CHAPTER FOURTEEN
_
"South, sigurado ako na dito 'yun!"
Tumigil ako sa paglalakad saka pinunasan ang pawis sa noo gamit ang manggas ng damit. Bumuga ako ng hangin bago siya hinarap.
"Sigurado ka? Eh, kanina pa tayo pa-ikot-ikot sa lugar na 'to hindi parin natin nahahanap ang letcheng Kindergarten na 'yan!" reklamo ko.
Inis kong pinunasan ang tumulong pawis sa leeg ko. Ang aga-aga naliligo na kami agad sa pawis. Kasalanan 'to ng Isaiah na 'to eh. Ilang araw na niya akong kinukulit tungkol sa Kindergarten na gusto niyang pasukan kaya sinamahan ko na ito. Ang problema lang ay hindi namin mahanap-hanap kung asan ang Kindergarten na tinutukoy niya. Kanina pa kami pa-ikot-ikot sa lugar na tinutukoy sa papel na meron siya pero wala naman kaming makita. Imbes na school, playground ang nakikita namin.
Playground na maraming bata, tss.
Hindi ko alam kung ano ang trip ng Crane na ito. He's eighteen, lean and smart but he wants to attend Kindergarten. Sa sobrang talino niya na-apektuhan na siguro ang utak niya.
Madala nga 'to sa Doctor at ipa-checkup.
"Pero sabi dito sa papel, dito lang 'yun. Hindi kaya... hala!" His eyes went wide in horror. Kinabahan ako kaya tinanong ko.
"Bakit?"
Tumingin siya sa akin na nanlalaki parin ang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko kaya sumunod ang tingin ko sa kamay niya.
"Hindi kaya kinuha na ng UFO ang school ko, South? Kinuha ng mga alien ang Twinkle Star Kindergarten!" He cried, looking so horrified.
I looked at him flatly. Tinanggal ko ang kamay niyang naka-kapit sa akin at bagot na tinapunan ng tingin.
"Walang UFO, Isaiah, at mas lalong walang mga aliens, tss."
"Meron, South! Meron!" Pagpupulit niya.
"Akala mo lang meron! Pero wala!"
Ang taas ng sikat ng araw. Mainit ang pakiramdam ko at dumadagdag pa ang ka-abnoyan nito sa init ng panahon. Kung hindi lang ako makakasuhan ng homicide baka natuluyan ko na ito. And he seriously believes in aliens? Walang alien, mukhang alien lang ang meron.
"Meron! Eh, nasaan na ngayon ang school ko?" nakangusong tanong niya.
Napabuntong-hininga nalang ako. Bukod sa pagod na ako ay nauubusan na naman ako ng pasensya sa isang 'to. Ang aga-aga naming gumising para lamang dito. First day of school ko pa naman ngayon sa Abs University. Mabuti nalang mamaya pa ang schedule ko kaya nasasamahan ko pa ang isang 'to.
"Psh, magtanong tayo" sumuko na ako. Masakit na ang paa ko at nagugutom na rin.
Nagtungo kami sa playground ni Isaiah kung nasaan ang mga batang naglalaro. May mga kasama ang mga itong mga yaya nila.
"Isaiah, dito ka lang at magtatano — eh, nasaan na 'yon?" Nawala ito bigla sa tabi ko kaya mabilis akong tumingin sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ito ngunit agad ding nagsalubong ang mga kilay nang makitang lumapit ito sa mga batang naglalaro sa swing.
"Hello! Ako Isaiah, ikaw ano name mo?" masayang tanong nito sa isang batang babae na may malaking Hello Kitty headband na suot.
Tumaas ang kilay ng bata at inirapan si Isaiah. Aba! Bastos 'tong batang 'to, ah! Nagtatanong ng maayos ang tao eh!
"I don't talk to strangers" aniya at pinagpatuloy ang pagswi-swing. Ignoring Isaiah.
"Hindi na ako stranger kasi sinabi ko naman na ang pangalan ko" sabi ni Isaiah at kinindatan pa ang bata.
Napanganga ako. Anak ng! Kailan pa naging tirador ang bunso na 'to?
"Leave me alone or else, I'll kick your crotch!"
Aba!
"Crotch? Ano 'yon?" inosenteng tanong ni Isaiah.
"Crotch? Duh? It's your peni---" Hindi na natuloy pang sabihin ng bata ang sinasabi nang mabilis ko na itong nilapitan at tinakpan ang bibig niya.
The youngest Crane is too innocent for such information.
"Mmmmphhh!" The kid wiggled, so I let her mouth free. Agad ako nitong tinignan ng masama.
"Who are you?! Why did you cover my mouth! Your hand tasted like s**t!" She spat, wiping her lips.
Anong klaseng bata ba 'to? Kung titignan mga apat o limang taon lang ito pero kung magsalita akala mo matanda.
Nag-squat ako sa harap nito at pinantayan ang mukha niya.
"Masyadong mabaho 'yang bunganga mo kaya kailangan takpan" sabi ko.
Exaggerated itong suminghap at tumalikod ng kaonti saka inamoy ang sariling hininga. Ilang sandali lang ay muli siyang humarap sa akin ng may nanlilisik na mga mata.
"My mouth doesn't smell bad!" asik niya saka tinuro si Isaiah. "He! His mouth smells terrible! So freaking bad!"
Kaya ayoko talaga sa mga bata. Maiingay. Kung ano-ano rin ang lumalabas sa mga bibig. How I wanted to sew this kid's mouth.
"Hindi mabaho ang hininga ko! Nag-tooth brush kaya ako noong isang araw!" pagtatangol naman ni Isaiah sa sarili.
Sabay kaming napangiwi ng bata. Letse ka, Isaiah!
"You're so gross!"
"I'm not gross, I'm Isaiah" sagot ng tokmol.
"You're stupid!"
"No stupid. I'm Isaiah."
"You're an idiot!"
"No idiot. I'm Isaiah."
"You're bobo!"
"No bobo. I'm gwapo."
Palipat-lipat ang tingin ko sakanilang dalawa kaya sumakit na ang ulo ko.
Ang sarap nilang pag-untugin kaya kinalma ko ang sarili. Humarap ako sa batang babae at tinignan siya ng masama.
"Hoy, bata! Umayos ka kundi ipapalunok ko sa'yo iyang pusa sa ulo mo!" nangigigil kong banta.
She covered her headband using her two small hands and glared at me.
"Umayos ka rin kundi ipapalunok ko sa'yo 'yang kasama mo!" sigaw niya.
What the..
Bata ba 'tong kausap ko? Masyadong matalim ang bunganga. Akmang papatulan ko na sana ito pero may biglang may tumawag sakanya.
"SELENDRINA!"
Lumapit sa amin ang isang babae na naka-maid uniform. Mukhang ito ang taga-alaga ng batang 'to.
"Tss, here comes the old hag" bulong nitong paslit na tiyanak.
"Ano ka ba namang bata ka! Kanina pa kita hinahanap!"
Umirap ito sa yaya. "Tss. Let's go home. The more I stay, the more bacteria I get" aniya at tinignan pa kaming dalawa ni Isaiah ng masama.
Pigil ko ang sarili na sakmalin ang tiyanak na 'to.
"Let's go too, Isaiah. Baka matiris ko ang tiyanak na 'to" sabi ko at hinila na papalayo si Isaiah pero biglang sumigaw ang bwisit na bata.
"UGLY WITCH!"
What the f**k? Ugly Witch? Teka! 'Yun ang tawag sa akin ng tokmol na Genesis. Psh. Girl version pala ng tokmol na 'yon ang Selendrina na 'to.
Huminto kami sa paglalakad ni Isaiah saka nagkatinginan. Nagka-intindihan kami agad sa simpleng tingin lang.
I smirked as we faced the kid who was glaring at us while her hands were on her waist. Nagkatinginan muli kami ni Isaiah saka tumingin muli sa bata at sabay na binelatan ito.
The brat kid turned red in fury. Nagpapadyak ito sa inis at inilabas ang galit sa yaya.
Napangisi kami ni Isaiah saka tuluyan nang umalis.
"Bumalik nalang tayo sa susunod. Magpapatulong tayo kay Tito Jackal na hanapin ang Twinkle Star Kindergarten mo" sabi ko dito.
Mabuti sigurong si Tito nalang ang umasikaso na rin sa pag-eenroll nito. I don't think I can handle that.
"Okay!" he beamed, lapping his ice cream.
Ayaw nitong sumuko sa paghahanap sa school na gusto niya kaya nangako akong bibilhan ko ito ng ice cream kapag tumigil na kami. Mabuti nalang masunurin ito at hindi ako nahirapang kombinsihin.
Pag-balik namin sa bahay ay naabutan namin ang apat na Crane na nagkukumpulan sa sala. Nang makita nila kaming dumating ay agad silang umayos at nagkunwaring hindi kami napansin. Himala din na tahimik sila at hindi nagu-unahang magtanong kung saan kami pumunta.
"Noah, alam mo bang kumain ako ng Ice Cream?" masayang pagkwe-kwento ni Isaiah sa kapatid. Umupo ito sa tabi niya at inakbayan pa ang panganay sa balikat.
"Talaga?---ehem! Wala akong pakialam!"
He ignored his brother who pouted at his response.
"Dumating na ba ang bagong taga-luto?" tanong ko sakanila habang naghuhubad ng sapatos.
Walang sumagot kaya nagtanong ulit ako.
"Dumating na ba ang bagong taga-luto?"
Wala ulit sumagot kaya nag-angat ako ng tingin at nakita ang pa-simpleng pagsisikuhan ng mga ito. Pwera kay Isaiah na walang kamuwang-muwang sa pinag-gagawa ng mga kapatid.
"Hangin ba ang kausap ko dito?" I asked, slightly annoyed. Siguradong naririnig nila ako pero nagpapanggap na hindi.
"Hindi, Timog, kami" inosenteng sagot ni Peter.
Nagtagis ang bagang ko at napansin nila iyon kaya sabay-sabay silang napalunok. Tinignan ko sila ng masama.
"Isang tanong ulit. Sagutin niyo ako ng maayos kung ayaw niyong malagot" banta ko. "Dumating na ba ang bagong taga-luto?"
Nagkatinginan sila at nagturuan kung sino ang sasagot. Uminit ang ulo ko.
"SASAGOT BA KAYO O---"
"Damn! Wala pa! The new cook is not yet here! Happy?"
Nagpalitan kami ng matalim na tingin ni Genesis. I could almost see the intense electricity between our eyes. Pareho kaming naiinis sa isa't isa at siguradong gusto niya rin akong sakalin katulad ng kagustuhan kong saktan din siya.
"Happy," I said blankly and left them, tensed at my intense glare with Genesis.
Umakyat nalang ako sa kwarto ko habang iniisip ang ka-weirduhan ng mga Crane. Alam kong mga abnormal sila at madalas na tinutupak pero hindi ko sila maintindihan ngayon. Ang lala. Psh, ewan. Bahala na nga. Kailangan ko pang pumasok sa school.
Parang may dumagan na mabigat na truck sa dibdib ko sa isiping papasok ako ng school ngayon.
I really don't like attending school but my Dad held me on the throat. Hindi ako makahinga at ang tanging pag-sunod sa kagustuhan niya lang ang makakapag-bigay sa akin ng hangin. Wala akong ibang choice. If I go against him, he will not be nice to the Crane. Alam na alam niya kung papaano sila papabagsakin kapag hindi ako sumunod.
At ayokong mapahamak ang mga inosenteng tokmol family dahil sa akin. Kung may paraan naman para hindi magulo ang normal nilang buhay, gagawin ko. Even if I have to sacrifice myself.
Humugot ako ng malalim na hininga saka inilibot ang tingin sa buong paaralan. Maraming estudyante ang nakakalat sa school ground ng Abs University. Karamihan ay mga may kanya-kanyang grupo pero marami din ang katulad kong nagso-solo. Some of the students are curiously staring at me, some are shamelessly gawking.
As long as I want to lie low in this school, mukhang mahihirapan ako dahil sobrang nakakahatak ng attention ang ka-gandahan ko. To think I'm only wearing a black shirt, rugged jeans, and brown ankle boots. Nakalugay ang mahaba kong buhok at walang pintura sa mukha. Ibang klase ka talaga, South!
Hindi ko nalang pinansin ang mga nasa paligid ko at tinahak ang tila walang-hanggang school corridor. Tapos nasa third floor pa 'yung room ko at kailangang gumamit ng hagdan dahil sira 'yung elevator. Nakakainis. First day na first day, umiinit agad ang ulo ko.
Pagliko ko sa pasilyo ay saktong nakasalubong ko ang mga studyante na nagmamadali. Good thing my reflexes was quick, naka-gilid agad ako bago pa nila ako mabunggo. These students looks high. Tila walang pakialam sa paligid kahit may mabunggo man o maapakan.
"Bilisan niyo, pre! Baka hindi pa natin maabutan ang Orasyon!" sigaw ng isang lalaki.
Orasyon? May mga kulto ba ang mga estudyante dito?
"Bilisan niyo!"
"Exciting talaga ang first day, shet!"
"Sabik na akong makita ang ka-astigan ni Cain!"
"Balita ko ay nagpakulay ng buhok si Arsen! Hindi na ako makapag-hintay na makita ang bagong kulay ng buhok ng idol ko!"
The Guys talked excitedly. Parang mga babae kung mag-tsismisan.
"Omygash, girls! Hurry up!"
"The first day of school is really exciting!"
"I'm so excited to see, Cain!"
"I wanted to see, Arsen's new hair color! I want to copy it!"
In-English lang amputek!
Para silang hinahabol ng mga zombies sa pagmamadali nilang pumunta sa isang direksyon. Actually, lahat ng studyante at mga school staffs ay nagsama-sama. Para tuloy may artista na dumating at gusto nilang makita.
Pinangunutan ako ng noo habang nagtatakang nakatingin sa lahat. May flag ceremony ba? Pero imposible. Naalala ko ang usapan ng mga estudyante. They are talking about an Orasyon. Ano naman iyon? Is that some kind of General Assembly?
Lumingon ako sa hagdanan na aakyatin ko papunta sa unang klase ko. It looks abandoned dahil wala man lang katao-tao na nandoon. Sunod kong nilipat ang tingin sa battalion ng mga estudyante. Hindi mukhang pag-aaral ang nasa isip nila habang tumatakbo sa iisang direksyon.
I weighed myself and my curiosity won. Might as well see what are these human beings are up to.
Sinundan ko ang mga kumpol ng estudyante at nakitang lahat sila ay nagsisiksikang pumasok sa Gymnasium. Nagtataka man ay pumasok din ako, pero ganoon nalang ang pangnganga ko nang makitang puno ng mga estudyante at school staffs ang buong Gymnasium. Parang may NBA games sa dami at lakas ng hiyawan ng lahat. Halos manginig ang lupa.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa paligid. Every student shouts a name that I couldn't decipher. Halos magkakasabay sila kaya wala akong maintindihan. Then I noticed everyone's eyes were focused on the middle part of the Gymnasium. Sinagad ko na ang pagiging curious ko kaya nakipagsiksikan ako sa mga tao hanggang sa makarating sa pinakagitnang bahagi.
Nakita ko ang platform na naka-set sa gitna ng Gymnasium at doon nakatayo ang iba't ibang uri ng sisiw---este mga lalaki na may iba't-ibang kulay ng buhok. Then my eyes settled on the guy tied on a pole. He was smiling excitedly, ni mukhang hindi inintindi ang pagkakatali.
Hanggang sa may lalaking kulay brown ang buhok na pumunta sa gitna ng stage. May hawak itong microphone at tinapik-tapik pa ito kung gumagana ba.
"KYAAAAHHHHHH!"
"KYAAAAHHHHHH!"
"MARRY ME, CAIN!"
Halos matumba ako sa lakas ng tilian ng mga babae at mga lalaki. Ang mga katabi ko ay halos mahimatay habang nagsisigaw.
The brown-haired guy smile at the audience making everyone go wild.
Kahit halos magitgit ako ay pinakatitigan ko pa rin ang lalaki. Gwapo siya. Pwedeng ipanlaban sa ka-gwapuhan sa mga Crane.
"Good day, my fellow students! Today is the first day of school! But instead of attending your classes, you are all here and gathered just to witness the per-semester initiation of Abs Society!"
Abs---what?!
"See this guy?" He points to the guy tied on the pole. "He succeeded in the Death Test Mission and he got B+ as a rate from the Gang."
Death Test Mission? Gang? Kaloka! Kahit dito may mga gangsters din? Nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki.
"For the final test, he has to face The Death of Thrones. And you guys will be the judge if this guy is fit to be part of Abs Society!"
Death of Thrones? Ano naman 'yon?
"But before that, let us first introduce ourselves to everyone, especially the newbies out there na hindi pa kami kilala." He flashed his charming smile making the three girls beside me fainted.
"Hello, everyone! My name is Cain Raniego! Rank no. 3 of Abs Society!" Pakilala ng lalaki sa sarili.
Hindi ko talaga maintindihan 'to. Abs Society is a gang, alright. But what's with the rankings? May gang din naman ako pero walang rankings. Ka-abnoyan lang ang mga 'yun.
Pinasa ni brown-haired guy ang mikropono kay yellow haired guy. Ito naman, cute ang mukha niya.
"KYAAAAHHHHHH!"
"KYAAAAHHHHHH!"
"I LOVE YOU, ARSEN!"
Dumadagundong ang hiyawan ng mga kababaihan, maging ang mga lalaki na may hawak na banner.
Hinilot ko ang dalawang tenga dahil pakiramdam ko sasabog na ang eardrums ko sa mga nakakabinging sigaw.
"Hello! I'm Arsen Smith! Number 4!" The yellow-haired guy introduced himself then winked at the girls. Tss. Babaero. Sunod naman niyang pinasa ang mike sa lalaking may pulang buhok.
"I'm Travis Sullivan. Number 5!" Tapos pinasa niya agad ang mike sa lalaking katabi na may green na buhok.
Ano ba 'tong mga kulay ng buhok nila? Tss, parang mga Crane lang na may iba't ibang kulay din ng mga buhok.
"I'm Ajax Sy. Number 6!" Binalik niya ang mike kay Cain (brown hair).
"Where's no. 1 & 2?"
"Oo nga noh? Pansin ko na wala sila."
"Si number one, sanay na akong wala siya kapag initiation pero si two? Hindi."
"Nasaan kaya sila?"
Usapan niyan ng mga tao sa paligid ko. Maging ako ay nagtaka din kung bakit wala si one and two. Start kasi ng pakilala ay si no. 3 which is si Cain.
"Calm down, students!" sabi ni Cain. "If you were asking kung nasaan si 1 & 2? Nasa tabi-tabi lang sila!" Tumawa pa ito. Sira-ulo. "Pero may malaking good news at bad news ako para sainyo!"
Muling nagbulungan ang mga studyante, nagtataka kung ano 'yung tinutukoy nitong si Cain.
"Anong gusto niyong uunahin ko? Good or bad?"
"BAD!!"
"GOOD!!"
Kanya-kanyang sagot ng mga tao.
"Hahaha! Alright. Sa Bad news muna tayo!" sabi ni Cain saka ngumiti. "No. 2 won't be here today!" anunsyo niya.
"Awwww!"
"Bakiiiiit?"
"Sayang, gusto ko pa namang makita ang prinsepe ko!"
Tumikhim si Cain para makuha ang attention ng mga studyanteng tila binagsakan ng langit at lupa.
"At ang good news? Nandito lang naman ngayon si no. 1!" he announces, cheerfully.
"Omygash! Really?!"
"Omoooo! Talaga?!"
"Kyaaahhhh!!"
"Himala 'to mga pare!"
The ground shook as people go crazy over this rank one of Abs Society. Halos mahilo na ako sa pwesto, dahil dikit-dikit amoy ko rin ang mga hininga nila at pabango.
Damn, I regret coming here. Kung alam ko lang na nag-aadict ang mga estudyante dito sana hindi muna ako pumasok ngayon.
Gang? Abs Society? Ranking? Death of Thrones? Pwe!
Mas-abnoy pa pala ang mga ito kesa sa mga Crane.
"Let's all welcome! The leader of Abs Society and also the rank one!!" sigaw ni Cain sa mikropono kaya halos magiba na ang buong Gymnasium.
"KYAAAHHH!"
"OMYGASH! KYAAAHH!"
"KYAAAAHHHHHH!"
"WHOA! IDOL!"
I need to get out of here before I die. These people are crazy. I wasted time on this.
Tumalikod na ako at hinakbang ang mga paa pero hindi pa man ako nakakalayo ay bigla akong na-estatwa sa kinatatayuan nang marinig ang sumunod na nagsalita.
"I'm Genesis Crane. No. 1."
No way...
.
.
(To be continued...)
__________
-COMMERCIAL-
'LIGTAS GAWAING BAHAY TIPS' by: Peter Joe Crane
SOUTH: "Peter! Wala tayong kanin! Mag-saing ka!"
PETER: *kamot ulo sabay tingin sa camera* "Gusto niyo bang makaligtas sa mga gawaing bahay? Ganito lang 'yan, watch and learn, ka-tokmol!"
SOUTH: "Peter! Mag-saing na!"
PETER: "Ah..eh.." *hawak sa sikmura at magkunwaring namimilipit sa sakit* "WAAAAHHH!! HUHUHUHU!! Ang sakit ng tiyan ko!! huhuhu" *bunutin ang isang pilik mata para maiyak* "Timog, huhuhuhu!! Masakit tian ko!!" *magpagulong-gulong sa sahig at mas galingan ang acting* *isiping na-kidnap si Dora para mas lalong maiyak*
SOUTH: "Anong nangyayari sa'yo?!"
PETER: "Huhuhuhu masakit ang tiyan ko huhuhuhu!!"
SOUTH: "Sige, diyan ka lang at kukuha ako ng maiinom mo." *punta sa kusina pero nakasalubong si Isaiah na may hawak na baso* "Isaiah! Ipa-inom mo kay Peter 'yang hawak mo!"
ISAIAH: "Okay." *punta kay Peter at pina-inom*
SOUTH: "Oh, ano Peter? Maayos na ba pakiramdam mo?"
PETER: *Totoong nahilo* *totoong nasuka at natumba sa sahig* "M-ma-matay na a-ako.." *Totoong nawalan ng malay*
SOUTH: "Eh? Anyare? Ano bang pina-inom mo, Isaiah?"
ISAIAH: "Ihi 'yon ni Noah, eh. Itatapon ko sana kaso sabi mo ipa-inom ko kay Peter."
SOUTH: *ngumiwi at nandiri* *tingin sa camera* "Ang Ihi ni Noah ay mabisang gamot sa kahit ano mang uri ng sakit!"
GENESIS: *pababa ng hagdan*
SOUTH: "Genesis, ikaw na ang mag-saing!"
GENESIS: *glare* "Damn!"
PSALM: "Aaaand CUT!!"
k.bye!