you just in case you need me. Don't lose that" sabi niya imbes na sagutin ang tanong ko. Nagsalubong ang kilay ko sa kalituhan. Ano ba talagang kalokohan 'to? At bakit ko naman siya kakailanganin? Hindi na ako magtitiwala sakanya! "Hindi kita maintindihan" sabi ko. Pinatong nito ang kamay sa balikat ko, sinundan ko iyon ng tingin bago binalik sa mga mata niya ang tingin ko. I saw unknown emotions in his eyes but it quickly fades away. "That's fine. You said you are smart. Malalaman mo din kung ano iyan." I feel like I'm in a middle of a sea and don't know which direction I'll swim in. Wala akong katiyakan. Puno ako ng pagdududa. Baka ginagago lang ako nito. "Para saan ba to?" Sinipat ko ng tingin ang binigay niya. Simple lang ang itsura, parang pendant ng kwintas. Hindi mo mapapansin na pwedeng pindutin ang mga button kung hindi mo titignan ng maayos. Binalik ko ang tingin sa ama at nagulat nang makitang nakangiti na ito. Naka-shabu ata si Mr. President. "Sabi mo pwede mo akong tulungang solusyonan ang problema sa lipunan, hindi ba?" I tsked. Joke lang naman yun, hindi ko alam na se-seryosohin niya pala. "And?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kinilabutan ako ng ma-uwi ang ngiti niya sa nakakatakot na ngisi. He looked at me mischievously. "Iligtas natin ang lipunan." Iba rin ang utak ng Presidente na 'to, eh 'no? Ano naman ang akala niya sa amin Super Hero? "'Ge. Basta ako si Darna."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD