Chapter 12: Chooks to go

4065 Words
CHAPTER TWELVE _ "Wowo ko! Wait lang!" "Wowo ko! Hintayin mo naman ako!" Wowo ko? What the f**k?! Ibang klase rin ang Condom boy na 'to. "WOWO KOOO!" Letse! Kailan ba siya titigil? Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito ng may naiiritang mukha. Hingal na hingal na ito sa kakasunod sa akin. Matapos niya akong dukutin ay para na siyang tuta sa sobrang kulit sa pag-sunod sa akin. He can't stop annoying me at kung anu-ano pa ang tinatawag sa akin! "Tigilan mo ako Condom boy, ha!" asik ko. "Gab nga ang pangalan ko. Stop calling me that!" Ngumuso ito na parang batang pinagkaitan ng candy. "Gusto ko eh! Wala kang magagawa! Lumayas ka nga sa dinaraanan ko!" utos ko nang humarang ito sa harapan ko. "Ihhh sabihin mo muna kasi ang pangalan mo!" pangu-ngulit niya at ang kupal, nagpapadyak pa. Simula nang makilala niya ako ay bukod sa pag-sunod, hindi rin ito tumitigil sa pagtanong sa pangalan ko. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao. Girls' death glares on me were enough to threaten me. Baka hindi ako maka-uwi agad dahil pagbubugbugin ako ng mga ito. I can slay a group of people but hundreds? Damn. Nakita ko kung gaano karami at desperado ang mga babaeng naghahabol sa lalaking ito. Mga itsura palang, nangangagat na. This guy in front of me was downright handsome. Walang duda doon. He could pass as a Prince-like what the books describe one. Sikat na sikat din ito sa school pero kahit gaano pa ka-gwapo ito ay hindi ko pwedeng basta-basta nalang sabihin ang pangalan ko. Baka makilala pa niya ako at malintikan na. At isa pa, wala akong interest sakanya. I will only tell my name to those who deserve to know. Bukod dito ay kailangan ko na ring umuwi baka hinihintay na ako ng mga Crane. Anong oras na baka gutom na ang mga 'yon. Sana naman nakapag-saing na si Peter. Bibili nalang ako ng ulam namin dahil sobrang nakakatakot kapag magluto ulit ako. Baka mapatay ko na sila ng tuluyan. "Lumayas ka sa daanan ko" malamig kong utos pero matigas ang lalaking ito. He stood firmly on the ground and smile at me. "Aalis lang ako kapag sinabi mo ang pangalan mo. Sabihin mo na kasi Wowo ko! Alam mo bang matagal na kitang gustong makita? Swerte ko lang ngayon na nakita kita dito! This must be destiny!" He clasped his hands together and beamed with a dreamy look. Alright. He looked cute acting childish. Papasa na nga itong maging Crane, eh. Gwapo pero tokmol. But still. Nairita ako sa tawag niya kaya sininghalan ko ito, "Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng Wowo! What the hell is that?" Wowo ng Wowo, kaurat. Para namang pangalan ng alien. The handsome man in front of me smiled widely. Kita na nga ang gilagid buti mapuputi ang mga ngipin. Umiwas ako ng tingin dahil natutunaw ako. Si Isaiah ang panlaban ko sa ka-cute-an pero contender ang isang 'to. "Wowo ko, short for Wonder Woman ko!" He then giggled like someone's tickling him. What the hell? Wonder Woman? I prefer Darna, maka-Pilipino. "Kung maka-ko ka akala mo pag-aari mo ako. Stop that and will you please, move? Kailangan ko nang umuwi." Maganda siya sa mga mata pero nakakaurat din. Sobrang kulit. Parang tutubi na sinindihan sa pwet. Imbes na tumabi ay dinipa pa niya ang mga braso na parang naglalaro ng patintero. Malaki ang ngiti niya, hindi man lang na-aapektuhan sa talim ng tingin ko sakanya. Lahat tuloy nang dumadaan sa gilid namin ay titignan kami saka magbubulungan. Nagtagis ang bagang ko. Wala pang pasukan, nagkaka-issue na ako. "The moment I laid my eyes on you, you are already mine, Wowo." The annoying guy confessed. Ibang level din ang utak nito. Nakita lang ako, pag-aari na ako agad? Dukutin ko mga mata nito nang hindi na ako makita, eh. Tinaasan ko ito ng isang kilay bago malamig na tinignan. "I'm no one's property. Now, move your ass or I'll wring your neck" pagbabanta ko. But no one seems to give a chill to this man. Wala man lang akong makitang pangamba o kahihiyan sakanya. He's a naturally thick-faced asshole. "I won't not unless you tell me your name," he said firmly. Clenching my fist, I tried to cool down my raging emotions. He is such a pain in the ass. I took a step sideways and move my feet forward to overpass him but he was quick to block me. "Your name first." Pinikit ko ang mga mata at nang magmulat, I let him see the demon in my eyes. "PADAANIN MO AKO O SISIPAIN KO ANG MUKHA MO?!" malakas na sigaw ko. The people around us run away, scarred. Ang makulit na lalaki naman ay wala pang tatlong segundo ay nasa gilid na habang nanginginig sa takot. Kailangan palang siyang sigawan bago sumunod. Pambihira. "Sipain mo na ako sa kahit anong parte ng katawan 'wag lang sa mukha. Kayamanan ng pamilya ko ang maganda kong mukha," aniya na ikina-ikot ng mga mata ko. He really has a thick face. Humarap ako rito ng may nakataas na kilay. "Kayamanan talaga. Sa kakapalan ng mukha mo? Hindi na ako magtataka kung bilyonaryo ka" I sneered then walked past him. Anong oras na kaya? Baka naghihingalo na naman sa gutom ang mga Crane. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinignan ang oras. 11:56 AM na pala. Ang tagal kong naglagi sa school. Tinext ko si Noah. To: Noah_the_Pogi Mapalitan na nga ang mga pangalan nila sa contacts ko. -Hoy, tokmol. May tinapay diyan sa taas ng ref. may palaman din diyan. Iyan nalang muna ang kainin niyo. Pagka-send ko ay may biglang kumalabit sa akin sa likod. Inis na lumingon ako at bumungad sa akin ang nakangusong pagmumukha ni CB (short for condom boy. Nakaka-asiwa kasi kapag binabanggit ko ang first word.) "Hindi mo ba talaga ako titigilan?" Tinignan ko siya ng masama pero ang bwisit ngumiti lang. "Hangga't hindi mo sinasabi ang pangalan mo, I won't stop" he insists. Humarap ako sakanya at tinitigan ng mariin. "Tigilan mo ako o tatawagin ko ang mga zombies mo?" I threatened. It was a lame threat pero nang bumakas ang takot sa mukha niya ay lihim akong napangiti. Nanlaki ang mga mata niya saka takot na takot na niyakap ang sarili at umiling. Lumingon-lingon pa siya sa paligid na tila sinisiguradong wala ang mga 'Zombies' na humahabol sakanya. Para siyang addict sa totoo lang. "H-hindi na kita kukulitin, basta 'wag mo silang tatawagin. Gagahasahin nila ako! Kukunin nila ang dangal ko! Naintindihan mo? KUKUNIN NILA ANG DANGAL KO!" takot na takot na aniya. Nangangatog pa ang mga tuhod at tila paranoid na sinabunutan ang sariling buhok. Why all the people I encountered has a mental defect? "K." I yawned. Iniwan ko nalang ito na sumisigaw ng, "Kukunin nila ang dangal ko!" Wala na bang matino sa lugar na 'to? Hunk City nga pero dumb naman ang mga hunk dito. My phone vibrates and when I look, Noah's name is on the screen, calling me. "Oh?" bungad ko pagkasagot ko sa tawag niya. Binilisan ko ang lakad papuntang parking lot dahil baka sundan na naman ako ng abnormal na CB. "TIMOOOOOOOOOOOOG!!" What the heck?! Para akong nakompyang sa lakas ng boses ni Noah sa kabilang linya. Muntikan ko pang nabitawan ang cellphone sa gulat. Damn! Naka-megaphone ba 'to? "Letse! Bakit ka ba sumisigaw?!" singhal ko sa cellphone. Wala ng masyadong tao sa paligid dahil nasa parking lot na ako. Ang mga tao ay nasa loob ng campus. "Si Timog ba 'yan?" "Is that Witch?" "Si South na ba 'yan? Pakisabi naman na gutom na ako!" "South? Naririnig mo ba ako? Ano ang palaman?" Sunod-sunod kong narinig ang mga boses ng Crane sa kabilang linya. Tapos sunod kong narinig ang mga kalabog at parang mga bagay na nabasag. Uminit ang ulo ko sa iniisip na baka sinira na naman nila ang mga bagong gamit. "Timog? Nasaan ka? Bakit mo kami nilayasan?!" Noah cried on the other line. Nilayasan? "Timog! Bumalik ka na! Huhuhu!" It was Peter's voice. "Witch? Damn you, witch!" Sino pa ba ang nagmumura ng sobra sa mga Crane? "S-south? W-walang p-pagkain g-gutom na ako" sumisinghot na sabi ni Psalm. "Huhuhu! South? Umuwi ka na! Huhuhu! Hindi ko alam kung ano ang palaman!" cried Isaiah. Why are they acting like I left? Pumunta lang ako ng school para kumuha ng schedule ko, nilayasan na? "Mga abno talaga kayo. Pa-uwi na ako." Despite my irritation, I still managed to smile to myself. Madalas na nakakairita ang pagiging OA at kabaliwan nila pero nakakatuwa pa rin. They're cute looking so stupid. Atsaka, bakit ko naman sila lalayasan? Kahit pa siguro sila ang magpalayas sa akin ay hindi ako aalis. Saan naman ako pupunta kung sakali 'di ba? Dito nga ako tinapon ng magaling kong ama tapos aalis ako? But my smile quickly turns into sa snarl when I heard crushes on the other line. What the hell are they doing? "TALAGA?! YEHEY! UUWI NA SI TIMOG!!" They beamed and I could even imagine them dancing. Napailing nalang ako. "Noah! Kausapin ko nga saglit si South!" boses ni Isaiah tapos may narinig akong tila naga-agawan. "Tangina mo Isaiah! Cellphone ko 'yan! Amin na!" "Saglit lang, eh! Tatanungin ko lang sakanya kung ano ang palaman!" "Are you freaking sure you only gonna ask her about that?" That was Genesis and I heard a threat in his voice. "Oo! Hindi ko siya tatanungin na magpakasal sa akin kaya relax ka lang, Genesis!" I gaped. Are these people aware I'm listening? "Just make it sure, Isaiah. I'll gonna break your face!" "Bubuhusan kita ng asido, Isaiah. Siguraduhin mo lang." "Pipisain ko ang betlog mo, Kaps. Sinasabi ko sa'yo." "Susunugin ko ang diary mo, Kaps." Sumandal ako sa motor ng makalapit ako rito. I looked around and see I'm alone with a lot of cars. "Tangina niyo mga KUYA!" Napangiwi ako sa sigaw ng bunsong Crane. Bastos. Sabagay, sunod-sunod lang naman ang tanda nila, eh. "South? Hehe, ano ang palaman?" tanong ni Isaiah. Mukhang pinayagan na siya ng mga kapatid na kausapin ako. Hinilot ko ang sintido. Seryoso ba ang tokmol na 'to? Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili bago ito sinagot. "Palaman, Isaiah, iyon yung nilalagay sa gitna ng tinapay bago kainin. Iyong Ladies Choice diyan, 'yon ang palaman." I feel like I'm explaining to a kid. "Ladies Choice? Palaman 'yon?" "Oo." "Pero hindi namin siya pwedeng ipalaman sa tinapay, South. Lalaki kami, eh! May mga betlog kami. Pinaka-malaking betlog si Peter, sunod si Noah at Genesis. Pareho sila ng laki ng betlog. Tapos sunod si Psalm. Tapos ako, hehe, ako kasi ang bunso!" What the f**k?! Does he really need to emphasize their sizes? Damn, pakiramdam ko uminit ang pisngi ko. It's too much information! It's—f**k! Pinaypayan ko ang sarili. Lintik na tokmol na ito. And the way he talks about it, it's so innocent! No malice - just f*****g genuine innocent. "Isaiah, kumain ka na nga lang ng tinapay!" singhal ko sakanya. Jusko, baka kung saan pa mapunta ang usapan na 'to. "Pero hindi nga namin pwedeng ipalaman 'yong Ladies choice!" "Bakit hindi? Dahil may betlog kayo?!" "Oo. Ladies Choice nga, eh. Ibig sabihin, babae lang dapat. Buti sana kung Ladies and Gentlemen Choice ang pangalan ng palaman, ipapalaman namin 'yon." At talagang nangatwiran pa! "Isaiah?" nangigigil kong tawag dito habang hinihilot ang sintido na tila sasabog na. Oh, Lord, if you can't give me patience, at least give this man a head. "Bakit, South?" "What is Norepinephrine?" "Eh? Uhm...Norepinephrine is uhm.. a catecholamine neurotransmitter, produced both in the brain and in the peripheral nervous system. It is involved in arousal and regulation of sleep, mood, and blood pressure." Matalino. "Very good. Ano naman ang gamit ng utak?" "Hmm.. sabong panlaba ba ang utak, South?" inosenteng tanong nito. Napahilamos ako ng mukha. Letse! Letse, talaga! Kailan pa ginawang sabong panlaba ang utak? It's confirmed, Isaiah is certified stupid. Innocent and stupid. "Tangina mo, Isaiah, alam mo 'yon?" Nang-gigigil kong sabi saka humawak sa motor. Pakiramdam ko kasi matutumba na ako sa stress. "Oo. Sabi ni Genesis, eh." Ang lintik sumagot pa! Huminga ako ng malalim bago nagsalita nang may labis na pagpapasensya. "Mabuti alam mo. Pwede ngayon ipalaman mo na 'yong Ladies Choice sa tinapay ng baka sakaling magka-utak ka na?" panghikayat ko pero hindi tumalab. "Hindi nga pwede! Hays! May betlog kami, South! May betlog!" Damn! "Tangina mo talaga, Isaiah!" bulyaw ko dito saka pinatayan ng tawag. Habol ang hiningang napakapit ako ng mahigpit sa motor ko. Wala namang akong ginawang extreme activity pero pakiramdam ko drain na drain ako. Talking to the youngest Crane can also be considered an extreme sport. Buwis-buhay at nakaka-ubos ng energy. Hindi ko na talaga alam kung matatagalan ko pa ang kabobohan ng isang 'to. Napapailing nalang ako at sinuot ang helmet bago sumakay sa motor ko. Ilang sandali lang ay na-angkin ko na naman ang kalsada. Wala akong pakialam kung maraming sasakyan ang bumubusina sa akin sa bilis kong nagmamaneho. I need to get home as early as possible nang masapok ko ang ulo ni Isaiah. Baka sakaling umayos, pero kapag hindi tumalab ay sa hospital ko na ito dadalhin. Ngunit bago tuluyang umuwi ay kailangan ko munang bumili ng uulamin naming manok. Natakam kasi ako sa poster na nakita ko kanina, eh. Pinarada ko ang motor hindi kalayuan sa bibilhan ko. Sa medyo tago. Medyo ma-tao ang lugar kaya ayokong i-display sa mga mata ng tao ang baby ko. Mahirap na. Mabilis akong bumili ng isang buong manok sa chooks to go. Sana naman magkasya na ito sa amin. Napa-ismid ako sa naisip, duda ako doon. Sa takaw ng mga tokmol ay baka buto nalang ang matira sa akin-or worst, ang plastic na lagayan nito. Sa sobrang takas nila ay sigurado na pati buto ay hindi nila tatantanan. I went back to my baby, but as I walk, I noticed a black van parked not so far from my motorcycle. Wala iyon kanina, sinigurado ko. Nagtataka man ay nagawa ko pa rin itong isantabi. Baka may nag-park lang diyan habang bumibili ako. Hindi ko nalang ito pinansin pero nanatili akong alerto. I straddle my Sakuragi and put my helmet on. Sinabit ko ang plastic ng manok sa kanang manibela ng motor para hindi ito malaglag. Mabilis kong binuhay ang makina at pinaharurot sa kalsada. Nang makarating ako sa intersection ay agad akong kumanan-imbes na kumaliwa pa-uwi sa bahay ng mga Crane. Una palang masama na ang kutob ko sa itim na van at nakumpirma ko ang hinala ko nang makitang sinusundan ako nito. Kahit na magpa-palit-palit ako ng linya ay nakabuntot ito kaya kailangan kong masigurado na hindi nila malalaman ang bahay ng mga Crane kung ako man talaga ang pakay nila. Wala akong ideya kung sino sila pero isa lang ang sigurado ako. They messed with the wrong tree. Sisiguraduhin kong makakatikim sila. Binilisan ko pa lalo ang takbo ng motor saka sinilip ang side mirror. Napangisi ako nang makita na binilisan din ng takbo ang itim na van. Mabilis lang sa akin na linlangin sila at takasan pero nais kong malaman kung sino ang mga ito. Tiyak na hindi sila mga tao ni Daddy dahil kilala ko silang lahat. At isa pa, gusto ko rin basagin ang mga bungo nila. I need to let off some steam. Stress ako sa mga Crane kaya kailangan ko ng stress absorber. Malas nila at tyumempo sila sa araw na 'to. Nang makakita ako ng eskinita na saktong sakto kakasya ang motor ko ay hindi na ako nagdalawang isip na pasukin ito. Nagliparan ang mga flyers, diyaryo at kung anong klaseng papel na humalo sa alikabok sa bilis ng takbo ko. Nang makapasok ako sa eskinita ay huminto ako sa medyo malawak na pavement. Hinubad ko ang suot na helmet, binitbit ang plastic ng manok saka pinalibot ang tingin sa paligid. There are two old and slanted light posts, a pile of wood is stocked on the corners, and trash bins. Tamang-tama ang lugar para sa isang krimen. Walang katao-tao, malayo sa kalsada at isang pusang itim lang ang makakakitang saksi. The cat was comfortably lying on obsolete and tattered plywoods, blinking curiously at me. I smirked hearing the footsteps behind me. Humarap ako sa pinasukan ko at nakita ang tatlong lalaking naka-suit na pumasok. Mukha silang mga bodyguard at ang dalawa sakanila, pamilyar sa akin. Huminto ang mga ito nang makita akong naghihintay. "Sino kayo?" walang emosyon na tanong ko habang iniisip kung saan ko ba nakita ang dalawa sa mga ito. Nagkatinginan silang tatlo saka muling tumingin sa akin. "Ikaw ba si Southern Benedicto?" tanong ng nasa gitna. Hindi pinansin ang katangungan ko. Pinangunutan ako ng noo. They are not sure who am I but still followed me. Who are these people? I relaxed my shoulders, slightly relieved that they don't know me, and answer, "Hindi ako 'yon." Kung hindi pala nila ako kilala, mas mabuting itanggi ko ang paratang nila. Malakas ang kutob kong hindi sila mabubuting tao. Baka alagad ito ng mga kalaban ni Daddy at gagamitin akong panakot sakanya para mag-resign ito bilang Presidente. Hindi ba't ganoon naman ang nangyayari minsan sa mga teleserye? Hindi iyon malabong mangyari dahil sa panahon ngayon, gagamit ng dahas ang isang tao masigurado lang pwesto. In my Dad's case, he has a lot of enemies. Nagkatinginan muli silang tatlo saka nagbulungan. "Hindi daw siya, pare" bulong ng nasa kanang aso. Tawagin nalang natin silang mga aso dahil sunod sila ng sunod sa akin. "Oo nga, pero kamukha niya iyong nasa litrato" dinig kong bulong din ng nasa kaliwa. Pangalawang aso. "Parang hindi rin? Iyong nasa litrato maganda. Itong kaharap natin medyo lusyang na" sagot ng nasa gitna. Iyong hindi ko kilala. The two guys beside him were familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko sila nakita. Magbu-bulungan na nga sila, iyong rinig ko pa. At anong lusyang ang pinagsasabi nitong isa? Sipain ko ngala-ngala niya, eh. Tumingin muli sila sakin at tila sinuri ng mabuti. "Kung hindi ikaw si Southern Benedicto, sino ka?" tanong ng nasa kanang aso. Maangas ito kaya inangasan ko rin. "Pakialam mo ba? Bakit kayo? Sino ba kayo?" "Pakialam mo rin ba?" sagot ng pangalawang aso. Aba! Sumasagot! Kinuyom ko ang mga kamao at binasa ang mga labi. "May pakialam ako kasi sinusundan niyo ako. Tell me, sino kayo at anong kailangan niyo kay Southern Benedicto?" tanong ko. Kung ano man ang kailangan nila sa akin, tiyak na hindi ito maganda. Mga mukha palang nila hindi na katiwa-tiwala. "Sabihin mo muna kung sino ka!" Aba! Sinasagad nito ang pasensya ko. "Sige, pero ipangako niyo muna na secret lang natin kung sino ako," sabi ko saka tinignan ng masama ang pusa na nakatingin sa hawak kong manok. Nang makitang nakatingin ako ay agad umiwas ng tingin. Binalik ko ang atensyon sa tatlo na nagsikuhan. "Sige!" sabi nila. Napangisi ako saka mataman silang tinignan isa-isa. "Okay. Ako si... Darna." Nangunot ang noo nilang tatlo. Sandaling katahimikan ang naganap hanggang sa sabay-sabay silang tumawa ng malakas. May pahawak-hawak pa sa tiyan at punas luha. "Hahahaha!" "Darna daw, amputs! Hahaha!" "Bakit hindi ka naka-panty kung ikaw si Darna? Hahaha!" Nagtagis ang bagang ko. Anong nakakatawa, eh gusto ko nga si Darna. "Nawawala 'yong bato ko, eh. Hindi ako makapag-transform" nangigigil na sabi ko. "Anong klaseng bato 'yan? Ingat ka baka ma-tokhang ka! Hahaha!" "Tirik na tirik ang araw ang lakas ng trip natin miss, ha?" "Ano bang tinira mo? Hahaha!" Nag-apiran pa ang mga gungong at halos mahiga na sa sobrang tawa. Siraulo ang mga 'to, ha! Sandali nga - pinatong ko muna ang manok sa tuktok ng mga kahoy saka pinatunog ang kamao at in-stretch ang leeg. Masampolan nga ang mga ito. "Tignan niyo mga pre! Nag-u-unat ng katawan. Lastikman ata 'to at hindi si Darna, hahaha!" "Hahahaha!" "Mukhang matapang ang isang 'to mga brad. Sige nga, pagbigyan natin ang pagiging Darna niya!" "Sige! Tignan natin kung kaya niya tayo!" "Isang pindot lang 'yan tumba din agad, hahaha!" Hindi ako nagpadala sa mga panunutya nila. Isang pindot pala, ha. Nag-stretching din ang mga bugok kaya napangisi ako. Mukhang mapapasabak ako ngayon, ha. Matagal-tagal na rin. Makakapag-hintay pa naman siguro ang limang tokmol sa bahay. Magtiis na muna sila sa gutom. Nilingon ko ang manok na ulam namin. Makakarating ka rin sa mga Crane, kaonting tiis lang. Muli kong hinarap ang tatlo na pinapalagutok pa ang mga daliri. Tss. "'Wag niyong sagarin ang pasensya ko mga Wonder Pets" babala ko sakanila bago nagseryoso. "Sinong nagpadala sainyo dito?" tanong ko. Kaninong tao kaya sila? I tried to recall my Dad's past enemies. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung kanino ako magsusutpetsa. Sa pag-iisip, biglang sumagi sa isip ko ang sulat niya para sa akin. Hunt by the hunt. Ito na ba 'yong sinasabi niya? Someone is hunting me? Pero sino? Ano naman ang kinalaman ko sakanya? "Ikaw narin ang nagsabi na hindi ikaw si Miss Benedicto kaya wala kang pakialam kung sino ang nagpadala sa amin dito" sagot ng nasa gitna. Na-bwisit ako bigla. "Ah, ganoon? Hetong sa'yo!" Sinugod ko ito, nagulat ito at hindi agad nakagalaw ng malakas kong sinipa ang sikmura niya. Paatras siyang tumalsik sa gilid at namimilipit na sinapo ang sikmura. Tinignan ko ng masama ang dalawang kasama niya na napanganga sa gulat ngunit agad ding nakabawi. "Si Darna ka nga, malakas. Pero hindi uubra sa amin ang lakas mo" sabi ng nasa kaliwang aso bago ako mabilis na sinugod. He throws a punch but I caught his fist, restraining it from hitting me then twist it forcefully. Agad itong dumaing sa sakit kaya binitawan ko, hindi dahil sa naawa kundi para bigyan siya ng isang malakas na uppercut at umikot para sipain ang leeg niya. He immediately fell to the ground, unconscious. Sunod namang sumugod sa akin ang tanging natira. He clenched his fist, make a fighting stance, and glared at me. "Kahit bata ka pa, hindi kita uurungan," aniya saka mabilis na sumuntok pero nakaiwas ako agad. Umikot ako saka malakas siyang sinipa sa likod. Nawalan ito ng balanse ngunit agad nakabawi. Sinugod niya muli ako. He gave me blow-by-blow but my reflexes were quick. Patuloy akong umiiwas hanggang sa makakita ako ng pagkakataon na gumanti. With my fist ready, I swing it forward and hit his left eye. Napaatras ito at sinap ang mata. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon, nagpakawala ulit ako ng pangalawang suntok at binigyan din siya ng uppercut. Napahiga siya sa sahig habang sapo-sapo ang nagdurugong mukha. Napangisi ako at tinignan silang tatlo na nakasalampak sa sahig. I clapped my hands to brush off the invisible dirt. Wala pa atang limang minuto ang laban bagsak na silang lahat. I'm so awesome. Wala kang kupas, South! I smirked at that thought. "Sino ngayon ang isang pindot lang? Kahit nawawala 'yung bato ko at malakas parin ako kaya h'wag niyo akong pagtatawanan dahil seryoso ako sa sinasabi ko," sabi sakanila. Namimilipit sa sakit ang dalawa habang tulog naman 'yong isa. Lumapit ako sa dalawa, napangisi nang takot na takot silang umatras habang sapo-sapo ang parte ng mga katawan. "S-sino ka ba talaga?" nauutal na tanong ng isa, iyong sinipa ko sa sikmura. "Ako si Darna!" sigaw ko at tinaas pa ang kanang kamay ko sa ere at nasa bewang ang isa. Darna's signature pose. Nagkakandumahog na tumayo ang dalawa at parang sako ng bigas na hinila ang kasama nilang walang malay saka nagmamadaling umalis. Umihip ang hingin at doon ko na-realize kung gaano ako ka-tanga. s**t! Nahawa na ata ako sa mga Crane. "Meow!" Hmm? Lumingon ako at tinignan ang pusa ngunit ganoon nalang ang panlalamig at panlalaki ng mga mata ko sa nakita. Fuck! Yung pusa... "Y-yung manok ko.." maluha-luha akong lumapit sa pinagpatungan ko ng ulam. Para akong nanghina kaya sumandal ako sa mga kahoy saka sinapo ang noo. "s**t! NASAAN NA ANG MANOK KO?!" I screamed, horrified. Plastic na lang ang natira sa binili kong chooks to go. Wala na ang laman. Simot na simot. "Walanghiya kang pusa ka! Nalingat lang ako ng sandali, pinatulan mo na ang manok ko!" "Meow!" At ang walangya nakangisi pa sa akin habang pinupunasan ang nguso. Ano nang iu-uwi kong ulam sa mga Crane? . . . (To be continued..)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD