Chapter 11: The Prince is My Kidnapper

3473 Words
CHAPTER ELEVEN _ Pagkabalik ng mga Crane sa bahay ay nanatiling tulala parin ako sa sala. Naglo-loading parin sa utak ko hanggang ngayon ang mga sinabi ni Daddy. Inangat ko ang kamay at muling pinakatitigan ang binigay niya. Para lamang itong itim na parihaba at maliit na lego brick. "Isang pindot. Isang tulong ang lalapit sa'yo. Remember this, South, I may not always be on your side but I'm still watching you from afar." Nag-replay sa utak ko ang sinabi niya. Isang pindot, isang tulong. So bale, tatlong tulong ang dadating sa akin kapag pinindot ko lahat to. Ang pinagtataka ko lang ay bakit niya ako binigyan ng ganito? As if naman kakailanganin ko ang tulong niya. I can always take care of myself. Atsaka anong ibig niyang sabihin sa pinapanood niya ako sa malayo? Ano ako teleserye na sinusubaybayan? "Iligtas natin ang lipunan." Ang lakas talaga ng tupak niya. Anong akala naman niya sa amin? Siya itong Pangulo ng bansa kaya siya ang mag-ligtas ng mag-isa. Masyado akong busy na tao. "South, ano iyan?" Napaiktad ako nang biglang sumulpot sa harapan ko si Psalm. Pero mas nakakagulat ang sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Isang dangkal ng daliri nalang, maghahalikan na kami. I point my index finger on his forehead and push his face away from me. Mabilis kong tinago ang pendant na parang lego brick sa bulsa bago ito hinarap. "It's nothing. Nasaan na ang mga ka-tokmol mo?" tanong ko bago tumayo at dinampot ang dalawang folder na iniwan ni Daddy. Inipit ko ang mga ito sa braso. "Nasa kusina, kumakain. Grabe, South! Ang sasarap ng pagkain hehe!" He beamed, referring to the foods I ordered from my Dad. Binigay nga nito lahat ng hiningi ko. "Okay. Basta mag-tira kayo ng pasta para sa akin. Aakyat lang muna ako sa kwarto ko" paalam ko at tatalikuran na sana ito nang pigilan niya ako. "Teka, South!" "Oh?" Tinaasan ko ito ng kilay. Ngumuso ito saka nagkamot ng ulo. Kita sa mga mata niya na may pag-aalinlangan itong sabihin ang kung anumang nais niyang sabihin kaya nagsalita ako. "Spill it, Psalm. I already want to take a nap." Humugot muna ito ng malalim na hininga bago tumingin ng diretso sa mga mata ko. "H-hindi mo naman siguro kami iiwan 'di ba?" maingat niyang tanong. My mouth parted open. His question caught me off guard. Natahimik ako at hindi alam kung anong isasagot ko sakanya. Mahigit isang linggo ko palang silang nakakasama pero pakiramdam ko sobrang tagal na. Mabilis akong napalapit sakanila at iiwan? Wala pa iyan sa plano ko. I smiled at him reassuringly. "Iiwan ko lang kayo kapag ayaw niyo na sa akin." "Kahit naman nakakamatay ang luto mo, hindi ka pa rin namin aayawan kaya habang buhay ka na sa amin, South!" He exclaimed with a wide smile. Halos lumubog and mga mata niya sa sobrang pagkakangiti. Naiiling akong natawa. Hindi pala niya nakalimutan ang luto ko. Akala ko naman nagka-amnesia sila. "We'll see." "Ah, South?" "Hmm?" "Ang pinakbet pala bagoong ang main seasoning niya at hindi suka, hehe." I looked at him flatly. Malay ko ba. "Spanish Pinakbet kasi ang niluto ko kaya ganun" pagdadahilan ko bago umalis at umakyat na sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay para akong tangang ngumiti. Nahawa na ata ako sa kabaliwan ng mga Crane. Napailing-iling ako pero agad napabuntong-hininga at tumingin sa dalawang folder na hawak ko. Na-upo ako sa kama at pinaka-titigan ang mga ito. Ang isa ay laman ang mga papeles ko sa school. Binuklat ko iyon at nakita na maayos na nga ang lahat. Gaya ng sabi ng ama ko, papasok nalang ako sa paaralan at maging isang normal na studyante. Tss, normal? Ano naman akala niya sa akin abnormal? Isasara ko na sana ang folder nang may biglang nahulog na papel. Pinulot ko iyon at napakunot ang noo nang makitang sulat iyon. Sulat para sa akin. 'You were in a game called hunt by the hunt, my daughter. You are the prey. But I want you to be the predator of your own. Be careful, and be careful who you trust. Enemies are the good ones. -President' Mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari. Anong ibig sabihin ng sulat na ito? Ako ay nasa isang laro? Ako ba pinagloloko ng Presidenteng yun? Kung ako pinaglalaruan niya, pwes, hindi ako natutuwa. Hindi iyon magandang pangitain. Hindi ako pinanganak para paglaruan ng kung sino man. Gulong gulo na ang utak ko. Para itong sasabog sa dami ng mga katanungan at pagkalito. This is not good. Whatever this letter means, I have to be prepared. Binalik ko sa folder ang sulat at sunod namang binuklat ang isa pang folder. Ang folder na dahilan kung bakit ako nagalit kanina. Nagsimula na namang mabuhay ang galit at paghihinagpis para sa ama. He's really a demon. Alam na alam ang gagamitin para mapasunod ako. Curse him to hell! Nagtagis ang bagang ko na tumingin sa laman ng folder. It's a photo of the Crane family. Sina Tito Jackal at ang mga anak niya, masaya at tila mga walang problema. Sa likod ng nakaipit nilang litrato ay mga information o mas magandang sabihin na summary ng mga kahinaan nila. Here include Tito Jackal's businesses too, and how my father would pull it down. A nice threat, right? Tangina. Alam niyang hindi na tatalab sa akin ang pag-gamit niya sa mommy ko kaya naghanap siya ng ibang gagamitin. And unfortunately, he sees the Crane as a weapon to use against me. Na siyang tumalab sa akin dahil alam niyang nahuhulog na ang loob ko sakanila. Nagngitngit ang mga ngipin ko sa galit. Sinasagad talaga niya ang pasensya ko. Ito ba ang gusto niya? Ang paglaruan ako? Pwes, makikipaglaro ako at sisiguraduhin kong mananalo ako. Sabi sa letter niya, hunt by hunt. Sino ba ang mga kasali? Galit ako sa Daddy ko at hindi iyon matatanggal pero sa isiping binigyan niya ako ng adventure ay na-excite ako. May silbi rin pala siya at kung totoo man ang mga nakasaad sa sulat, paghahandaan ko ito. I'm going to be a predator like he wanted. Kinabukasan ay naghanda ako para kunin ang schedule ko sa papasukan kong paaralan. My father left me no choice, kailangan kong mag-aral kundi mapapahamak ang mga Crane. Kahit mga tokmol sila ay ayoko pa ring mapahamak sila dahil sa akin. "South, saan ka pupunta?" tanong ni Isaiah pagkababa ko ng hagdanan. Mag-isa lang ito sa sala na siyang pinagtaka ko. Ang ganitong oras ay gising na silang lahat at nagkukulitan. "Nasaan ang mga kapatid mo?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Ngumuso ito saka tinuro ang pangalawang palapag. "Tulog pa. May Jetlag pa raw sila, eh." Jetlag? Nag-ibang bansa ba sila? "Paano kayo magkaka-jetlag? Saan ba kayo pumunta kahapon?" kunot-noong tanong ko. "Sa Mall, hehe. Kumain kami sa Italian Restaurant." The heck. Ngayon ko lang nalaman na nakaka-jetlag na pala ang pagpunta sa Mall. "Tss. Abno. Aalis lang ako saglit" paalam ko bago ito nilagpasan pero humabol ito at humarang pa sa dinaraanan ko. "Saan ka pupunta?" he asked again, blinking his eyes cutely. "Diyan lang babalik din ako." Humakbang ako pero hinarangan niya ulit ako. Naiirita ko itong tinignan. Ang aga-aga bwini-bwisit na naman ako, tss. "South, kasi... " hindi ito makatingin sa akin tapos pinagdikit pa ang dalawang hintuturo. "Ano yun? Kung may sasabihin ka Isaiah, sabihin mo na." May kinuha siyang papel sa bulsa at binigay iyon sa akin. Kunot noong kinuha iyon saka tinignan. "Twinkle Star Kindergarten opening?" Sunod-sunod siyang tumango habang nagni-ningning pa ang mga mata. "Gusto ko talagang mag-aral diyan, South, hehe. Parati kasi silang may feeding program!" He licked his lips like he's salivating. Grimacing, I looked at him as if he's losing his head. Kindergarten talaga? At iyong feeding program lang ang dahilan ng pag-aaral niya? Binulsa ko ang papel saka bumuntong-hiniga. "O siya, titignan natin bukas — " Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. "Waaahh! Thank you, South!" Tss. Kinalas ko ang mga braso nito bago tinapik sa balikat. "Sige, alis muna ako. Kayo na bahala dito, ha? Sabihin mo kay Peter na siya ang mag-saing ng kanin mamaya" bilin ko. "Aye aye captain!" Masigla itong sumaludo. Lihim akong napangiti. So energetic. May mga binilin pa ako saglit bago lumabas ng bahay. Three steps and I abruptly stopped on my track. Napanganga ako at hindi makapaniwalang napatitig sa naghihintay sa akin sa labas ng bahay. "You've got to be kidding me.." Sinampal ko ang sarili at mangiyak-ngiyak na naglakad papalapit dito. At nang makalapit ako ay nahulog ang isang butil ng luha sa kanang mata ko. My baby is here. "Sakuragi ko..." Hinaplos-haplos ko pa ito para masiguradong hindi ako nananaginip. My Suzuki Hayabusa motorcycle is here. I must be dreaming. "Your Sakuragi will be here first thing in the morning." Nag-flashback sa akin ang sinabi ng Presidente kahapon. Gaya ng sinabi niya, nandito nga ang Sakuragi ko. Binigay niya. At dahil nandito na ang baby ko mas na-motivate pa akong mag-aral. Ngumisi ako ng nakakaloko sa naisip. It's time to claim my crown as The Blazing Queen of Road. Natawa ako ng mahina ng maalala kung sino ang nagbigay sa akin ng titulong iyon. I fish out my phone from my pocket. Oo, may cellphone na pala ako. Binigay ito sa akin ni Tito kahapon sa hospital in case of emergency daw ay matawagan ko ulit siya. I typed a message and send it to the number I memorized ever since I was 16 years old. 'Thank you, President.' -S.M.B Ngayon lang to. Ngayon ko lang siya pasasalamatan pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na ako galit sakanya. Matapos kong ibalik ang cellphone sa bulsa ay nakangisi muli akong humarap sa motor ko. Grabe, hindi ako makapaniwala! "It's time baby to own the road" pagkakausap ko dito bago sumampa. The key is already on the ignition. Binuhay ko ang makina at mas lalo pang lumapad ang ngiti ko nang humalulong ang makina. Halos mapunit na ang mga labi ko. Damn, I missed this. I missed my baby so much. Sinuot ko ang helmet na kasama nito saka humawak sa kambyo. Wala pang ilang sandali ay nasakop ko na ang kalsada. "That's it Sakuragi! Yeah, right!" sigaw ko habang sumisingit sa mga sasakyan habang mabilis na nagpapatakbo. Wala pang-apat na minuto ay nakarating na ako sa bago kong school. Ngising-ngisi akong nag-park. Wala paring kupas ang bilis ng baby ko. Ibang klase! Matapos masiguradong maayos ang kinalalagyan ng baby ko ay pumasok na ako sa loob ng school. Kukunin ko lang naman ang schedule ko tapos uuwi na. Hindi ko pwedeng iwan ng matagal ang mga Crane sa bahay baka masira na naman ang mga bagong display namin. Pero tatlong oras na akong pa-ikot-ikot sa buong school pero hindi ko pa rin mahanap ang pesteng Admission office na 'yan. Nasasayang lang ang oras ko. ABS UNIVERSITY is impressive, massive, and was build and decorated in a Victorian style. It looks classic and mesmerizing, medyo namangha ako. Oo, medyo lang. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ibig sabihin ng ABS nila, I don't care anyway. Ang mahalaga ay makuha ko ang schedule ko. Bukas na ang pasukan kaya marami-raming studyante ang nagkalat ngayon dito, mukhang nandito rin sila para kumuha ng schedule. May ibang napapatingin sa akin na hindi na kataka-taka, masyado kasi akong maganda kaya pansinin talaga ako. "Grabe, ang ganda niya, 'no?" "Oo nga pre, bago lang kaya siya?" "Mukha nga. Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kaganda, eh." Tumingin ako sa tatlong lalaki na nasa gilid na halatang ako ang pinag-uusapan. I raised an eyebrow at them and when they realized I'm looking, they immediately left with flushed cheeks. Hays. Ibang level talaga ang kagandahan ko kahit stress. Sunod naman akong napatingin sa grupo ng mga babae na nakatingin din sa akin, halata sa mga itsura nila ang insecurities sa kagandahan ko. Tinaasan pa ako ng kilay ng mga bruha kaya inirapan ko sila. Kaya ayokong mag-aral, eh. Ang daming insecure. "Nasaan na ba kasi ang pesteng Admission na yan?" Kinamot ko ang ulo. Nagsasayang lang talaga ako ng oras dito. Habang naglalakad ako sa school corridor ay luminga-linga rin ako sa paligid, nagbabaka-sakaling makita ang hinahanap ko. "KYAAAHHH! SUGURIN SI PRINCE!" STORY CONTINUES BELOW "KYAAAAHH! PRINCE GAB!" "KYAAAHHH! I LOVE YOU, PRINCE GAB!" "KYAAAAHHHH!" Napatingin ako sa mahigit isang-daan na mga kababaihan na may kanya-kanyang hawak na banner habang tumatakbo at tila may hinahabol. Para silang mga naglalaway na aso na sabik na sabik sa kung sino mang taong hinahabol nila. Wala silang mga pakialam kung may mabangga man sila. "KYAAAHHHH!" "BILISAN NIYO GIRLS! HABULIN NATIN SI PRINCE GAB!" "PRINCE GAB! KYAAAAHHHH!" "PRINCE GAB! HINTAYIN MO KAMI!" Napailing ako sa sarili. These girls are impossible. Hindi ko akalain na may mga ganyang klase ng studyante pala rito. Akala ko sa dati ko lang na school. They are a bunch of pathetic girls drooling over a guy. Mga walang kwenta. Kung sino man ang Prince Gab na tinutukoy nila, tiyak na isa lang itong ordinaryong kupal na walang ibang alam kundi ang paasahin at paiyakin ang mga babae. And I loath guys like them. Akala mo ang ga-gwapo pero mukha namang patay na kuko. "PRINCE GAB! I LOVE YOU!" Napailing-iling ako, kaya ayoko talagang pumapasok sa school, maraming mga pathetic na tao at nakakairita sila. Nakaka-stress. Hinilot ko ang sintido saka tumingin sa paligid ko. Nasaan na ba ang Admission office? Kanina pa yan, ha! "Miss, excuse me?" tawag ko sa babae na nakita ko. Paakyat ito ng hagdanan nang tawagin ko siya. Humarap ito sa akin at agad inayos ang makapal na salamin bago tumungo at hinigpitan ang hawak sa mga makakapal na libro. Nerd. "Y-yes?" nauutal na tanong niya. Bakit ba mukhang mahina at lampa ang mga nerd? Tss. "Nasaan ba yung pesteng Admission office? Kanina pa ako palibot-libot dito hindi ko mahanap" sabi ko. Inayos muli niya ang salamin bago tumingin sa akin pero agad ding umiwas ng makitang titig na titig ako sakanya. "I— I'm actually heading there. Y-you can f-follow me.." Nautal na naman ito. Itong nerd na ito lang pala ang sagot sa problema ko. "Orayt! Tara na at baka hinihintay na ako ng mga tokmol sa bahay!" Natutulalang tumango ito at tumalikod. Mukhang nakalimutan niya ata na nasa hagdan siya dahil nang humakbang ito ay natisod siya kaya nahulog lahat ng librong hawak. Maging ang salamin ay tumalsik pa sa gilid. Napabuntong-hininga ako. Ano bang klaseng tao 'to? "Tss. Nerd talaga, lampa" naiiling na sabi ko bago pinulot ang salamin niya at inabot ito sakanya. Tinulungan ko din syang pulutin ang mga libro niya at ako na ang nagdala sa mga ito. Natatarantang tumingin siya sa akin. "T-that's my b-books.." Umirap ako. "Libro mo lang! H'wag kang mag-alala hindi ko kakainin ito, tulungan na kita at baka madapa ka na naman. Kailangan ko nang umalis kaya tumayo ka na diyan at bilisan ang kilos mo" utos ko. Anong oras na ba? Kumain na ang mga Crane? Natatarantang tumayo ito at napayuko na naman. Sinilip niya ang mga libro na hawak ko at saka tumingin sakin na tila hiyang-hiya. "S-sige... t-this way.." Nauna na siyang naglakad kaya sinundan ko siya. Para akong nabunutan ng tinik nang makita ang Admission office. Damn, nandito lang pala ito. "W-we're here.." she announced. "Oh, sayo na 'yang mga libro mo" sabi ko saka inabot sakanya ang mga libro niya. Agad niya itong kinuha saka tumungo. "T-thank you.." "Sa susunod na magkita tayo h'wag ka ng lampa, ha? I hate clumsy people." Tinalikuran ko na ito at pumasok sa loob ng Admission office pero bago tuluyang makapasok, narinig ko pa ang binulong niya. "I hope we meet again.." Tss. It did not take me time inside the Admission office. Nang makuha ang schedule ay agad akong naglakad papuntang parking lot. Nasa school ground na ako ng biglang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Huminto muna ako sa paglalakad saka puno ng pagtataka na kinuha ang cellphone sa bulsa at nakita ang sunod-sunod na text ng mga Crane. Yup, I have their numbers. Nang makita nilang binigay ni Tito ito sa akin ay nag-unahan silang hiramin ito. Binigay ko ngunit hindi ko alam na kanya-kanya pala silang nag-save ng number. Mga abnong tao. Binuksan ko ang message sa akin ng panganay. FROM: NOAH_THE_POGI -TIMOG! WHERE ARE YOU?! Noah the — what? Napailing nalang ako sa nilagay niyang pangalan niya. Hindi ko siya ni-replayan at sunod na binasa ang text ni Peter. FROM: PETER_TIRADOR -TIMOG! AKO BA TALAGA ANG MAGSASAING? HINDI PWEDENG SI PSALM NALANG? SIYA NAMAN ANG MALAKAS KUMAIN, EH!! Tamad talaga kahit kailan ang isang to. Hindi ko din sinagot at sunod namang binasa ang message ni Genesis. Nagtaka nga ako dahil tatlo ang mensahe niya sa akin. FROM: GENESIS_THE_GREAT -WHERE ARE YOU, WITCH? DID YOU f*****g LEAVE US ALREADY? -YEAH RIGHT. LEAVE US AND NEVER COME BACK AGAIN! I HATE SEEING YOUR UGLY WITCH FACE! -WITCH... WHERE ARE YOU? Grabe. Bipolar ata ang isang to. His weirdness confuses the hell out of me. Binasa ko nalang ang message ni Psalm. FROM: PSALM_THE_SAINT -SOUTH? GUTOM NA AKO, SOUTH! MAMATAY NA AKO SA GUTOM! NASAAN KA NA BA? HUHUHU H'WAG MO KAMING IWAN! HINDI NA KAMI MAKAKAKAIN KAPAG WALA KA ! T___T P.S: SOUTH, GUTOM NA TALAGA AKO! PPS: SOUTH, SIGURADO KA BA TALAGANG SI PETER AND MAGSASAING? KULAY PUTI ANG KANIN NIYA, 'DIBA YUNG NILUTO MO KULAY RED? PPPS: ANO BA TALAGA ANG TUNAY NA KULAY NG KANIN? Minasahe ko ang pagitan ng mga kilay ko. Hindi ko rin siya ni-replayan at sunod namang binasa ang text ni bunso. FROM: ISAIAH CRANE Wow! Infairness siya lang ang may pinaka-matinong nilagay na pangalan sa contact ko. Binasa ko ang laman ng mensahe niya pero ganun nalang ang pag-ikot ng paningin sa nabasa. -5OuTH, WH3r3 n U? D2 N M3! Pl3Z3 C4MB4CK HOM3Z 4LrDY, jejejejeje **BhOzzKhO123** What the f**k?! Siya pa naman ang inakala kong matino pero siya pala ang pinaka-malala. Kailan pa naging jejemon ang tokmol na yun? Jusko! Ni-replayan ko nga. TO: ISAIAH CRANE -TANGINA MO. Pagka-send ko ay muli kong minasahe ang pagitan ng mga kilay. Sumasakit na naman ang ulo ko. Ibabalik ko na sana ang cellphone sa bulsa pero bigla itong tumunog, pagtingin ko, nagreply pala ang tokmol. FROM: ISAIAH CRANE -IK4W L4HNG S4PH4T N4! jejejeje King ina talaga. Hindi ko na siya sinagot at binulsa na ang cellphone. Tinuloy ko ang paglalakad pero wala pang tatlong hakbang ay biglang may humablot sa akin sa kung saan. What the hell?! Hindi ko na nagawang manlaban pa o tignan ang hinayupak na humila sa akin sa bilis niyang takbo habang hila-hila ako. Wala akong nagawa kundi ang magpa-ubaya muna. Mamaya ka saking gago ka! Tirik na tirik ang araw dumu-dukot ka ng dyosa? Pumasok kami sa isang bakanteng classroom at agad niyang ni-lock ang pinto. Hinila niya ako payuko, magpo-protesta sana ako pero may narinig kaming yabag ng mga paa. Halos manginig ang sahig sa dami nila. Tinignan ko ang kidnapper ko pero masyadong madilim ang buong classroom kaya hindi ko makita ang itsura nito. Isa lang ang sigurado ako. Lalaki ito. Napa-igik ako ng bigla akong may maramdamang daliri na lumapat sa mga labi ko na parang sinasabi ng kidnapper na manahamik ako. Tatanggalin ko na sana ang kamay niya sa bibig pero bigla itong nagsalita sa mahinang boses. "Ssshh... keep quiet. Kung ayaw mong makain ng mga zombies manahimik ka, okay?" What the?! Zombies?! Is he f*****g serious? Ang mga yabag ay papalapit nang papalapit sa kinaroroonan namin. Medyo magkadikit kami nitong kidnapper kaya ramdam ko ang biglang paging tensyonado niya. "Waaaahhh! Nasaan na siya?!" "Omygash! Hindi ko na siya makita!" "Where is he?" "Waaahhh! Nakawala na naman si Prince Gab!" "Hanapin si Prince Gab!" "Hanapin!" "Hanapin ang Prinsepe ng mga puso!" Sigawan ng mga kababaihan mula sa labas ng classroom na pinagtataguan namin ang nagpakunot ng noo ko. Don't tell me, sila yung battalion ng mga babae kanina? "Let's go, girls! Baka doon pumunta si Prince Gab!" Sunod na nangyari ay ang papalayong yabag ng mga babae. "Phew! That was close!" sabi ng kidnapper ko. "What the f**k was that?!" singhal ko rito. H'wag mong sabihin na itong kidnapper ko ang Prince Frog nila? "Whoa! Wait! Let's get out of here, it's dark!" sabi ng kidnapper ko at nagulat ako ng bigla niya akong hilain patayo at binuksan ang pintuan ng classroom. Sumilay ang liwanag sa amin pagkalabas, humarap ako sa walangyang kidnapper ko para sana sapakin pero bigla akong natigilan nang makitang nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. "H-hi.." he muttered. Eyebrows furrowing, I stare at his forest green eyes until my eyes widened. If I'm not mistaken... he is... "CONDOM BOY?!" My freaking kidnapper is the freaking Condom Boy! Just great! . . (To be continued..)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD