Chapter 17 : Seatmate

4982 Words
CHAPTER SEVENTEEN _ "Timog, may masakit ba sa'yo?" "Timog, gusto mo bang manood ng Tv?" "What do you want? Tell me and I'll f*****g give it." "South, may gusto ka bang kainin?" "South, hindi kita iiwan." Napabuntong-hininga nalang ako at sinandal ang likod at batok ko sa sandalan ng sofa at saka pinikit ang mga mata. Tatlong oras palang simula nang makalabas ako ng Hospital ay hindi na ako iniwan at tinigilan ng limang 'to. They keep on following and annoying me like an effin' dog. Hindi sila tumitigil sa kaka-asikaso 'kuno' sa akin. Nakakairita sila sa paningin. Kakalabas ko palang ng Hospital, nai-stress na naman ako agad. "Timog, gusto mo bang kumanta ako para mawala ang sakit mo?" tanong ni Noah. Kumanta? Hmm... hindi ko pa naririnig kumanta ng matino ang mga Crane. Tignan nga natin kung mawala ang stress ko sa boses niya. Minulat ko ang mga mata saka tumingin sakanya na may umaasang tingin sa akin. "'Ge, 'pag natuwa ako sa kanta mo may reward ka sa akin" walang ka-gana-gana kong sabi. Extra rice ang reward niya. Lumiwanag ang mga mata niya, klase ng liwanag na iilaw sa buong Baranggay. Napanguso naman ang apat na kapatid. "Talaga?! Yeheeey! Sige! Sige!" He clapped like an excited kid on a Field trip. Parang hindi panganay, tss. "South, kakanta rin ako para kapag natuwa ka, may reward din ako!" sabi ni Psalm. "Oo nga! Kakanta rin ako!" sabi ni Peter. "Ako din!" Nagtaas ng kamay si Isaiah. Tumingin kaming lahat kay Genesis na tila namumutla at hindi makatingin sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay. "Hindi mo ba ako kakantahan din?" I smirked, teasingly. Tumingin siya sa akin saka sumimangot. "Why would I? Asa ka pa!" asik niya bago padabog na na-upo sa sofang kaharap ko. I shook my head. Bipolar talaga ang tokmol na 'to. Kanina sa Hospital, akala mo siya ang nurse ko kung umasikaso sa akin. Tinatanong pa niya kung papaano ako mapapasaya, tapos ngayon, tsk, iba rin ang saltik talaga ng isang 'to. "Kanta ka na nga Noah—oh! Please, no Dora song. Pakiusap, 'wag na 'wag kayong kakanta ng may kaugnay kay negrita kundi papatayin ko kayo!" banta ko sa mga ito nang may nanlilisik na mga mata. Hindi ko talaga kinaya ang nasaksihan ko kanina sa Hospital. Grabe, hindi ko kaya ang ka-abnoyan nila. Isama mo pa ang mukhang unggoy nilang ama. Speaking of Tito Jackal, umalis na rin ito agad pagkatapos niya kaming ihatid dito sa bahay. Sobrang busy niya talaga. Noah cleared his throat, getting our attention. Tumayo ito sa harap ko at...teka! Saan naman niya nakuha ang microphone niya? "Music maestro!" aniya at may pinindot naman si Peter sa music player. Umalingawngaw sa sala ang isang pamilyar na kanta. Napataas ang kilay ko. Wow, hindi naman siya prepared, 'no? "I stay out too late Got nothing in my brain That's what people say, mmm-mmm That's what people say, mmm-mmm~" Sandali nga! Ang kantang 'to, don't tell me... Nakamaang akong napatitig kay Noah. "I go on too many dates [chuckle] But I can't make them stay At least that's what people say, mmm-mmm That's what people say, mmmm But I keep cruising Can't stop, won't stop moving It's like I got this music In my mind Saying, "It's gonna be alright." It's a f*****g Taylor Swift song! Napanganga ako nang sumayaw si Noah. Kine-kembot-kembot nito ang bewang at may facial expressions pa siyang parang maarte na ewan. He even curled his fingers on his invisible long hair. Katulad na katulad sa reaction ni Taylor Swift kapag kinakanta ito. 'Cause the players gonna play, play, play, play, play And the haters gonna hate, hate, hate, hate, hate Baby, I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake I shake it off, I shake it off Heart-breakers gonna break, break, break, break, break And the fakers gonna fake, fake, fake, fake, fake Baby, I'm just gonna shake, shake, shake, shake, shake I shake it off, I shake it off!" Susmaryusep! He is good actually. I admit it. Maganda ang boses niya pero, damn, really? Taylor Swift? Hindi naman ako taga-bundok para hindi kilala ang singer na 'yun. Katunayan, it's Atarah's favorite singer. Addict na addict ito dito. Lahat ng album ng singer ay meron siya. Wala ring itong pinapalampas na concert. Hays, I suddenly miss Atarah. "Hey, hey, hey Just think while you've been getting down and out about the liars and the dirty, dirty cheats of the world, You could've been getting down to this sick beat." Umarte si Noah na tila nandidiri, tinuturo-turo pa niya kami saka tataasan ng kilay. Napapangiwi nalang ako habang pinapanood siya. Jusko. I never imagine Noah to be like this. "My ex-man brought his new girlfriend She's like "Oh, my god!" but I'm just gonna shake. And to the fella over there with the hella good hair Won't you come on over, baby? We can shake, shake, shake Yeah ohhh~" Lumiyad ito saka bumirit sa masakit sa tenga. Letche. Maganda nga ang boses, nakakatakot naman kapag bumirit. Malaki ang ngiti nito nang matapos ang kanta niya. He looked satisfied with his performance. Kahit hindi ako masyadong nasiyahan ay napangiti pa rin ako. He did well. He exerts effort to make me happy. "BOOOOOOOOO!" Pero ako lang ang nasiyahan. His brothers are giving him low thumbs. Ngumuso ang panganay saka malungkot na tumingin sa akin. "Ayos ba, Timog?" "Ang pangit ng boses mo, Noah! Boooo!" sigaw ni Psalm sa kapatid kaya mas lalong humaba ang nguso niya. "Ayos lang naman." I shrug my shoulders then look at Peter. "Next na!" Excited na tumayo si Peter at kinuha ang microphone kay Noah. He cleared his throat as his music play. Meron din siyang minus one. Akala ko upbeat din ang kakantahin niya pero nagkamali ako. Ganoon nalang ang sakit ng ulo ko nang kumanta siya. "Mihihihiyaha ha ha ha hahahahahhh! MiyaHA HA HA HA HAHAHAAHHH!! MIYA HA HA HA HA HA HA HA HA HA!" Pataas nang pataas ang boses niya at kita ko kung papaano nagsilabasan ang mga ugat niya sa leeg at noo. Para na siyang kakapusin sa hininga. "MIHIYA HA HA HA HA HA HA HA HA HAHAHAHAHHHH!" Tumaas pa, na kahit sa puntong sumasabay ang katawan sa pagtaas ng boses niya. "HA HA HA HA HA HA HA HA----" Hindi na ako nagulat nang bigla itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay. Napakurapkurap kaming lahat. King ina, mukhang dahilan pa ng ikinamatay niya ay ang nakalimutang huminga. Kung bakit ba naman kasi ganoon ang kinanta. "Hala, South! Patay na ba siya?" Nag-aalalang tanong ni Isaiah. Nagkibit-balikat ako at humilig muli sa sofa at pinikit ang mga mata. "Check niyo kung humihinga pa. Kung hindi, baka nga patay na." I really need to rest. Papasok pa ako bukas sa school. Tss. "South, ako na ang sunod na kakanta!" excited na tanong ni Psalm. Nagmulat ako saka matalim na tumingin sakanya. "Parang awa niyo, 'wag na. Dahil kapag kumanta pa kayo, dalawa lang ang pwedeng mangyari. It's either, ako ang babalik sa hospital o kayo ang ipapa-hospital ko" sabi ko na ikinanguso niya. "Ayaw mo ba talaga akong marinig na kumanta, South?" madamdaming tanong ni Isaiah. "f**k off, fucker" singit ni Genesis na may masamang tingin sa bunsong kapatid. Sighing, I rise and everyone looks at me curiously. "South, saan ka pupunta?" "Gusto ko nang magpahinga. Ini-stress niyo ako lalo." Iniwan ko na sila sa sala at umakyat sa kwarto ko. My brain is on a three percent battery. I need to recharge, and that recharging means a good night's sleep, a whole day nap, and more. I am tired like hell, napagod siguro ako sa kakaunawa sa ka-abnormalan ng mga Crane. Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong binagsak ang katawan sa kama. I smile at the blanket of a comfortable coat all over me. Ah, this is heaven! Shutting my eyes close, pictures of the crazy Crane flashed in my head. A genuine smile stretched onto my lips as darkness engulfed me. Pag-gising ko kinaumagahan ay agad akong nagbihis at nag-ayos ng sarili. Papasok ako sa school dahil tatlong araw na akong absent dahil sa pagkaka-hospital ko. Kahit naman gaano ko ka-ayaw pumasok, kailangan kong gawin dahil pinagbantaan ako ni Daddy. Katahimikan ang sumalubong sa akin pagkababa ko sa sala. Maaga pa naman kaya paniguradong tulog pa ang mga tokmol. Tinungo ko ang kusina at nadatnan ang mga pagkaing nakahain na sa lamesa. Maybe the new cook cooked this. Hindi ko pa nakikita ang taga-luto namin at wala rin naman akong balak na makita siya. Sapat nang pinagluluto niya kami ng mga Crane ng tama. Mabilis akong kumain at pumasok na rin sa school. Syempre, kasama ko si Sakuragi na tinatago ko pa sa likod ng bahay para hindi makita ng mga Crane at baka pagdiskitahan pa, mahirap na. Maraming studyante ang nag-kalat pagkarating ko sa school. Some are shamelessly gawking at me but I did not mind. Hanggang tingin nalang sila. Marami akong nakasalubong na mga estudyante pag-akyat ko sa hagdanan papunta sa unang klase ko. "Pre, may assignment ka na sa Math?" Dinig kong tanong ng lalaki sa harapan ko. Tatlo silang magkakasama at kapwa ko ay paakyat din sila sa kanilang mga classroom. "Wala pa, pre. Kaya nga ako maagang pumasok dahil mangu-ngopya ako sa mga ka-klase natin, eh." "Ikaw, pre? May assignment ka na ba?" "Wala pa, eh. Mangu-ngopya rin sana ako." Psh! 'Yan tayo, eh. Kapag walang assignment, aagahan ang pagpasok sa eskwelahan para maka-kopya sa mga ka-klase. Hindi ko na sila pinansin at inunahan sila sa pag-akyat. Pagkarating ko sa fourth floor ay agad kong hinanap ang A-203 room. It was located on the right side, the second door. Kumatok ako at mayamaya lang ay may isang matandang babae ang nagbukas nito, ito marahil 'yung Teacher. "Yes?" She narrowed her at me and slightly fixed her red-framed eyeglasses Inabot ko sakanya 'yung registration form ko na agad niyang sinuri. "You're the transferee?" "Yes, Miss." "It's been three days since the classes have started. Bakit ngayon ka lang pumasok?" she inquired in a firm voice. Pinakita ko sakanya ang bandage ko sa braso. "I got an accident and was hospitalized for three days." Tumango-tango ito na tila naintindihan ang sinabi ko. "I see. Come inside and introduce yourself" she said and went back inside the classroom. Humugot ako ng malalim na hininga. Ang pinaka-ayoko pa naman sa lahat ay 'yung pinapakilala ko ang sarili. Akala ko pa naman nakaligtas na ako sa ganito. "Listen, class! You have a new classmate. Come here, Miss!" The Teacher ushered me inside. All eyes. Yeah, all eyes on me. Pumwesto ako sa gitna saka tinignan ang mga mukha ng mga magiging ka-klase ko. Boys looks at me with admiration while girls checking me with a raised brow. Ang ilang mga ka-klase ko naman ay parang walang pakialam sa nangyayari sa mundo. I tsked and looked at them emotionless. "Southern Benedicto is my name. Death is my middle name." Napanganga ang mga ka-klase ko at tumikhim naman 'yung Teacher. "Umm... Miss Benedicto, tell something about yourself" she demanded. Psh! "I'm South, petite, rich, and a little of a bitch." Tumikhim muli ang Teacher at inikot naman ng mga babaeng ka-klase ko ang mga mata. "Alright. Take a seat." I survey the room looking for a vacant seat. Saktong may tatlong bakante sa likod, malapit sa bintana. Meron din isang bakanteng upuan sa tabi ng isang uhmm.. mukhang addict na lalaki. I will not definitely sit beside him. Decided to sit on the back, I took a step towards it. Habang naglalakad sa aisle ng bawat row ay biglang may pumatid sa paa ko dahilan para mapasubsob ako sa sahig. Fuck. "HAHAHAHA!" "Lampa pala, eh!" "Tanga! Ang lawak ng daan, nadadapa? hahaha!" Halos mamatay na sa kakatawa ang mga ka-klase ko. May nakita pa akong nagpagulong-gulong sa sahig at nakahawak sa tiyan dahil sa sobrang pagtawa. Gritting my teeth, I compose myself and did not let the demon inside me awake. I breathe and rise. 'First day of school mo ito, South. Transferee ka kaya palagpasin mo muna ang ka-tarantaduhan ng mga ka-klase mo' paalala ko sa sarili. "So clumsy, right girls?" "Yeah right, hahaha!" "Nice one, Vannah!" Nilingon ko ang tatlong babae na halos mamatay na sa kakatawa sa gilid ko. Then my eyes settle on the woman they called Vannah. Tumingin siya sa akin saka nginitian. Bitch. May araw ka rin sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at baka masapak ko pa ang mukha nila. Taas noo akong naglakad at umupo na sa likod. Ngunit nagtaka nang tumingin sa akin ang mga ka-klase ko na tila tensyonado. Ang lakas din ng topak ng mga ito, 'no? Ano na naman ba ang problema nila? "Uhm.. Miss Benedicto, can you find another chair? That seat is already taken," sabi ng Teacher. Wala akong nagawa kundi lumipat sa katabing upuan ko na bakante rin. "And, that seat is taken too." Lumipat na ako sa katabing upuan. Tumingin nang hindi aprobado sa akin ang matanda. "Ano? Taken na naman? Wala na akong pakialam! Screw the owner of this seat!" Letche! Nakakainit ng ulo ang mga tao dito. "Ang kapal ng mukha niyang umupo doon!" "Oo nga. Lagot siya sa Gang." "Hayaan niyo siya, girls. Paniguradong magiging exciting ang pagpasok natin kapag nakita na natin kung papaano siya ilalampaso ng Gang." "Yeah right. This will surely fun. Can't wait for na makita na kung papaano siya magpaalam sa school." These people are trying to get on my nerves. Ano naman ang pinagsasabi nila? Gang? Iyong Abno Society ba ang tinutukoy nila? Tss. As if naman natatakot ako. All heads swing to the door when it suddenly burst open, showing a girl panting to death. Gulo-gulo ang buhok nito at wala sa ayos ang salamin sa mata. Mukha siyang hinabol ng mga zombies. "The eww nerd is here!" One of my classmates announced. Napayuko iyong babae saka naglakad papalapit sa Teacher namin. "I-I'm sorry Miss, I'm l-late.." Naningkit ang mga mata kong pinagmamasdan ang bagong dating. She looked familiar. "It's okay, you may now take your seat." Nakayukong naglakad sa aisle 'yung nerd at katulad nang nangyari sa akin ay pinatid din siya ni Vannah. Muling nabuhay ang tawanan sa paligid, pinaka malakas na doon ang tawa ng tatlong mga babae. The nerd fell and her books scattered on the floor. Wala man lang nagtangkang lumapit sakanya para tulungan. Sabagay, wala din namang nagmalasakit sa akin kanina, eh. "Tsk." The nerd lifts her head to look at me. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagtataka ngunit ilang sandali lang ay bumilog ang mga mata nito sa gulat. Realization clicked in my head. Now I remember why she looked familiar, she's the nerd I met on my first visit here. Mabilis nitong pinulot ang mga libro saka naupo sa bakanteng upuan sa harap ko. Agad niya akong nilingon nang maka-upo. "H-hi.." nahihiyang aniya sa akin. Tabingi pa ang salamin niya kaya mabilis niya itong inayos. Tss. "Hello" walang gana kong sabi. "Look! They're friends! Hahaha!" "Kita mo nga naman, nagsama na ang clumsy at super clumsy nerd!" "Hahahaha!" Ayan na naman ang tawanan ng mga ka-klase namin. Namumuro na sila sa akin. Tumungo si Nerd at nakita ko ang pamumula niya. "D-don't mind them.." sabi niya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. "I don't. They are just a bunch of trash and pathetic people. Minding them is just a waste of time," sabi ko. "b***h!" Vannah hissed, glaring at me. "Super b***h," bulong ko. Pero mukhang narinig ako ni Nerd dahil ngumiti siya. "What's your name?" tanong ko sakanya. Inayos nito ang eye glasses saka namumulang sumagot "I-I'm Swiss Santiago." Swiss Santiago, hmm.. "I'm South," pakilala ko sa sarili ko. I don't give my name to people I just met but this Nerd is a special case. Medyo magaan ang loob ko sakanya. "D-dyan ka ba t-talaga n-naka-upo?" nauutal na tanong niya. Halatang kinakabahan. Katulad siya ng mga ka-klase ko na naging tensyonado nang makitang dito ako umupo. Dahil ba dito ang upuan ng mga Gang daw? Tss, kalokohan. "Yeah. May problema ba?" "I-It's prohibited to occupy that chair." "And why is that?" "It's the chair of----" The door suddenly burst open. Nakuha nito ang lahat ng attention namin sa loob ng classroom. Ako lang ba? O sadyang natahimik lang talaga lahat ng estudyante. Everyone froze on their seats, bowed their heads like they are servants to their King. No one made a noise, even our Teacher stood still in front. These people. This school is weirder than what I expected. Binaling ko ang tingin sa pintuan kung saan pumasok ang mga gwapong kalalakihan. They were four actually. Nagu-usap-usap ang mga ito at tila hindi aware na napatahimik nila ang buong classroom. Studying them, I came to realize that they look normal in my eyes. They were all in their school uniform, looking like a model. They have a different hairstyle that accentuated their jawlines, pointed nose, and bad boy look. "Ohemgeee.." Nakarinig ako nang impit na tilian ng mga babae. Kung tatulad lang sana nila ako, baka kanina pa ako nagti-tili sa sobrang pagkamangha sakanila. Pero hindi eh, immune na ako sa mga gwapo. I am living with the Greek gods. Kung tutuusin, mas hot at gwapo pa rin ang mga Crane kesa sa mga lalaking ito. Wait! Why am I comparing them anyway? "W-why are you late?" nauutal na tanong ni Teacher. The four men look at her and raise a brow. "Pake mo ba? Maso-solusyunan mo ba ang traffic sa Pilipinas?" sabi ng isang lalaki. May brown highlights ang buhok nito. Napayuko ang kawawang ginang, mukhang napahiya sa sinagot ng lalaki. Napailing ako. Walang-galang. "Wait! Nasan na pala si---" Hindi natuloy ang sinasabi ng kasama niyang may white highlights sa buhok nang muling bumukas ang pintuan at pumasok dito ang isang pamilyar na lalaki. "Good morning, Ma'am!" He greeted happily the Teacher who blushed instantly. Lima na sila ngayon. Ang kaninang impit na tilian ay ngayon ay mukhang hindi na napigilan. "Ang gwa-gwapo nila!" "Omygash! Omygash! Akin ka na Ace!" "You're so hot, Kier!" "I love you, Chase!" "You're so cute, Lance!" "Omygash! Omygash! Marry me, Gab!" The girls went wild and crazy. The Teacher keeps on hushing them but they are unstoppable. Para silang mga takas sa mental sa sobrang pagwawala. Ang nakakaloka pa ay nang dumugin nila ang limang lalaki. I shook my head in disbelief. Wala itong pinagkaiba sa dati kong school. Akala mo artista kung dumugin ng mga babae ang mga lalaki, eh mga normal na tao lang naman sila. "WHAT THE f**k?! GET AWAY FROM US!" Ang mga babaeng pumapalibot sa lima ay biglang nawala at bumalik kaagad sa kanilang mga upuan at natahimik. Parang isang pitik lang ang nangyari. Cool. "Don't you dare come near us again, understood?!" sigaw ng lalaking may gray ang buhok. He looked rigid and anytime he'll punch someone. I couldn't help but compare him to someone I know who cuss and yell. I sneer to myself. Bakit naman napasok sa isip ko ang bipolar na Genesis na 'yun? "U-understood.." Girls bow down their heads. Ang limang mala-model na mga lalaki ay nagtungo sa direksyon ko. Ang dalawang lalaki na katabi ko sa likod ay nagkakandumahog na lumipat sa ibang upuan na tila mga takot na takot. Huminto ang lima nang makita ako, nagtataka kung bakit ako naka-upo sa mukhang pwesto nila. Pinangunutan sila ng noo, pwera sa isa. "Wonder Woman?!" I almost facepalm myself when Condom boy points his finger at me. Nagkaroon nang bulong-bulungan ang mga ka-klase namin lalo na nang lumapit pa sa akin si CB nang may malaking ngiti. "Tss." Umiwas ako nang tingin. "Siya si Wonder Woman?" The guy with white highlights pointed his finger at me. "Hi, Wowo ko! Classmates pala tayo, hehe. Naniniwala na talaga akong destiny tayo!" CB beamed and sat at the vacant seat on my right side. Pinatong pa niya ang siko sa desk ng armchair ko saka ako pinakatitigan. Mas umiwas ako nang tingin, bukod sa ang lapit ng mukha sa akin ay masyado rin akong nasisilaw sa ka-gwapuhan niya. Oo, gwapo ang mga nakakasama ko sa bahay pero iba 'yung dating ni CB. He's not just a handsome man, he's also a charmer. One look and you will melt. Nagkanya-kanyang upo sa tabi ko ang ilan sa mga kasama ni CB. Sa left side ko ay umupo ang lalaking may highlights na white sa buhok. Tumitig din siya sa akin na tila hindi makapaniwala. "Ikaw pala si Wonder Woman. Hi, I'm Ace!" Inabot niya sa akin ang kamay. His charming smile matches his charming face. "Back off, Ace! Sa akin niya muna unang sasabihin ang pangalan niya!" asik ni CB dito. "Ang hina mo naman kasi pangalan lang hindi mo pa alam. Hays!" Pinagigitnaan nila ako pero kung makapag-usap, parang wala ako dito. CB look at me the pouted like a kid. Bigla ko tuloy naalala si Isaiah. Psh. Bakit ba bigla nalang sumusulpot sa isip ko ang mga Crane? "Ngayong classmates na tayo Wowo, pwede mo na bang sabihin ang pangalan mo?" pangu-ngulit niya. Huminga ako ng malalim. Tutal ka-klase ko naman siya ay okay lang naman siguro kapag sabihin ko na ang pangalan ko, baka sakaling tigilan niya na rin ako. Iyon lang naman ang habol niya. "South. My name is South." He beamed happily. Halos umabot na sa tenga ang lawak ng ngiti. "Ang cool ng name mo! Pero kahit ngayong alam ko na ang pangalan mo, I still want to call you Wowo ko. Ikaw kasi ang Wonder Woman ko," sabi niya na parang nangangarap. Nakasalikop ang mga palad at kumikinang ang mga mata. "Why is she talking to Prince Gab?" "Ang kapal talaga ng mukha niya!" "Kilala ba siya ng mga Prinsepe natin?" "How come na hinayaan lang sya ng mga Prinsepe na umupo sa area nila?" "Magkakakilala ba sila?" "Ang bago-bago palang niya nilalandi na niya ang mga Prinsepe. Lalo na si Prince Gab!" "She's a b***h!" Hinilot ko ang sintido sa pananakit nito sa mga narinig. Ngayon malandi na ako, tss. "Don't mind them" nakangiting sabi ni CB. Lumipas ang dalawang subject namin na wala akong natututunan at naintindihan sa mga sinasabi ng mga Teacher dahil sa pagdadaldal ng dalawang lalaki sa magkabilaan ko. Ilang beses na kaming sinaway ng mga Guro pero walang pakialam ang dalawa. Salit-salitan sila kung magsalita. Nakakarindi na. Mas lalo tuloy nagalit sa akin ang mga babaeng ka-klase ko. "South, saang school ka dati?" Ace inquired. Natigilan ako. Bigla ko tuloy naalala ang dating school ko. Kumusta na kaya sila? "Diyan lang sa tabi-tabi," sagot ko. "Ngek! Pwede ba 'yun? Saan nga? Anong pangalan ng school?" . "Diyan nga lang sa tabi-tabi, 'wag kang makulit." Ngumuso si Ace na tila pinagkaitan ng candy. "'Wag ka kasing makulit, Ace!" suway ni Gab dito bago tumingin sa akin. "Pero seryoso, Wowo. Saang school nga?" "Stop calling me, Wowo!" I hissed at him. Umiling ito na parang bata saka ngumiti. Iyong abot hanggang tenga. "Ayoko! Wowo ko! Wowo! Wowo!" He chants, annoying me more. Letche. Bakit ba mga isip-bata ang nakapalibot sa akin? "Bwisit. Bahala ka sa buhay mo!" Lunch Break. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko nang may kumalabit sa akin sa likod. Turning around, I saw Gab smiling at me. "Let's have lunch together?" Tinaasan ko siya ng kilay. Girls around me glared at me. Lalo na 'yung Vannah na halos ilibing na ako sa talim ng mga mata. Wala akong pinansin bukod kay Nerd na inaayos ang mga libro niya. "Nerd," tawag ko sakanya. Tumingin siya agad sa akin saka inayos ang eyeglasses niya. "May kasabay kang mag-lunch?" tanong ko. "W-wala.." she answers, blushing when Gab looks at her. "Let's have lunch together," sabi ko na napagpa-gulat sakanya. Binalik ko ang tingin kay Gab na may ngiti. "May kasabay na akong mag-lunch. Hanap ka nalang ng ibang kasama mo." Ngumuso siya at magpo-protesta pa sana pero hindi ko na ito pinansin. Kinuha ko ang bag ko saka hinila si Swiss palabas ng room. Hindi naman na ito umangal pa. "Wowo!" tawag ni Gab pero hindi ko siya nilingon. Mas binilisan ko pa ang lakad pero itong si Nerd. "W-wait lang S-south!" Huminto ako at tinaasan siya ng kilay. "Ano?" "Y-yung s-sapatos ko k-kasi, naiwan.." nakayukong aniya. Sinundan ko nang tingin ang dinaanan namin at nakita ang sapatos niyang naiwan sa sahig. May kalayuan na ito at nakikita ko na si Gab na papalapit sa amin. "Ano ba naman 'yan? Bakit mo iniiwan ang sapatos mo? Kunin mo na, bilisan mo, ayokong maabutan tayo ni CB!" Natatarantang nagmadali siyang binalikan ang sapatos. She was about to pick up her shoe when someone did it for her. It's Gab. "Here." Nakangiting inabot ni Gab sakanya ang sapatos. Napasinghap ang mga tao sa paligid sa natuklasan. Samantala ay namula naman si Nerd at hindi alam kung tatanggapin ang sapatos o hindi. "T-thank y-you.." Tinanggap nito saka natatarantang sinuot sa paa. Ngumiti lang si Gab bago ito naglakad papalapit sa akin. "Sabay na kasi tayong mag-lunch, Wowo ko" nakangusong sabi nito. Bakit ba ang kulit ng isang 'to? Hindi marunong umintindi ng hindi! I look at him pointedly. "Bakit hindi ka sumabay sa mga kaibigan mo?" "Ihhh gusto ko sayo, eh!" "Ayoko sa'yo kaya maghanap ka ng ibang kasama mong kumain." Napahawak siya sa dibdib na parang nasaktan. "You're so straightforward. Nasaktan mo ang puso ko!" he cried. "Wala akong pakialam sa puso mo." Binalik ko ang tingin kay Nerd na tulala pa rin sa kinakatayuan. Mukhang hindi ko maasahan ang isang 'to ngayon. Tss. "Stop hurting me" Gab said then looked at me like a wounded puppy hoping for comfort. "Psh! Bahala ka nga sa buhay mo!" Tinalikuran ko na ito saka naglakad papuntang canteen. Mabuti nalang may kasamang mapa ang binigay sa akin kaya hindi ako naligaw. Sa laki ba naman ng school na 'to. Akala ko matatahimik na ako pero nagkamali ako. Sumunod sa akin si Gab. "Wowo naman, eh!" Hindi ko siya pinansin. Pinagtitinginan na kami ng mga tao saka nagbu-bulong bulungan. Boys and girls keep on glaring at me but I just shrugged my shoulders. A glare won't kill me. Mamatay sila sa inggit na hinahabol ako ngayon ng Prince Gab nila. "Wowo!" Ignore. "Wonder Woman!" Ignore. "South!" Huminto ako at hinintay itong makalapit sa akin. "Pangalan mo lang pala ang makakapag-patigil sa'yo!" He giggled. "Sabay na tayong mag-lunch?" Ang kulit talaga. Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko ito matatakasan. Pinaglihi ata sa bulate kaya makulit. "Tss. Tara na. Nagugutom na ako." Nauna akong naglakad at sumunod naman siya. Sinilip ko ito mula sa gilid at nakita ang halos mapupunit ng ngiti. This man is impossible. "Who is she?" "Bakit sila magkasama ni Prince Gab?" "Omygee! Is she Gab's girlfriend?" "No way! Akin lang si Prince Gab!" "Huhuhu, Gab is taken na. Wala na tayong pag-asa mga girls!" Kinuyom ko ang mga kamao. Barumbado ako pero hindi ako attention seeker. Especially not here. Kapag may makakilalala lang sa akin katapusan ko na. And The President told me to have a normal student life. Hindi ko iyon magagawa kung halos patayin na ako nang tingin ng mga tao. Malapit na kami sa Canteen nang bigla akong akbayan ni Gab. Pinangunutan ako ng noo saka masama siyang tinignan. "Let go of me or I'll break your neck" malamig kong banta. Kahit gwapo pa ito, hindi ako magdadalawang isip na balian siya ng leeg. Ayoko sa lahat ay ang hinahawakan ako. "You're so brutal," he commented but did not let go of me. "Let go of me" ulit ko, mas mariin. "Ang damot mo, Wowo," he complains and pouted. "Gusto lang naman kitang—" His head suddenly lurched forward when a basketball ball hit the back of his head. Napanganga ako sa gulat, ang mga tao sa paligid ay napasinghap. Gab automatically let go of my shoulder and held his head. Agad nagdilim ang expression niya at galit na sumigaw. "WHAT THE f**k?!" Pag-drible ng bola ang kumuha sa atensyon ng lahat. Lumingon ako at ganoon nalang ang pagnganga nang makita kung sino ang mga papalapit sa kinaroroonan namin. Ang mga studyante ay takot na takot na humawi sa daan at nagbaba nang tingin. These men walked like they own the entire world. Dominating and their aura are demanding respect. Kumurap-kurap ako baka sakaling namamalikmata lang ako pero hindi. What the hell are they doing here?! "Never lay your dirty hands on her, fucker..." Crane Brothers... .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD