Chapter 15 : Fell

3116 Words
CHAPTER FIFTEEN _ "I'm, Genesis Crane. No. 1." Na-estatwa ako sa kinatatayuan at hindi makapaniwalang natulala. I remain unblinking as the crowd goes wild around me. Anong ginagawa niya dito? At teka! Did I hear it right? Ang isang tokmol ay rank one sa Abnoy Society? I rather call it Abnoy than, Abs. Humarap ako muli sa platform para kompirmahin na hindi ako nananaginip. And there, I saw him standing on the platform like he owns the entire world. Nagtagpo ang mga paningin namin at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tila nag-iba siya sa paningin ko. Hindi ko nakikita ngayon ang isang abnormal na Crane na laging sakit ng ulo ang dala sa akin kundi, nakikita ko ang isang Hari. He flaunts like a King, dominating, powerful and merciless. Gone his tokmolness and one more thing that changed him... his hair. Gone his white hair. It was now dyed back to its natural color. A jet-black hair that looked like he neglected to brush. For the first time, he looked Godly in my eyes. His dark piercing eyes were dominating and screaming for respect. His jet-black hair made the structure of his face strong and more define. His dark brows were sloped downwards in a serious expression. Walang kangiti-ngiti at kahit simpleng itim na pants, puting T-shirt at ankle black boots lang ang suot, sapat na para maging mabangis na hayop ang mga tao sa paligid. Girls and boys are screaming to get noticed. All going crazy over him. The ground shook making me waver on my feet. Kumapit ako sa taong nasa harap ko para hindi matumba. These people are wild. And Crazy. Binalik ko ang tingin kay Genesis. He looked like he doesn't have the slightest idea how people craved his attention. He just stood there like he's waiting for a cab. Simpleng tayo pero napansin ko ang halos kalahati ng mga tao ay nanginginig na sa takot. Was it because he's a leader of a Gang? No wonder why his brothers are afraid of him. I'm just wondering though, paano kaya ito magpatakbo ng grupo niya? Hindi na ako magtataka kung puro mga Abnoy din na katulad niya ang mga kasamahan. "Grabe! Ang gwapo niya, noh?" "Sobra! Super hot pa!" "Super crush ko talaga siya!" "Pero bakit itim na ang buhok niya? 'Di ba dati ay puti ito?" "Oo nga. Pero ayos narin na itim ang buhok niya, mas gumwapo eh, yieee!" Nilingon ko ang mga babaeng halos mabaliw na kay Genesis na wala namang pakialam sakanila. Tss. Oo gwapo nga ito, pero abnormal parin naman. Ano naman kung Gang leader? Ano naman kung Hari? Mauutusan ko naman siyang mag-hugas sa bahay. I smirked at that thought. At ano ba naman kasi ang nakain ng tokmol na 'to at nagpakulay ng buhok? Okay pa 'yung white hair dahil mukha siyang tanga doon. "At dahil nandito na si Master! Let the initiation rights begin!" sigaw ni Cain sa mikropono kaya samo't saring sigawan ang naganap sa buong Gymnasium. Malakas ang kutob ko na hindi basta-basta ang gagawin nilang initiation rights kuno. Was it deadly like the other gang groups I know? Buwis-buhay siguro kaya ganito ka-excited ang mga tao. "Katulad ng tradition, FaceLook ang unang test. I ju-judge niyo kung pasado ba ang itsura niya sa pagiging isang myembro ng Abs Society. Alam ng lahat na kapag kasali sa gang, dapat gwapo ito katulad namin..." sabi ni Cain na sobrang lapad ng ngiti. "To vote if this man has the good look, i-text lang ang AbsYES, at kapag hindi naman swak sa panlasa niyo ang itsura niya ay type AbsNO and send it to 6969." Isa lang ang masasabi ko. KA-ABNOYAN! Anong klaseng test 'to? FaceLook? Through text voting? Ito na yung initiation rights nila? Sabi na nga ba. Kung tokmol ang ugat, tokmol din ang bunga. Binalik ko ang tingin kay Genesis at nakitang nakatitig pa rin ito sa akin. Nag-taas ako ng kilay sakanya. Siya ang leader kaya paniguradong siya rin ang nag-isip ng test na 'yun. Abnoy talaga. "The second test is the Talent Portion. This man here is going to show us his talent. It may be either singing or dancing or whatever God blessed him. Through text voting ulit ang mangyayari. Text AbsAPPROVED, kung magaling siya and AbsFAILED if he is not good at talent. Send it again in 6969," sabi ni Arsen (Yellow hair), nang ipasa sakanya ni Cain ang mikropono. Napanganga ako sa narinig. Talent Portion naman? Grabe, upgraded ang mga gang dito. Bilib na akong walang normal dito. Ipinasa naman ni Arsen ang mikropono kay Travis (Red hair) at ito ang sumunod na nagsalita. "Test three is the Case Method. We are giving this man some situation and he's gonna answer it. Dito mapapatunayan kung gaano kalawak ang isip o imagination niya. No text voting on this one. Kaming mga myembro na ng Abs Society ang mag ju-judge sakanya kung nakapasa ba siya o hindi." This guy is handsome but he lacks emotions. Case Method? Medyo maayos ayos pa 'yun. May sense. "So, students, are you ready?" si Cain muli ang nagsalita. "YEEES!" "Kalagan niyo na siya." He motioned the man tied on the pole, mabilis namang kinalagan ito nina Arsen at ng lalaking may color green na buhok na sa pagkakatanda ko ay Ajax ang pangalan. "Introduce yourself." Cain passes the microphone to the man and he accepts it. "Hello! I'm Esau Maximo! Hope you guys vote me to join Abs Society!" he said and smiled widely. "Omygash! He's so cute!" "Ang charming niya!" "Omgee! I'm gonna vote him!" "Marry me, Esau!" Pinagmasdan ko ng tingin ang lalaki. Hmm... I admit he's cute. He has a jolly aura and he's charming. Tiyak na makakapasa siya sa ka-ekekan na test. "I don't like him." All eyes and heads turn to see Genesis. Nagtatagis ang bagang nito at tila manununtok dahilan para mabuhay ang tensyon sa paligid. "Huh? Why master?" nagtatakang tanong ni Cain. "I just don't like him" sagot nito saka ako tinignan ng masama. What the hell? Anong kasalanan ko na naman? "But Master, the students will decide for the voting" paliwanag ni Cain at halatang hindi siya komportable sa madilim na aura ni Genesis. "Tss." Umiwas ng tingin si Genesis sa akin bago kinuyom ang mga kamao. Tinignan pa niya ng masama si Esau saka tumingin na naman sakin ng masama. Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. Ano ba ang problema ng letcheng 'to. Nanahimik ako dito sa tabi tapos kung makatingin akala mo may nagawa akong malaking kasalanan sakanya. Genesis the weird. Tss. Bakit ba hindi pa ako umalis kanina?Nagsasayang talaga ako ng oras dito. Makaalis na nga. Tumalikod na ako at nakipagsiksikan palabas ng Gymnasium. Tinatamad na akong pumasok. Saan kaya ako tatambay muna? "My talent is Fire dancing." Narinig ko pang sabi ni Esau bago ako tuluyang makalabas sa hell place na 'yun. Hell place dahil nandoon ang tokmol na Genesis na bipolar at weird pero...gwapo. Tss. Buti nalang gwapo. Habang naglalakad sa corridor tumunog ang cellphone ko kaya kinuha at tinignan kung sino ang tumatawag. Psalm Crane is Calling... Ano naman kaya ang kailangan nito? Sinagot ko parin kahit nagtataka. "Oh?" "SOUUUTH!" Anak ng tokmol! I swore under my breath and glare at my phone. Hoping Psalm convulses on the other line. Hindi naka-loudspeaker pero halos marinig ng buong Baranggay ang sigaw. Ang hilig ng mga tokmol na Crane ang sumigaw. Nakakainis. "Tangina mo, Psalm! May balak ka bang basagin ang eardrum ko?!" asik ko sa kabilang linya. "Hehe, sorry na! Na-excite kasi ako!" "Oh, anong kailangan mo?" "Kasi..." "Ano nga?!" "Ihhh kasi..." Letche. "ANO NGA?! May klase pa ako Psalm kaya bilisan mong sabihin kung ano man ang sasabihin mo!" "Pwede ko bang kainin itong salad sa ref? Hehe." Tumawag siya para dun. Hays. Hinilot ko ang leeg, pinapakalma ang mga ugat na malapit nang pumutok. Salad ko 'yon, eh. Pinagawa ko 'yun sa bagong taga-luto namin kanina nang dumating ito, kakainin ko sana pagka-uwi ko galing school. Nagpa-gawa nga rin ako ng Manggo Graham. My favorite. "Hindi pwede." "Ihhh! Kukuha lang ako kahit kaonti? Very kaonti lang talaga, hehe, promise! Hindi ko uubusin!" I doubt it. Patakawan sila ni Noah, eh. Kahit sabihin pa niyang kaonti lang at hindi niya uubusin ang pagkain? Hindi ako maniniwala. I don't trust him when it comes to foods. "Hindi pwede. Mabawasan lang ng kahit kaonti ang salad ko, I swear, Psalm. Hindi ka makakakain ng isang buong linggo" pananakot ko. "Patay na. Nabawasan na eh.." May narinig akong boses sa kabilang linya. If I'm not mistaken, it was Noah's voice. "Ayan kasi. Sabi 'wag niyong gagalawin dahil kay Timog 'yun." Boses naman ni Peter. "Tangina mo, Noah. Kasalanan mo, ikaw ang unang kumain.." "Tangina mo rin Psalm. Ikaw naman ang unang nakakita ng salad kaya ikaw may kasalanan." Kung makapag-usap talaga akala mo wala ako sa kabilang linya. Okay lang naman talaga sa akin na maubos ang salad. It's actually for them, sinabi ko lang na akin 'yun para ako ang maghahati sakanila ng salad pagka-uwi ko. Meron kasing hating panganay at hating bunso at hindi patas iyon. Iyong Manggo Graham lang talaga ang para sa akin. Tinabi ko iyon pero kapag kinain nila, I swear, hindi talaga sila makakakain ng ilang linggo. Mukhang safe naman ang Manggo Graham ko dahil salad lang ang naririnig kong binabanggit nilang nabawasan. Pero mukhang nagkamali ako. "Tangina niyo kasi, mga patay gutom! Buti nalang ako hindi kumain ng salad. Iyong Manggo Graham ang kinain ko. Ubos pa!" Pagmamalaki ni Isaiah sa kabilang linya. No... oh my God! My favorite! Tangina! Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Burning flames crawl on my skin and I felt like I was betrayed and then, I just snapped. "KAYONG LAHAT! HUMANDA KAYO SA AKIN MAMAYA!" sigaw ko at sunod ko nalang na narinig ay ang pagpatay nila ng tawag. Sinasabi ko na nga ba, kapag sa mga Crane talaga hindi safe ang pagkain ko. Humanda talaga sa akin ang mga tokmol na 'yan mamaya. Marahas akong nagpakawala ng hininga at nang tumingin sa gilid ay napansin ko ang tatlong lalaki na tulala at nakanganga habang nakatitig sa akin. I flipped my hair in a very dramatic way and smiled at them. "Maganda ba ako?" Sabay-sabay silang tumango habang nakanganga pa rin. Mas lalo namang lumaki ang ngisi ko. Itatanong ko naman sana kung sexy ako pero may biglang sumigaw na kumuha ng atensyon ko. "Wowo ko?! Ikaw nga!" I saw Gab aka CB at the end of the corridor. At dahil medyo malapit na ako sakanya ay kitang-kita ko kung gaano ka-haggard ang itsura nito. Mula sa pawis na pawis nitong balat ay gutay-gutay din ang puti nitong T-shirt. Mukha siyang na-rape ng sandamakmak na tao. "T-takbo!" sabi ng tatlong lalaki at bigla silang kumaripas ng takbo papalayo. Huh? "WOWO KO---f**k!" Binalik ko ang tingin kay Gab. Hinakbang niya ang mga paa papunta sa akin ngunit agad ding itinigil at tumakbo papalayo na parang may humahabol sakanyang mga rapist. At tama nga ang hinala ko nang makita ang batalyon ng babae na may mga hawak na banner na hinahabol siya. The same girls I saw running after him the other day. "PRINCE GAB!" "PRINCE GAB! WAIT FOR ME!" "PRINCE GAB! MARRY ME!" "I LOVE YOU BABY GAB!" "HABULIN ANG PRISEPE NATIN!" "WAAAH!" Pathetic girls. Napailing nalang ako at saka natigilan nang may napagtanto. Dito na ako mag-aaral mula ngayon kaya dapat masanay na ako sa mga mangyayari sa kapaligiran ko. Wala din naman itong pinagbago sa dati kung school. Mas malala pa doon. Sighing, I decided to head home. Bahala na ang klase ko. At isa pa, first day ngayon at uso ang mga pagpapakilala sa sarili sa harap ng mga ka-klase mo. And that's not my thing. 1 *** "Parang awa mo, Timog! 'Wag!" "Timog, naman, eh! 'Wag mo akong idamay, please!" "Dammit! Why am I being punished too? Curse you Witch!" "Alam kung mabait ka, South! Kaya parang awa mo na! Tama na!" "Hindi na South! Hindi na mauulit! Waaaah!" Bored akong nag-lipat ng music sa iPod ko saka tinapunan nang tingin ang mga Crane bago nag-taas ng kilay. Ang i-ingay, tss. Kung nagtataka kayo kung anong meron? Pinarusahan ko lang naman sila sa salang pag-ubos ng pagkain sa kusina. As in. Naubos lahat, pati ang mga stocks namin. King inang mga patay gutom kasi ang mga 'to. Akala daw nila hindi na ako uuwi kaya nagkanya-kanya na silang dampot nang makakain sa kusina. Hindi lang 'yun, naabutan ko pang nagkalat ang mga gamit sa buong bahay. At higit sa lahat, kinain nila ang Manggo Graham ko! Mga peste! Sa sobrang asar ko sakanila, ayan! Pinagkuskos ko silang lahat dito sa bubong ng bahay gamit lang ang toothbrush! Buti nga sakanila. Ang babaw-babaw nga nang parusa nila, eh. "Takot na ako!" iyak ni Isaiah. Psh. Napag-alaman ko kay Tito na may fear of heights ang mga anak niya. Pare-pareho silang takot sa matataas kaya naman para may thrill ang parusa ko ay dinala ko sila dito sa bubong ng bahay. Patag naman ang bubong, eh. Atsaka dalawang palapag lang ang bahay, damo ang sahig sa baba at tingin ko naman ay hindi sila mapupuruhan kapag nahulog sila dahil sa katangahan. Kampante akong safe sila. Sadyang OA lang talaga nila. Katulad nito. "Ayoko na! Huhuhu! This is the end of my life!" madramang hiyaw ni Noah habang nagkukuskos nang naka-tuwad. Takot na takot ang loko na baka daw mahulog eh nasa pinaka-gitna siya ng bubong. "Mga Kaps, kahit nakaka-tangina kayo minsan--madalas pala. Kahit palagi niyong ginagawang balloons ang mga condoms na collection ko, mahal ko kayo! Tandaan niyo 'yan!" ma-dramang hayag naman ni Peter habang gumagapang na nagkukuskos. "You are really a Witch! If I'm gonna die here, it's your faul---buweekkk!!" duwal ni Genesis. Paano ba naman kasi, takot na nga sa matataas, tingin pa nang tingin sa ibaba. Pagka-uwi ko kanina ay saktong dumating din siya sa bahay. Katulad ko ay wala rin siyang balak na pumasok. Kaya ayan, napasali siya sa kalokohan ng apat. Parusa niya 'yan sa pagiging weird. "Waaahh! Ayokong mamatay sa ganitong paraan! Gusto ko pang makatikim ng Calamares! Masarap daw kasi 'yun, eh!" sabi naman ni Psalm habang nakadapang nagkukuskos. "Huhuhuhu.." Napatingin ako kay Isaiah nang marinig ang hikbi nito. Para siyang nanigas na yelo habang nakakapit nang mahigpit sa bubong. Nanginginig ang buong katawan nito at halos hindi makagalaw. Tinubuan ako ng awa. Kung hindi nila inubos ang pagkain at nagkalat sa bahay, hindi ko sana sila paparusahan nang ganito. And besides, this is not a punishment. I'm just making them face their fears. Kalalaki kasi nilang mga tao, takot sa heights. Mga tokmol talaga. "I-I don't wanna die yet. I still haven't completed my book of knowledge. Huhuhu... I don't like here.." sabi ni Isaiah habang tahimik na umiiyak. I bit my lower lip. Hays! Mukhang hindi ata tama 'tong ginawa ko sakanilang parusa. I should have taken it slowly since they are afraid of heights. Lalo na ang bunso. Napabuntong-hininga ako saka bumangon mula sa pagkakahiga ko sa bubong. Kita ko naman na nanlaki ang mga mata ng mga Crane dahil sa simpleng pagtayo ko. "What the f**k, Witch?! Sit down! You might fall!" sigaw ni Genesis. He looked horrified and alarmed. "Timog, ano ba?! Umupo ka nga! Mahuhulog ka!" sigaw din ni Noah. "Timog! Baka mahulog ka!" segunda ni Peter. "South, hindi ka ba natatakot? Mahuhulog ka!" Psalm is panicking. "South! South! South! Huhuhu wag kang mamamatay!" iyak naman ng bunso. I slapped my forehead at their horrified and overreactions. Hindi naman ako duwag katulad nila at isa pa, nasa pinaka-gitna kami ng bubong. Napaka-layo namin sa mga gilid para mahulog. Hindi ko nga makita ang ibaba dito. "Tumayo lang ako, mahuhulog na? Edi kung mahulog ako, saluhin niyo ako!" inis kong sabi. "Ako ang sasalo kay, Timog!" deklara ni Noah na agad kinontra ni Peter. "Ako!" "Damn you, two! I'll be the one to catch her!" Genesis glared at the two. "Hindi! Ako!" Laban ni Psalm. "Ako dapat! Ako ang pinaka-cute kaya ako ang sasalo kay South!" sabi ng bunso. "Tangina mo, Isaiah!" sabay-sabay na sigaw ng apat. Nakakahiya na talaga ang pagmumura nila. Ang babanal ng mga pangalan, eh. "Bumaba na nga kayo! Mag-dampot nalang kayo ng damo sa baba! Baka kapag hindi ako makapag-timpi ay ihulog ko kayong lahat!" singhal ko sakanilang lahat. Ngumuso silang lima saka tila mga tutang nagpapa-amo na tumingin sa akin. I rolled my eyes heavenwards. These men are going to be the death of me. "Talaga, Timog? Pwede na kaming bumaba?" The eldest who acts like the youngest beamed happily. "Oo, kaya sige na! Baba na baka magdalawang-isip pa ako!" "Yieeeee!! Thank you, Timog! Ang bait mo talaga!" "Tss." Anong mabait? Naawa lang ako sa inyo mga gungong! Isa-isahan silang bumaba sa hagdan na nilagay ko kanina. Naunang bumaba si Noah, sunod si Peter then Genesis. Tapos si Psalm, pero bago ito tuluyang bumaba.. "Lord, please keep me safe from stepping down on this ladder. I promise not to eat junk foods every day just please, keep me safe.." dasal nito saka bumaba na nang tuluyan. Psalm the Saint nga talaga. Wag lang siyang mag-mura para hindi masira ang imahe. Ngayon ay kaming dalawa nalang ni Isaiah ang natira sa bubong. Ang apat ay nasa ibaba na at hinihintay kaming makababa. "Go, South. Mauna ka na" nangangatog sa takot na sabi ni Isaiah. Naliligo ito sa sariling pawis at tila malapit nang mahimatay. "No. Sige na, mauna ka na. Alam ko na ihing-ihi ka na sa sobrang takot kaya sige na." Baka mamaya bigla itong bumulagta mas lalo pang nalintikan. Ngumuso ito saka huminga muna ng malalim bago bumaba ng hagdanan. Nang dahan-dahan. Nanginginig ang mga kamay at paa nito habang nakahawak sa magkabilang parte ng hagdanan. Tss, 'yang nerbiyos niyang 'yan ang magpapahamak sakanya, eh. "Baba na, Timog!" sigaw ni Noah mula sa baba nang ligtas na nakababa si Isaiah. Hinawakan ko ang mag-kabilang gilid ng hagdanan, pang-suporta sa katawan. Nasa pang-apat palang akong hakbang nang maramdaman kung parang may kakaiba sa inaapakan ko. "Hurry up, Witch!" sigaw ni Genesis pero hindi ko ito pinansin. Huminto ako para silipin ang baitang na tinatapakan ko at nakita agad ang problema. Dahil gawa lang itong hagdanan sa manipis na kawayan, madali itong mabali. At iyon nga ang nangyari. "s**t!" I cursed under my breath. Bago ko pa mai-hakbang nang mabilis ang mga paa pababa ay nangyari na ang dapat hindi mangyari. Huli na ang lahat dahil nabali na nang tuluyan ang kahoy. "HALA!" "TIMOG!" "f**k, WITCH!" "SOUTH!" "ATE!" I fell and everything went black...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD