CHAPTER THIRTEEN
_
Tinawagan ko agad si Tito Jackal matapos ang pakikipag-sagupaan ko sa tatlong lalaki. Sinabi ko sakanya ang nangyari, maging siya ay nagtataka kung sino ang mga iyon. Matapos ang usapan namin ay hindi pa rin ako mapalagay.
Those men were following and looking for me. Sa nakita ko, hindi sila mga basta-basta kahit mga utak animal pa.
I weigh myself if I should call him. Sa dami ng mga katanungan sa isip, parang sasabog na ang utak ko sa dami ng katanungan. I need answers but...should I call him? Isa lang ang taong alam kong makakasagot sa akin pero pride ang nagdidikta na h'wag ko siyang tawagan.
I looked at my phone and took in a deep breath and decided to swallow my pride for the sake of my peacefulness. Ngayon lang, I just have to confirm something. I typed his number and bit my lower lip as it rings. Ilang sandali lang ay may sumagot na.
"Southern.."
I straightened my back. I last talked to him this morning when I received my Sakuragi. Ngayong kausap ko siya muli ay nandoon pa rin ang galit ko pero sa ngayon, mas nangingibabaw ang kagustuhan kong masagot niya ang mga tanong ko.
"May mga taong sumusunod sa akin. They are not your men. Ito na ba 'yung larong sinasabi mo?" direktang tanong ko.
Narinig ko itong humugot ng malalim na hininga sa kabilang linya. "Sinimulan na pala nila ang laro."
Nagtagis ang bagang ko sa narinig. So, it's about his letter. "Anong klaseng laro ba 'yan? Ako ba pinagloloko mo? Wala akong interest sa kahit na akong kalokohan mo!" Hindi ko napigilan ang mag-taas ng boses.
Pinipilit kong inaayos ang buhay sakabila nang pagpapatapon niya sa akin dito. Tapos gugulihin niya ang utak ko dahil sa mga laro na sinasabi niya? This is not funny anymore. Unang-una, ayoko sa lahat ay ang pinaglalaruan ako.
"Hindi kita pinaglalaruan, anak. Sila ang lumalaro sa atin," mahinahong aniya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Sila? Sinong sila?" atat kong tanong.
Dad took a deep breath. Tila problemdo ito pero hindi ko tiyak. "I don't know either. Pero ang kailangan mo lang gawin ngayon ay ang sakyan ang laro nila. H'wag kang magpapahuli, South."
"Anong ibig mong—f**k!" Pinatayan ako nito ng tawag kaya ganoon nalang ang inis ko. Sinubukan ko muli itong tawagan pero cannot be reached na.
I throw my phone in my bed and kicked my bed leg frustratedly. "Dammit! Wala akong maintindihan!" sigaw ko.
I pulled my hair using both hands. Sobra akong nalilito, pakiramdam ko nasa loob ako ng maze at hindi alam ang tatahaking daan palabas. The letter my father left for me was a big puzzle, dumagdag pa ang laro na sinasabi niya at ngayon ang mga Wonder pets na nakasagupa ko kanina. Wala akong makuhang sagot sa lahat ng katanungan ko pero isa lang ang sigurado. Magkaka-ugnay ang tatlo.
But who wants to play games with me? Wala akong maisip na salarin. And even my father does not know who. With his connections, nakakapagtaka na hindi niya alam. f**k, this is killing me. Daig ko pa ang nagso-solve ng math problem. Masakit sa ulo.
Natigil ako sa malalim na pag-iisip nang marinig na may kumakatok sa labas ng kwarto ko. Mabilis kong inayos ang sarili, maging ang buhok na nagulo sa ginawa kong pagsasabunot. Humugot ako ng malalim na hininga, sakto namang bumukas ang pintuan at sumilip ang kulay asul na buhok. Then Peter's face appeared behind the door.
"Timog?"
Humarap ako sakanya. "Bakit?"
"Nandiyan na 'yung food delivery," he announced.
"Oh, binayaran niyo na ba?"
Ngumuso ito saka umiling. "Hindi pa. Wala kaming pera."
Tss. Anong klaseng mayayaman ba ang mga ito na walang pera? Napailing nalang ako at kinuha ang wallet sa may tabi ng kama. Humugot ako ng pera at binigay iyon sakanya.
"Ibigay mo 'yan lahat sa delivery boy. Susunod din ako sa baba."
"Aye aye captain!" He saluted with so much energy then left.
Muli akong humugot ng malalim na hininga ng mapag-isa. Makalipas ang ilang sandali ay napagpasyahan kong bumaba na at hindi nagtataka nang makita ang mga Crane na nilalantakan ang in-order kong pagkain sa sala.
Dahil wala na ang manok na uulamin sana namin, nagpa-deliver nalang ako ng kakainin namin. Bwisit na pusa kasi iyon. H'wag ko lang ulit ito makikita dahil gagawin ko siyang siopao! Ang mahal-mahal ng bili ko ng manok, eh.
"South! Tinabi na namin sa kusina ang pagkain mo!" sabi ni Psalm nang makita ako, kagat-kagat pa niya ang isang binti ng friend chicken.
Aba! Himalang nagtabi sila ng sa akin. Ang mga ganitong pagkakataon kasi ay nilalantakan nila lahat ng pagkain at hindi sila magtitira ng para sa akin. Ngayon lang. Nakakagulat pero napangiti ako.
May improvement na sila. Mabuti naman.
"Okay."
Dumiretso ako sa kusina at agad nakita ang plastic ng Fastfood sa lamesa. Aba nga naman! Ayos 'to, ah! Nagmamadali ko itong binuksan ngunit ganoon nalang ang panghihinayang ko nang makita na isang cokefloat at burger ang laman nun.
Ang dami kong in-order, ah!
Mabubusog ba ako nito? Napailing ako, much for assuming they improved.
Umupo nalang ako sa isang silya at sinimulang kainin ang maliit na burger. Magtitiis nalang ako sa kung ano ang meron. Hindi pa man ako nakakalahati nang kagat ay may biglang humila ng upuan sa harap ko at nakita si Noah na umupo doon. Bitbit nito ang spaghetti at softdrinks.
"Salamat naman at nagtira pa kayo para sa akin," sarkastikong sabi ko habang ngumu-nguya.
Ngumiti ito at hindi man lang alintana ang kalat-kalat na sauce sa gilid ng labi. Tss, ang laking tao dugyot kumain. Daig pa ang toddler.
"Walang anuman, Timog, hehe."
Psh. Kumagat nalang ako sa burger sabay inom sa coke ko. Biglang nagsalita si Noah kaya nag-angat ako ng tingin dito.
"Timog?"
"Oh?"
Sumubo muna ito ng spaghetti saka ngumu-nguyang tumingin sa akin. Ang baboy talaga nito. Gwapong baboy.
"Ilang taon ka na?"
Medyo nagulat ako sa tanong niya. Biglaan, pero nagawa ko paring sumagot.
"18."
Tumango-tango ito saka nagbilang sa daliri niya. Ewan ko kung bakit "Kailan birthday mo?" sunod na tanong nito.
Nagsalubong ang mga kilay ko. Bakit naman bigla-biglang nagtatanong 'to? Nagtataka man ay sumagot pa rin.
"February 29."
I was born in a leap year. At kada t'wing sumasapit ang birthday ko ay iyon lang ang pagkakataon kung saan nagiging mabait at sweet sa akin si Daddy kaya noon pa man ay lagi kong hinihiling na sana birthday ko nalang araw-araw. Para araw-araw ko rin na maramdaman na may ama ako.
"Ang cool! Pero bakit February 29? Ang alam ko ay mga sinto-sinto ang pinanganak sa buwan na 'yon."
What the... Anong sinto-sinto?
Tuktukan ko ito, eh.
"Wow! Nahiya naman ako sa mga tokmol na katulad niyo. Ang normal niyo, ha!" sarkastikong sabi ko ngunit hindi niya ma-gets iyon. Tumawa pa ang baliw.
"Hehe, syempre!" Ngumiti ito. Uminom muna siya sa coke bago nagsalita ulit. "Pero Timog, may itatanong pa ako sa'yo."
Tinaasan ko ito ng kilay. Tsismoso pala ang isang 'to.
"Oh, ano 'yon? Bakit ang ganda ko? Sus! 'Wag ka nang magtaka! I woke up like this!" I grinned proudly.
Pinagtaka ko ang biglang pamumula ng mukha ni Noah at nag-iwas pa ito ng tingin sa akin. Hindi ba siya naniniwalang maganda ako?
"M-maganda ka naman talaga pero hindi 'yon ang tanong ko," nauutal na aniya.
"Ano nga 'yun?"
"Ang totoo, hanggang ngayon ay nagtataka parin ako kung bakit ka nandito? I mean — what are the reasons why are you... with us?"
Natahimik ako. Hindi pa pala alam ng mga Crane kung bakit ako biglang sumulpot sa buhay nila. Hindi kasi namin binanggit ni Tito sakanila ang dahilan pero sa tingin ko kailangan din nilang malaman. At wala namang mawawala kapag sinabi ko.
Nilapag ko sa lamesa ang hawak kong burger saka uminom sa drinks bago siya tinignan.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng paninibago. Sanay akong bulyawan, pagalitan at utusan ang mga ito. Ngayon lang ako nagkaroon ng one-on-one talk, take note: seryosong usapan sa isa sa mga Crane. At sa panganay pa. Isa sa may malalang tama ng kabaliwan.
Noah stared at me. Hindi nga siya kumukurap na parang inaabangan talaga ang sagot ko.
"Tinapon ako ng ama ko dito." Mapait akong ngumiti. Naninikip na naman ang dibdib ko sa pagkamuhi sa ama.
"Isa kang basura?! Basura lang ang tinatapon 'di ba?!" Nanlalaki ang mga matang tanong niya.
Nabura agad ang kirot na naramdaman ko sa sinabi ni Noah. Gusto kong isalaksak sa bibig niya ang kinakain niya.
Sinenyasan ko siyang ilapit ang mukha sa akin. Ginawa naman niya.
"Waaah! Huhuhu! Masakit 'yon, ha!" mangiyak-ngiyak niyang reklamo habang sapo ang noo matapos ko siyang i-head bang.
"Hindi ako basura!"
Ngumuso ito. "Sabi mo kasi basura!"
Psh! Ang hirap nga namang maka-intindi ng isang bobo.
"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin!"
"Hehe, okay! Pero bakit ka niya tinapon?" He asked curiously.
Humalumbaba ako sa lamesa saka siya tinitigan. Noah has an aristocratic face. His deep blue eyes are mesmerizing, his prominent nose, pink lips, and well-structured jaw were enough to melt a woman's legs. He's really gorgeous. Nakakapagtaka na may anak si Tito Jackal na ganito ka-gwapo. Siguro namana ni Noah and looks sa nanay.
As I stare at him, his face flushed making me smile. Kinikilig ata ang tokmol.
"I'm the black sheep of the family, Noah. Laging headline sa newspaper ang mga katarantaduhan ko kaya napagod na ang Daddy ko sa pag-iintindi sa akin. Kaya ayon, pinatapon niya nalang ako dito. Sa inyo" mapait akong ngumiti nang maalala ang mga masasakit na salitang sinabi ni Daddy sa akin. I shook my head in dismay.
Naalala ko noong unang araw na dumating ko dito sa bahay ng mga Crane. Very epic. Halos isumpa ko ang pagiging abnormal nila pero ngayon, nakakatawang isipin na sa sandaling kasama ko sila, magaan na ang loob ko sa mga tokmol na 'to. I think this is the best punishment my Dad gave to me. I may hate these men's idiotic self but... they made me happy. They gave me peacefulness.
Habang pinagmamasdan ko ang itsura ni Noah ay napansin kong mas lalong namula ang mukha niya at halatang naiilang sa titig ko. I enjoyed staring at him. Hindi kasi siya nakakasawang titigan. Hindi siya 'yong tipo ng typical na gwapong lalaki. There's something on him that makes you want to stare at him even longer.
Sa maiksing panahon na kasama ko ang mga Crane, I was able to learn their personalities. And Noah, he has the eldest aura and he's the kind of man na pa-cool pero hindi nagmamayabang. Yes, he's conceited. Bilib na bilib siya sa taglay niyang ka-gwapuhan but you can't blame him though. Gwapo naman kasi talaga siya at dapat pinagmamayabang iyon.
"H-hindi parin tama na itapon ka niya" nauutal niyang sabi ng hindi makatingin sa akin ng diretso.
Ayaw ba niya akong tignan?
"Para sakanya, tama 'yon. Tama lang 'yon para hindi madungisan ang pangalan niya."
Dad's painful words cut deep. Pa-ulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang mga salita niyang nagpapatunay na wala siyang nararamdamang pagpapahalaga sa akin.
Mapait ang ngiti ang pinakita ko kay Noah na ngumuso at pinaglaruan ang straw ng softdrinks.
"We are pain in Dada's big fat ass too. Does it mean that he's going to throw us away like your father did to you?" he asked, worriedly.
Aware din pala siya na problema sila ng ama nila.
"Nope. But he has a worse punishment para sa mga kalokohan niyo."
"What is it?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya. Takot na takot kaya napangisi ako.
"Ako."
"Eh?"
"Ako ang parusa niyo at kayo naman ang karma ko."
Beautiful punishment and good karma. I thought.
Nagsalubong ang mga kilay niya at tumingin sa akin na halatang hindi naintindihan ang sinabi ko. I was about to explain to him further but I felt a strong aura that screams danger.
"Are you two flirting with each other?"
Lumampas ang tingin ko sa likod ni Noah at ang madilim na mukha ni Genesis ang nakita. Nagtatagis din ang bagang nito habang masama ang tingin sa amin ng kapatid.
Ano na naman bang problema ng Genesis The Weird na 'to?
Napansin ko kaagad ang biglang pagiging tensyonado ni Noah. Pinagpapawisan ito at tila nanginginig pa sa takot kaya pinangunutan ako ng noo. He's weird too.
"Chill, Kaps, hehe. Timog ano... uhm... titignan ko lang kung natuyo na ba 'yong mga sinampay kong labahan, hehe!" sabi nito saka nagmamadaling umalis ng kusina na para bang hinahabol ng isang killer.
Ano problema nun? Ang tino niya lang kanina.
"Why are you still looking at that fucker?"
Binalik ko ang tingin kay Genesis. Umuusok ang ilong nito sa galit habang masama pa rin ang tingin sa akin. Ano bang masama kung tignan ko ang baliw niyang kapatid? Lagi nalang galit 'to.
The super weird Crane.
Tinaasan ko siya ng kilay bago tumayo at kinuha ang pinagkainan at tinapon iyon sa basurahan. Muli akong humarap sakanya matapos maghugas ng kamay.
"Ano bang pake mo? Atsaka, 'wag ka ngang pasingit-singit bigla sa usapan namin. Kita mong nagmo-moment kami ni Noah, eh." Ang galing din kasi mag-istorbo.
Mas lalong nag-dilim ang mukha niya. Inaamin ko na medyo nakakaramdam ako ng takot pero medyo lang. Tokmol pa rin namang siya eh.
"You're making a freaking moment with that fucker?!" asik niya. Parang sasapakin na ako nito sa galit.
Nagsalubong ang mga kilay ko at pinagmasdan siya ng puno ng pagtataka ngunit agad napangisi ng may naisip.
"Oo. Bakit, selos ka?"
Umiwas siya agad ng tingin saka namula. Napailing ako sa nakitang reaksyon nito.
"A-ang k-kapal ng mukha mo. M-me? freaking j-jealous? Are you nuts? Why would I be j-jealous? I-I'm not f*****g jealous!" nauutal na tanggi niya. Hindi ito makatingin sa akin ng diretso at kitang-kita ko ang namumula niyang mga tenga.
"Sige, deny pa." Ngumisi ako at mas lalo naman siyang namula. Ang sarap niyang asarin.
Masyadong halata, tss.
"I-I'm not denying it! You're just assuming!" He hissed but he's sweating bullets even if this house has a centralized aircon.
Cute.
Nagkibit-balikat ako. "Okay, sabi mo, eh." Nilagpasan ko na ito ngunit agad huminto nang magsalita siya.
"Where are you going?"
"Kay Peter," tipid kong sagot.
Nangunot ang noo nito saka nagdilim na naman ang mukha. "What are you going to do with that asshole?!"
Naningkit ang mga matang pinakatitigan ko siya na agad umiwas ng tingin sa ginawa ko. "Pake mo ba? Bakit, selos ka ulit?" tuya ko. Damn, I'm enjoying his flushed face.
"I-I'm not f*****g jealous! I-I'm just asking! B-baka kung ano ang gawin mo sa kapatid ko. You see, I'm just concern about my brother's safety."
Palusot pa ang loko.
"Don't worry, I'm not going to rape your brother. I'm just going to say something to him." Ngumisi ako. Natutuwa kasi akong makita ang pangigigil niya. Para na talaga siyang makakapatay ng tao.
"What is it?" He inquired, more on demanded.
"Why do you want to know? Ikaw ba si Peter?"
"Dammit.." Dinig kong bulong niya. "I just want to know!"
"Bakit ko nga sasabihin? Hindi nga ikaw si Peter 'di ba? Unless, nagkapalit kayo ng katauhan?" Lumapad ang ngisi ko, mas lalo namang nagdilim ang mukha niya.
"Just tell me, dammit! Anong sasabihin mo sakanya?!" he demanded angrily.
Nainis ako. Kung magalit akala mo naman nagtataksil ako sakanya. Wala na bang mas iwi-wierd nito?
Masama ko siyang tinignan saka sinigawan. "Hindi nga ikaw si Peter!"
"Sabihin mo sakin!"
"Ikaw ba si Peter, ha?! Ha?!"
"Sabihin mo sakin!!"
Peste!
"PAGKU-KUSKUSIN KO NG KUBETA SI PETER! ANO? MASAYA KA NA?!"
Bwisit!
Iniwan ko na siya doon at dumiretso sa sala habang magkasalubong ang mga kilay sa pagka-badtrip kay Genesis. Hindi ko talaga gets ang utak ng isang 'yun. Naabutan ko sina Peter, Psalm at Isaiah na naglalaro sa sala ng as usual, Jackstone na naman. 'Yun na ata ang sport nilang magkakapatid. Hindi ko man lang kasi nakitaan ang mga ito na naglaro ng mga pangkaraniwang sports ng mga lalaki. Mga abnormal kasi talaga sila kaya abnormal din ang nilalaro nila.
"Peter!"
Nakadapa ito sa sahig at nakahalumbabang pinapanood si Isaiah na sinasalo ang bola ng jackstone. Tumingala ito sa akin at ngumiti.
"Bakit, Timog?"
"Madumi 'yong kubeta ko sa kwarto. Paki-linis 'yon" utos ko bago umupo sa sofa.
Ngumuso ito agad saka nagkamot ng ulo.
"Pwedeng si Psalm nalang, Timog? Masama ata ang pakiramdam ko" dahilan nito at pumikit pa na parang may iniindang sakit.
Tss.
"Tangina mo, Peter. Ikaw ang inutusan, kaya ikaw ang gumawa," sabi naman ni Psalm habang tutok na tutok sa panonood sa bunso nilang maglaro.
"Pakiramdam ko umiikot ang mundo ko" sabi ni Peter at nang tumayo ay biglang natumba kaya agad ko siyang sinalo.
"Peter! Ayos ka lang?" Tinapik-tapik ko ito sa pisngi.
"Hindi, Timog. Masama ang pakiramdam ko, si Psalm nalang ang pagkuskosin mo ng kubeta, please? Masama talaga ang pakiramdam ko at hindi ako nagpapanggap lang" aniya na pumipikit pa ang mga mata.
Naningkit ang mga mata ko at nagduda agad. Hmm.
"Okay. Psalm, ikaw na ang magkuskos, ngayon din."
"Ano?! South, naman eh! Si Peter ang inutusan mo kanina!" nakangusong reklamo nito.
Bigla namang umubo si Peter at nagulat nalang ako ng bigla itong nangisay sa sahig.
"S-si Psalm n-nalang ang pagkuskusin m-mo ng k-kubeta, T-timog! Masama ang pakiramdam ko at totoo ito!"
Iba talaga ang pakiramdam ko sa isang 'to, eh. Sandali nga..
"Sige na Psalm, magkuskos ka na ng kubeta at isasama kita sa groceries" sabi ko pero ganoon nalang ang gulat ko nang biglang umayos at tumayo si Peter. In-stretch pa nito ang katawan.
"Magkuskos lang ba ng kubeta? Sus! Madali lang 'yon at kayang-kaya ko! Sige, Timog, kukuskusin ko lang ang kubeta mo at sasama ako sa grocery!" aniya at mas mabilis pa kay The Flash na umakyat sa pangalawang palapag na tila walang nangyari kanina sakanya.
Napanganga ako. Sabi na nga ba at nagkukunwari lang ang tokmol.
Naging mabilis ang oras, natapos si Peter sa pagkukuskos kaya pumunta na kaming lahat sa grocery store para mamili ng mga pagkain at kung ano pang kailangan para sa kusina. May hinire si Tito Jackal na tagaluto namin at darating ito bukas. Walang lang kaming stock sa kusina kaya kami mag-go-grocery. Nakakahiya naman kasi kapag makita niyang wala man lang kwenta ang kusina namin.
"Kyaaahhh! Excited na akong mag-grocery, Timog!" Noah beamed excitedly when we are inside their van, heading to the grocery store.
"Tandaan niyo ang mga sinabi ko, ha? Subukan niyo lang pa-iralin ang ka-abnoyan niyo sa grocery hindi kayo kakainin ng isang buong linggo," pananakot ko sa mga ito.
Na-trauma na ako sa nangyari noon sa Supermarket. Grabeng kahihiyan ang dinulot nila sa akin, sinabi ko mang hindi ko na sila dadalhin sa grocery ay naisip ko na marami-rami ang bibilhin ko. Hindi ko mabubuhat lahat kaya sinama ko sila nang may usapan, syempre. Madali naman silang kausap at nangakong hindi nga sila mangu-gulo. But I still doubt it.
"Aye aye Captain!" sabay-sabay nilang sigaw. Lahat nakangiti at excited.
Tss.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din kami sa pinakamalapit na grocery store. Pagkababa palang namin ng sasakyan ay nasa amin na agad ang tingin ng mga tao.
"Wooooww! Daming tao!" namamanghang bulalas ni Psalm, parang ngayon lang nakakita ng ka-uri niya.
"Maraming tao kaya umayos kayo. Bahave kids, okay?" sabi ko na parang kumakausap talaga sa mga bata.
"Yes, po!" sabay-sabay nilang sagot kaya napailing ako.
"Pasok na ba tayo, South?" tanong ni Isaiah habang inaayos ang violet na backpack niya. Ewan ko kung anong trip ng isang 'to at may dala pang bag.
"Pasok lang, walang tayo" sabi ko at nauna nang pumasok sa loob.
All eyes on me, well, not only just on me but with the Crane too. Kung lingunin kami ng mga tao ay parang mga alien kami dahil tila hindi sila makapaniwalang nakikita nila kami. Tss. Ito ang hirap sa maganda't gwapo, eh. Masyado kung makakuha ng attention.
"Grabe! Ang gwa-gwapo nila!"
"Oo nga, beshy! Omygash!"
"Syet! Ikasal lang ako sa isa sakanila, masaya na ako!"
Tumigin ako sa tatlong college students na obvious naman na ang mga Crane ang tinutukoy nila. Napansin nila ang tingin ko kaya tumingin din sila sa akin. Tinaasan ko agad ng kilay 'yung babaeng nagsabi ng kasal. Masyadong mataas ang pangarap ng isang 'to.
I flipped my hair and went to get a big cart. Nakasunod lang sa akin ang mga Crane na parang mga batang nasa field-trip na lumilinga lang sa paligid saka papalakpak kapag may nakitang nakakamangha.
"South, hindi mo ba kami bibigyan ng ganiyan?" tanong ni Psalm, tinutukoy nito ang cart.
"Hindi. Sama-sama tayo" sabi ko at tinignan ng masamag tingin ang tatlong estudyante na ngayon ay masama na rin ang tingin sa akin. Psh.
"Akala ko ba walang tayo?" inosenteng tanong ni Isaiah.
"Walang kayo. Tss."
Sinundan ko ng tingin si Genesis na nauna nang naglakad papunta sa mga pagkain. Ano na naman ba 'yon?
Napailing nalang ako at sumunod na rin sakanya.
***
"Noah, you eat sausage?" dinig kong tanong ni Genesis kay Noah.
I'm choosing between Sardines and Corn beef as I listen to the two.
"Sausage? Ano 'yon?"
Nangunot ang noo ko. Sausage? Hindi niya alam? Ano bang pinapakain ni Tito Jackal sa mga ito?
"Maliliit na hotdog na nagswi-swimming sa sabaw. Hindi mo alam 'yun, kaps? Grabe ha!" si Peter ang sumagot.
"Anong kulay?" asked the curious Noah.
"Brown."
Nasa gilid ko lang sila kaya kita ko ang pag-ngiwi ni Noah saka parang diring-diring tumingin kay Genesis at Peter.
"That's gross. I remembered, ganoon ang itsura ng tae ni Psalm. Ibig sabihin, sausage ang tawag 'dun?"
What the hell?!
Napangiwi ako sabay napailing. Letseng pag-iisip 'yan. Na-imagine ko tuloy ng wala sa oras. Bwisit ka, Noah!
"Oh, South? Bakit mo binalik ang mga sausage? Hindi ka na kukuha niyan?" takang tanong ni Isaiah nang makitang ibinalik ko lahat ang sausage na inilagay ko sa cart.
"I will never eat sausage again!"
"Eh?"
***
"South, para saan ang asukal?" tanong ni Isaiah habang nakatitig sa asukal na nasa rack.
"Pampatamis" bagot kong sagot.
"Pam-pa-ta-mis," he repeated my answer.
Tumingin ako sakanya at nagtaka nang makitang may hawak na itong notebook at ballpen. Naglilista.
Nagkibit-balikat nalang ako saka kumuha ng mga condiments at nilagay sa cart. Kumuha rin ako ng mga kasangkapan para sa salad. I'm craving one and since I can't cook, magpapagawa nalang ako sa bagong cook namin.
"Psalm, kuha ka ng gatas" utos ko kay Psalm.
"Okay!" masiglang aniya saka kumuha nga ng gatas pero, letse, ibang gatas naman ang kinuha.
"Bakit Bonakid? Ano ka, bata?!" singhal ko rito.
"Ayaw mo, mag three pataaaas! Mag Bonakid pre-school, 3 pluusss~" Ang tokmol kumanta at sumayaw pa sa harap ko.
Nagsimulang kumirot ang sintido ko lalo na nang mapatingin ang ibang customers sa amin.
Damn!
"Gago ka, Psalm. Ang pangit mo sumayaw kaya ayaw ni Timog niyan! Ito ang gusto niya, watch and learn!" sabi ng panganay na Crane at kumuha din ng isang gatas na nakalagay sa kahon.
Napabuga ako ng hangin nang makita na Nido naman ang kinuha niya. Pumwesto siya sa harap ko habang hawak ang isang box ng gatas at naglagay pa ng cart sa gilid niya.
Don't tell me...
"Nababagay ba ang gatas mo for kids?" Genesis said.
"Check the label momies! Check the label momies! Mag-Nido whoa ohh ohhh 3 plus!"
Ginaya niya si Sarah Lahbati sa commercial habang pumapalakpak naman si Genesis sa tabi niya, portraying the kid in the commercial.
Napapikit ako at sunud-sunod na huminga ng malalim. Okay, kalma, South. Mild lang 'tong kabaliwan nila.
But damn, I told them to behave!
Nang magmulat ay agad akong tumingin sa paligid at nakompirmang nadagdagan ang audience ng mga tokmol.
"Ayos ba Timog?" tanong ni Noah habang nakangiti.
Hindi ko ito pinansin at bumaling kay Isaiah.
"Isaiah, kumuha ka nalang ng Milo parang awa mo," utos ko. Hindi na ako mag-gagatas!
"Energy! Energy Gap! Energy! Energy Gap! Drink Miko everyday! Milo everyday~~"
Jusko, Lord...
Napamura nalang ako at iniwan sila doon at nagtungo sa mga frozen foods. Pero ang mga walang-hiya ay sumunod sa akin.
Nagsisisi na ako na sinama ko pa sila dito. I should have known from the experience.
"Peter, kuha ka ng dalawang kilong baboy" utos ko kay Peter. Sana naman matino ito at makinabangan.
"Yes, boss!" Maganang sumaludo ito sa akin saka pumunta sa mga karne.
"Hi, Pogi! Anong pangalan mo?"
Lumingon ako sa gilid at agad pinangunutan ng noo nang makita ang tatlong estudyante kanina. Nilapitan nila si Genesis na kumukuha ng mga yakult.
"I don't understand you. Speak in English," walang emosyong sagot nito. Hindi man lang tinapunan ng tingin ang mga babae.
Kailan pa hindi nakakaintindi ng tagalog ang isang 'to?
"What's your name?" tanong nung babaeng tinaasan ko kanina ng kilay.
In-head to foot ko ito at masasabing may itsura naman siya. Kung ira-rate ko siya from 1 to 10, 10 as highest, O.1 lang ang ganda niya. Para sa akin ay hindi man lang siya papasa bilang isang tao.
"Genesis," sagot ng tokmol habang nakatingin parin sa mga yakult.
"Genesis, hmm... bagay sa'yo. I'm Abby, by the way." Ngumiti ang babae at inabot pa ang kamay kay Genesis.
Naningkit bigla ang mga mata ko. Parang ang sarap pilipitin ang kamay ng babaeng 'to. Hindi atupagin ang pag-aaral hindi ang puro landi ang alam. At ito namang malanding Genesis, nakipag-kamay pa!
Tss.
"South, anong uulamin natin mamaya?" tanong ni Isaiah.
"Giniling na kamay ng hitad at malanding tokmol sa sinabawang gulay" nangigigil na sagot ko habang nakatingin sa magkahawak na kamay ni Genesis at ng babae.
Iniwas ko nalang ang tingin sakanila at kumuha ng kung ano-anong pagkain.
"Kyaaahhh! Masarap ba 'yon?" Isaiah asked excitedly.
Hindi ko siya sinagot at lumapit kay Psalm na nagtitigin din ng mga pagkain.
"South, anong uulamin natin?" tanong niya rin sa akin.
Napabuntong-hininga nalang ako. Naiinis na ako sa tanong na 'yan. Walang araw na hindi sila nagtanong ng tungkol sa ulam. Parang doon nakasalalay ang buhay nila.
"Ikaw. Ikaw ang uulamin namin!" singhal ko sakanya. Kumukulo pa rin ang dugo ko kay Genesis at ang hitad niya.
"S-si Psalm ang kakainin natin, Timog? Kakain tayo ng tao? H-hindi ko kaya! Hindi pa ako nakakain ng tao!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Noah habang nakasapo pa sa sikmura. Narinig pala nito ang usapan namin.
Anong arte naman nito?
"A-ayoko! Pero kesa sa magutom na naman ako, titiisin kong kainin si Psalm. Titiisin ko! Titiisin ko!" At may pasuntok-suntok pa sa hangin na sabi ni Isaiah na nakalapit sa amin.
"Psalm is f*****g dirty and he's a living germ! You want me to eat him? No, way! He's not even taking a bath!" maarteng reklamo naman ni Genesis.
Nandito narin pala ang pinaka-arte sa mga Crane. Ano namang ginagawa nito dito? Dapat nandoon siya at ine-entertain ang babae niya!
Atsaka, anong hindi niya kakainin si Psalm dahil lang sa madumi ito at hindi naliligo? Wow, lang ha!
Tumigin ako kay Psalm nang marinig ko itong humihikbi. Oh crap!
"Ka—ka-kainin ko— ang sari-li ko?" umiiyak na aniya at niyakap ang sarili.
I slapped my forehead and dragged my hand down my face. Grabe! Taas kamay na talaga ako sa kabobohan ng mga taong 'to. Saludo ako! (insert the sarcasm please.) Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa magkakapatid na 'to!
"Timog! Ito na ang baboy!"
Lumingon ako kay Peter nang sumigaw, tumatakbo ito pumunta sa amin kaya pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero napansin ko na wala naman siyang dala.
"Oh, naasan?"
"Ito!" sabay turo sa likod niya.
*oink*oink*oink*oink*oink*oink*
WHAT THE f**k?!
Sa likod, hila-hila ng mga staff ang dalawang biik na tinuro niya. Napanganga nalang ako at hindi na inintindi ang mga taong nanonood sa pagwawala ng mga biik sa loob ng grocery.
"Medyo nahirapan pa ako sa paghahanap ng dalawang baboy. Pero isa ata akong Crane!" Peter punched his chest proudly. Ang ngiti nito ay abot na sa tenga na animo'y ito na ang pinaka-matinong nai-ambag niya sa lipunan.
Nanghihinang napakapit ako sa cart. Jusko! Dalawang kilong karne ng baboy ang sinabi ko, hindi mismong dalawang baboy na buhay!
My goodness!
Anong gagawin ko sa dalawang baboy? King inang buhay 'to! Hindi ko na kayang matagalan pa ang kabobohan nila.
Mabobobo na rin ako!