Chapter 16 : We did it

2854 Words
CHAPTER SIXTEEN _ "Sabi mo, sasaluhin mo siya Genesis?" "Sabi mo, sasaluhin mo siya Noah?" "Sabi mo, sasaluhin mo siya Peter?" "Sabi mo, sasaluhin mo siya Psalm?" "Dada, bakit hindi mo siya sinalo?" "NANDOON BA AKO SA PANGYAYARI, HA?! ANO 'TONG SINASABI NIYONG SASALUHIN NIYO SYA EH BAKIT WALANG SUMALO SAKANYA?!" Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig mula sa paligid. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame. My brows drew together. Am I already in heaven? Pero bakit naririnig ko ang boses ng mga tokmol? Shifting my gaze to the side, I saw the Crane family, nakapabilog sila sa sofa na tila nagpupulong at nakatalikod sa akin. Pinag-aralan ko ang mga nasa paligid ko at napagtanto na nasa hospital ako. Wait! Anong ginagawa ko dito? And then I remembered. Nahulog pala ako sa hagdanan nang pababa sa bubong ng bahay. Inangat ko ang kanang braso na naka-bandage. May ilang gasgas din ang ilang parte ng katawan ko pero mas inaalala ko kung may naging galos din ba ako sa mukha. King ina, malampa na ako 'wag lang masira ang maganda kong mukha. "Sasaluhin ko na dapat siya pero naunahan ako ng swimming pool! Akala ko sa akin siya babagsak, 'yun pala sa pool!" Binalik ko ang atensyon sa mga Crane at nakitang tila lugmok ang mga ito. Bagsak ang mga balikat at sapo-sapo ang mga mukha. Pero teka, anong sabi ni Noah? Sa swimming pool ako bumagsak? So, walang nakasalo sa akin maski isa sakanila? Wow, lang, ha! Kung magdeklara sila na sasaluhin nila ako, wala namang nakagawa. Mabuti pa 'yung swimming pool, hindi nangako na sasaluhin ako pero ginawa niya. The swimming pool saved me. Mabuti nalang din na doon ako bumagsak at hindi sa kahit sino sa mga Crane. "Tanginang, swimming pool na 'yan! Inunahan ako!" asik ni Peter. Sinuntok pa ang hangin. Galit na galit. "I will f*****g kill that swimming pool!" nangagalaiting banta naman ni Genesis. If I wasn't lying on this bed, I'll hit his head on the wall. Ako ang nahulog pero parang si Genesis ang nabagok. Tignan nga natin kung mapatay mo ang swimming pool! Letche! "Dada, ipatanggal mo na ang pool sa bahay! Mang-aagaw siya! Dapat ako ang sasalo kay South pero inagawan niya ako!" Nagpapadyak na asik ni Psalm. Iyong totoo? Tao ba si swimming pool o ano? "Ayoko na kay swimming pool, Dada! Kahit doon pa ako umiihi tuwing umaga, ipatanggal mo na 'yun! Maraming nainom na tubig si South kanina doon!" maktol naman ni Isaiah. What the hell?! Muntikan na akong masuka dahil doon! Walanghiya, nakainom ako ng tubig sa pool na siyang ginagawang CR ni Isaiah? Pesteng, bunso 'to! Tumikhim si Tito kaya tumingin sakanya ang punyemas niyang mga anak. Tumingin din ako sakanya. Wala pa rin silang kamalay-malay na gising na ako. "I hereby declared that the Crane infinity pool will serve prison for a lifetime. For the case of Snatching Southern Benedicto from my beloved sons. Mr. Officer, you may take the Respondent into custody and deliver him to the Sheriff for this sentence to be carried out. And that's an order from the court!" sabi ni Tito saka hinampas pa ng tatlong beses ang coffee table na parang isang judge sa korte. Hindi ko maintindihan kung saang planeta nagmula ang pamilyang ito. Ibang klase. May kumatok sa pinto kaya bumaling doon ang attention ng mga Crane. Pumikit ako agad at nagpanggap na tulog. "I che-check ko lang po ang pasyente," boses ng isang lalaki. Mukhang ito 'yung doctor. "Sino ka?! Bakit ka naka-puti?! Isa ka bang Anghel at nandito ka para kunin ang kaluluwa ni South?!" That was Isaiah's panicking voice. "Isa akong Doctor, iho." "Anong doctor? Ikaw ba yung best friend ni San Pedro?! Kukunin mo nga si South! Hindi ako makakapayag!" "Huminahon ka iho, isa nga akong Doctor at titignan ko lang kung ano ang kalagayan ng pasyente," nagpapasensyang sabi ng Doctor. "Hindi! 'Wag kang lalapit kay South! 'Wag kang lalapit! Bubugbugin kita!" Kung hindi ako nagtu-tulug-tulugan dito baka ako mismo ang bubugbog kay Isaiah at siya ang ipapalit ko dito sa hospital bed. This youngest Crane is the epitome of idiocy. "Pagpasenyahan niyo na Doc ang anak ko. Sige, you can now check the patient." Boses ni Tito. "Dada! Kukunin niya ang kaluluwa ni South!" Isaiah rants. "'Wag kang mag-alala, Kaps. Hindi siya ang brader ni San Pedro." That's Psalm's voice. "Really? Eh sino siya? Siya ba 'yung manok ni San Pedro na nagkatawang tao?" "Nope. He's a Doctor." "Anong Doctor?" Paniguradong hindi na naman alam ni Isaiah kung ano ang ibig sabihin ng doctor, psh. "A Doctor." "Ano nga 'yun?" "Ewan ko. Tanong mo kay Peter." "Peter, ano 'yung doctor?" "Doctor lang Isaiah, hindi mo alam? Tangina, Crane ka ba talaga? Lahat ng Crane matatalino pero ikaw? Doctor lang hindi mo alam?" Palatak ni Peter. Wow. Crane matatalino? Saang banda? "Tangina mo! Pwedeng sagutin mo nalang ang tanong ko? Itapon kita sa bintana, eh!" "Doctor nga!" "Ano nga 'yun?!" "Tangina. Doctor. Sila 'yung nagtatawag ng mga pasahero sa sasakyan!" Bwisit. Tatawa na ba ako Peter? Peste! Parang mas gugustuhin ko pa atang malunod nalang kesa ang makasama ulit ang mga tokmol na 'to. "Normal naman ang vital signs ng pasyente" sabi ng Doctor matapos akong suriin. Sinilip ko siya sa maliit na tingin. "Kung ganoon Doc, bakit hindi pa siya nagigising?" tanong ni Noah. "She's exhausted. Base rin sa test na ginawa ko para sakanya, stressed siya. Kaya sa ngayon ang maipapayo ko lang ay ang hayaan muna nating makapag-pahinga ang pasyente." "Sa tingin niyo, Doc. Kailan siya magigising?" Boses ni Tito. "Iyon ang hindi ko masasabi." "But she'll wake up soon, right?" tanong ni Genesis. "Sa ngayon, hindi ko pa masasagot 'yan iho. Ang kailangan lang nating gawin sa ngayon ay ang maghintay na magising siya." Gising na nga ako, eh. Tss. "What if hindi na siya magising Doc?" kinakabahang tanong ni Noah. "Edi patay na siya." Letche! Doctor ba talaga 'to?! Siya ang patayin ko, eh. "No! Waahhh hindi pwedeng mamatay si South!" Hiyaw 'yan ni Isaiah. "If you excuse me, may papa-anakin pa akong kambing sa kabilang kwarto," paalam ng Doctor. Sunod kong narinig ay ang pagbukas at sara ng pinto. Mukhang umalis na ang walangyang Doctor. "South! Huhuhu gumising ka!" Naramdaman ko na nasa tabi ko lang si Isaiah. "B—buhay ka pa naman 'di ba? Sabi mo k—kakainin mo pa 'yung s-slice ng cake sa ref. Mabuhay ka, please!" humihikbing sabi ni Psalm, nasa tabi ko rin ito. "Timog... 'wag mo kaming iiwan!" pagwawala ni Peter. "Timog... 'wag kang mamamatay. Huhuhu! 'Wag kang mamamatay!" Sinilip ko si Noah at nakitang naglulumpasay ito sa sahig. "Witch... f*****g die and I'll hunt you in heaven" banta naman ni Genesis na nasa gilid din ng kama ko. Wala na bang mas io-oa ang mga taong 'to? Sila ang patayin ko, eh. Letche! Bahala nga kayo sa buhay niyo, matutulog nalang talaga ako. "South, iha... hindi mo kami pwedeng iwan. Paano nalang ang mundo kapag nawala ka?" Ano naman ang kinalaman ko sa mundo? "Buhay pa si Valentina, South. Hinihintay ka na ng mga mamamayan. Na kay Ding ang bato mo, kaya gumising ka na diyan bago pa ma-tokhang 'yun. Tandaan mo South. Hindi mabubuo ang powerpuff girls kung wala ka." What? Sinong Valentina? Bato? Powerpuff Girls? Jusko! Kunin niyo na nga ako! "Kailangan ka namin sa Power Rangers, South!" humihikbing bulong ni Isaiah. Ngayon power rangers naman? Tama nga ang sabi ng Doctor kanina, stress ako. Stress sa ka-abnoyan ng mga Crane na 'to. Mukhang mapapatagal pa ang pagi-stay ko dito sa Hospital dahil sa sobrang stress. Minulat ko ang mga mata saka pinaka-titigan ang mga Crane. Medyo nabigla pa ako nang makitang ang lalapit ng mga mukha nila sa akin. Lahat sila pare-parehas ang size ng laki ng mata nang makita akong nagising—pwera kay Isaiah na singkit at mas binuklat pa ang mga mata gamit ang dalawang kamay. "Pakyu kayong lahat.." I mutter. "Waaaahhh!" magkakasabay na sigaw nila. Napapikit ako agad dahil sa laway nilang tumalsik sa mukha ko. "Timog!" sabay na sigaw ni Noah at Peter saka nagyakapan. Peste! "Waaahh! Buhay si South!" Nagtatalon sa tuwa si Psalm. "South, huhuhu!" Humagulgol naman sa tuwa si Isaiah. "Buhay ka, Iha." Sumisinghot si Tito Jackal. "You're alive..." Tila na-estatwa si Genesis. Ibang klase talaga 'tong abnormal family. "Ano pang hinihintay niyo, yakap na!" Binuka ko ang braso para sa yakap. Pero natulala silang anim. Napakurap-kurap habang nakatitig sa akin. Napangisi ako at mas binuka pa ang mga braso. "Tutulala na lang ba kayo diyan? Attack na!" Tinaasan ko sila ng kilay. Ibaba ko na sana ang mga braso dahil tulala pa rin sila pero nagsalita si Tito Jackal. "Mga Junakis, ATTACK SOUTH!" And the next thing I knew, ang mga Crane ay nakayakap na sa akin. Napangiti ako ng wala sa sarili. I feel exhausted and pain all over my body but these men, this family was able to give me the best medicine a Doctor cannot prescribe. Ibang klase talaga. This is my first group hug with the Crane and for the first time, I felt happiness and contentment. Saya na walang katumbas na panalo sa gang fight o panalo sa pustahan. This kind of happiness is rare. Rare and euphoric. *** "Timog, say ahhh!" "f**k you, Noah! Get out of here! Ako ang magpapakain sakanya!" "Hindi! Ako! You're the one who get out of here, Genesis!" "Tangina mo, Noah!" "Mas tangina ka, Genesis! Mukha kang tae!" "Mukha ka namang Gorilla na pinag-lihi sa kabayo!" "Gwapo ako, Genesis. GWAPO!" "MAS GWAPO ako, Noah! AKO. MAS. GWAPO!" Pag-untugin ko na kaya ang dalawang ito? Paano ako makakain kung ang dalawang tokmol ay nag-aaway ngayon sa harapan ko. Kanina lang pinag-aawayan nila kung sino ang magpa-pakain sa akin tapos ngayon, ang ka-hanginan nila ang pinaglalabanan. "Lumayas nga kayo sa harapan ko. Hindi ako natutuwa!" asik ko sa dalawa. Ngumuso ang mga ito saka nagkatinginan. "Paano ka namin mapapasaya, Timog?" tanong ni Noah. "Tell me, Witch. H-how can I make you happy?" Hindi makatingin nang diretso sa akin si Genesis at namumula pa. "Do you really want to know?" walang emosyon kong tanong. Natahimik siya at hindi na nagsalita. Makalipas ng ilang oras ay naging tahimik ang mga Crane. Ang dahilan? Hindi ko alam. May kanya-kanya silang mga pinagkaka-abalahan sa kanilang mga cellphone. Nakatulong din ang pananahimik nila para makapag-pahinga ako kahit saglit. Hindi naman ako masyadong napuruhan mula sa pagkaka-hulog ko. Nagkaroon lang ako ng mga galos at dahil sa tindi ng pagbagsak ko sa tubig ay nagkasugat ang balat ko. I am white as snow, kaya kaonting pamimisikal lang sa katawan ay mamumula ito kaagad. But I'll live. This is nothing compared to the bruises and wounds I get from a gang fight. "Isaiah, anong ginagawa mo?" tanong ko kay Isaiah. Nabo-bored na ako. And why do I suddenly missing the craziness of these men? Dapat nga magpasalamat ako sa pagiging tahimik nila ngayon, eh. "Nag-gogoogle" sagot ni Isaiah nang hindi tumitingin sa akin. His eyes were focused on his phone. "Nang alin?" "How to make you happy." o...kay. "Psalm, anong ginagawa mo?" Sunod ko namang tinanong si Psalm na sobrang tutok na tutok din sa kanyang cellphone. "Nag-gogoogle." "Nang alin?" "How to make you happy." Katahimikan. Letche! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit bigla-bigla nalang parang lumulutang ang puso ko. Pinagmasdan ko silang lahat. Maging si Tito ay nakatutok din sa kanyang laptop. Nai-ingit tuloy ako. Wala man lang akong ka-gadget-gadget dito. Nasaan na ba 'yung cellphone ko? Ma-i-check nga 'yung Twitter baka nadagdagan followers ko. "Timog, hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang ginagawa ko?" tanong ni Peter. Tinaasan ko ito ng kilay. "Anong ginagawa mo?" Ngumisi siya ng malaki saka pinakita sa akin ang screen ng cellphone ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nasaksihan dito. "Nanonood ako ng porn, hehe." Fuuuck! Damn you, Peter! My virgin eyes! "Ako iha, hindi mo din ba ako tatanungin?" tanong ni Tito ng may malaking ngiti. "Hindi na, letche!" Baka kung ano pa ang i-sagot o ipakita niya sa akin. Mahirap na. Hindi nalang muli ako nagsalita. Sabi ng Doctor ay bukas pa ako pwedeng makalabas ng Hospital. Bored na bored na ako dito at hindi na rin nakakapasok sa school. Buti nga iyon. Ayoko munang pumasok. "Bibili lang ako ng pagkain," sabi ni Tito. "Mga anak, kayo na muna ang bahala kay South. Okay?" bilin niya sa mga anak. "Yes, Dada!" sabay-sabay nilang sagot. Pagkalabas ni Tito sa kwarto ay napabuntong-hininga ako. Kinuha ko na lang ang remote ng tv at nanood pero dahil walang makitang magandang palabas ay palipat-lipat ako ng channel. "TIGIL, TIMOG!" Nagulat ako sa sigaw ni Noah kaya nahinto ako sa pagli-lipat ng channel. Kunot noong tinignan ko ito ngunit nagtaka nang makitang tutok na tutok siya sa TV kasama ang mga kapatid. Inabandona nila lahat ang mga ginagawa sa cellphone at tumutok sa harap ng television. At mas nagulat ako nang nagsi-upuan silang lahat sa sahig at tiningala ang medyo may kataasang television. Para silang mga robot na pinindutan ng switch, pare-parehas na naka-indian sit, nakanganga at may kinang sa mga mata. Pinangunutan ako ng noo sa pagtataka sakanila kaya tumingin din ako sa television para tignan ang nakakuha sa attention nila. My hopes dropped like a corpse on the ground when I saw what it was showing on the screen. Ito lang naman ang pinapanood nila. "Dora! Boots! Come on, Dora D-d-d-d-d-dora Alright! D-d-d-d-d-dora d-d-d-d-d-dora D-d-d-d-d-dora Dora Dora Dora the explorer Dora! Boots and super cool exploradora I Need your help Grab your backpacks Lets go! Jump in! Vomanos You can lead the way! hey! hey! Hey! Hey! D-d-d-d-d-Dora D-d-d-d-d-Dora D-d-d-d-d-Dora D-d-d-d-d-Dora Swiper, no swiping Swiper, no swiping Oh, man! Dora The Explorer!!!" And take note! Kinanta pa nilang lima 'yung theme song ng Dora! Sabay-sabay at walang palya sa lyrics! Napanganga nalang ako habang nanonood sa mga active Crane na nanonood. New discovered about these tokmol: Dora lovers. Napailing nalang ako kasi habang nagsasalita o nagtatanong si Dora ay sumusunod at sumasagot silang lahat. "Do you know where to ask help when we don't know where we go?" "The Map! The Map!" They exclaimed excitedly like a kids. Lumabas nga ang letseng Map sa backpack ni Dora at sumabay na naman sa pagkanta ang mga Crane. "If there's a place you got to go, I'm the one you need to know I'm the map, I'm the map, I'm the map If there's a place you got to get I can get you there I bet I'm the map, I'm the map, I'm the map I'm the map, I'm the map, I'm the map I'm the map, I'm the map, I'm the map I'm the map, I'm the map, I'm the map~~" My goodness. Sinapo ko ang noo. Bakit sa mga isip bata pa ako naisipang ipatapon ng ama ko? Sa mga Dora lovers pa! Hindi ko type si Dorang lakwatserang negra. Sa mansion ang madalas na nanonood nito ay ang mga bunso kong kapatid na sina East at West. Na-miss ko tuloy ang dalawang bubwit na 'yun. I hope they are doing fine. "Did you see the crocodile lake?" "Theeeeeere!" Tinuro ng mga Crane kung nasaan ang hinahanap ni Dora. "Come on, vámonos! Everybody let's go! Come on, let's get to it. I know that we can do it. Where are we going? To the little blue tree. Where are we going? To the little blue tree. Where are we going? To the little blue tree. Where are we going? To the little blue tree. Hahahahahahaha. Hahahahahahaha. Little blue tree~~" "Little blue tree!!" Punyemas! Seriously?! Nabigla ako nang biglang tumayo si Isaiah saka pinosisyon ang kamay na parang may pinipigilan. "Swiper, no swiping! Swiper, no swiping! Swiper, no swiping!!" sigaw niya. "Oh, men!" sabi naman ni Noah at Genesis. Susmaryusep! Nagpatuloy ang ka-abnoyan nila kay Dora. Lahat ng simpleng tanong, ituturo at sasagutin. At nang matapos na ang mission ni Dora, biglang tumayo ang mga magkakapatid at nangyari na nga ang hindi ko inaasahan. "We did it! We did it! We did it! Yay! Lo hicimos! We did it~" Nag 'we did it' dance ang mga Crane at kanya-kanya sila ng kembot sa kanilang pwet. "We did it! We did it! We did it! Hooray! We did it! We did it! We did it!" Hindi ko maintindihan pero natawa nalang ako sa mga pinaggagawa nila. These men are handsome, lean and academically smart. May isa pang leader ng Gang pero bumigay sa We Did It ni Dora. I laughed my ass out while watching them dance messily. Ang mga walangyang tokmol ay ang panget-panget sumayaw! Mukha silang mga tutubi na hindi maka-tae! Letche. "Yay! Whoo! Hooray! We did it! Lo hicimos! Whoo!" "WE DID IT!" At nag-final pose pa ang mga baliw. "Woohoo! Ang galing niyo mga junakis! Idol! Boots here nga pala, hehe!" sigaw ni habang pumapalakpak. Nandito na pala ang gurang na 'to. Hindi titino ang mga anak kung hindi titino ang ugat. Mga isip-bata, peste!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD