Chapter 18 : Rivalry

4333 Words
CHAPTER EIGHTEEN _ Tama ba 'tong nakikita ko? Hindi ba ako namamalikmata o naduduling? Ang mga Crane ay nandito ngayon sa school ko. Anong ginagawa ng mga tokmol na 'to dito? Dapat nasa bahay lang sila at naglilinis. Binilin ko sila kagabi habang kumakain kami. They all agreed, pero bilang kapalit ay kailangan ko silang ipagluto ng Spaghetti. Yup, sa kabila ng nangyari sakanila dahil sa luto kong pinakbet ay nais pa rin nilang ipag-luto ko sila ng spaghetti na paborito nila. Hindi naman ako umangal. So last night, we made a deal. So what the hell they are doing here? Looking at them, I noticed that they are far from the bunch of idiots I am with on the same roof. These men... are not the crazy Crane. Ang tila maliwanag na bombilya na laging nakapalibot sakanila ay hindi nakasindi. Walang ngiti para sa lahat, walang kislap ang mga mata at walang maingay sakanila. These men radiate an aura that screams power. Hindi ko sila makitaan nang kakulitan at pagiging isip-bata. Their faces were stern, cold, and deadly. Anong nangyari sa mga tokmol na alaga ko? Nilipat ko ang tingin sa panganay na si Noah nang mapansin ang hawak nitong baseball bat. Saan naman nito kinuha 'yun? At pansin ko lang ha, bakit ganoon nalang ang reaction ng mga tao pagka-kita sakanila? Everyone tensed and trembling in fear. Para silang may kaharap na mga mababangis na Leon na ano mang oras ay lalapain sila. "So, kumusta?" Napatingin ako kay Gab nang magsalita ito. Mukhang hindi na niya iniinda ang pagkakabato sakanya ng bola ng basketball. He looks fine and cool. Ma-angas itong tumingin sa mga Crane na parang naghahamon nang away. "Eto, mas gwapo pa rin kesa sa'yo." Si Noah ang sumagot. Masama ang tingin kay Gab. Magkakakilala ba sila? "Naks! Ayos 'yan! Pero mahirap ang sobrang gwapo wala kang privacy. Believe me, I've been there, until now" nakangising sagot ni Gab. And now they're bragging about their looks. Hindi ko maintindihan kung bakit sa simpleng palitan ng salita ay mas lalong bumibigat ang atmosphere. "Sinabi mo pa, maski ang pagkulangot nga ay hindi ko magawa. Ang daming matang palaging nakasubaybay sa akin, eh. Alam ko 'yang pakiramdam na 'yan. I feel you, bro!" Noah flashed his arrogant smile. Nagkatagpo na ang mga mahahangin na tao. Letche! "Oh nga pala, napadpad kayo dito? Ang alam ko ay after one week pa ng pasukan ang pasok niyong mga Crane. How come you are all here?" Gab asked with a wide smile. Sandali... After one week pa papasok ang mga Crane dito, ayun kay Gab. So that means, dito silang lahat nag-aaral? Schoolmates ko ang mga Crane at hindi ko man lang alam?! WTH?! "Sandali nga!" sabat ko saka tumingin sa mga Crane. Kumaway sa akin si Isaiah pero hindi ko siya pinansin. Kumindat din sakin si Psalm pero maging siya ay hindi ko pinansin. "DITO KAYO NAG-AARAL?" Napalunok 'yung apat, pwera kay Genesis na alam ko ng nag-aaral dito. Nang mapatingin ako sakanya ay nakita ko ang masamang tingin niya kay Gab. "Hehe, oo?" hindi siguradong sagot ni Psalm. "Ako sa Twinkle Star ako mag-aaral!" Nag-taas ng kamay si Isaiah. Hindi ko siya pinansin. "Magkakakilala kayo?" Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa mga Crane at kay Gab. "Yes? Hehe" si Peter ang sumagot. "Wait!" Sabay-sabay kaming napatingin kay Gab nang magtaas ito ng kamay sa ere. He was staring at us curiously. "Magkakakilala kayo?" hindi makapaniwalang tanong nito habang nakatingin sa akin at sa mga Crane. "Yes. And she's off-limits, asshole. If you dare to lay your dirty hands on her again, I swear we'll bury you six feet under the ground, Cortez" seryosong pagbabanta ni Genesis dito. Humangin at nabalot nang pangi-ngilabot ang buong paligid. Napalunok muli ang mga Crane, maging si Gab, mukhang natakot sa banta ni Genesis. Wow lang, ha! Ganito ba talaga kapag leader ka ng Abs Society? Kakatakutan maging ang walang sense mong banta? Pero infairness, nakakatakot nga talaga ito. Madilim at matalim ang mga mata niya. Genesis eyes held so much convincing and danger. "Tara na, Timog." Hinila ako ni Noah palayo kay Gab. Akala ko aalis na kami pero bumaling muna siya kay CB na ngayon ay seryosong nakatingin sa kamay ni Noah na nakahawak sa akin. Nagtagis ang bagang nito. Napalunok ako. Punyemas! Mas gwapo pala siya kapag seryoso! Letche ka, South? Tensyonado na nga ang paligid nagawa mo pang pumuri ng tao. You can't blame me though. Gab's serious face is a major bias wrecker. "Remember this Cortez, ayaw naming may humahawak sa pag-aari namin" sabi ni Noah bago ako tuluyang hinila palayo sa lugar na 'yun. Nakasunod sa amin ang lahat ng mga mata ng tao. Halatang gustong gumawa nang ingay ang mga studyante pero parang may pumipigil sakanila na gawin iyon. Half of the students around us look at me and the Crane curiously and questioningly. The other half was killing me with their death glares. Damn, mukhang masisira ang plano kong normal student life. Hindi ko pinansin ang mga tao, dahil bukod sa mga wala silang kwenta, gumugulo ngayon sa isip ko kung sino ba ang mga Crane sa school na 'to. At isa pa, Anong problema ng mga tokmol na 'to at ganoon na lang sila kay Gab? May pa 'Never lay your dirty hands' pa silang nalalaman. At anong sabi ni Genesis? 'Bury you six feet under the ground?' Kutungan ko 'to, eh! "Sandali nga!" Huminto ako nang makalayo na kami sa pinagalingan namin kanina at nang makitang wala ng mga tao sa paligid. Naniningkit ang mga matang tinignan ko sila ng isa-isa. Agad silang umiwas nang tingin at tumungo. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin na dito pala kayong lahat na nag-aaral?" mariin kong tanong. "Hindi ka kasi nagtatanong" sagot ni Peter. The hell! Pero oo, nga naman. Hindi pala ako nagtanong sakanila. Psh, medyo napahiya ako doon, ah. Tumikhim muna ako bago ulit nagtanong. "Eh bakit hindi kayo pumapasok?" "After one week pa kami papasok, Timog" sagot ni Noah "And why is that?" "Para cool tignan, hehe." Letche. Isang linggong absent, cool na tignan? "Bakit kayo nandito?" Sabay-sabay silang umiwas muli nang tingin. Mas lalo namang naningkit ang mga mata ko at sinuri sila nang mabuti. "Natapos niyo na ba ang pagli-linis sa buong bahay?" Pinagpawisan sila. Hindi din nakaligtas sa mga mata ko ang palitan nang kalabit ng mga gago. Nagsi-sinyasan ang mga ito kung sino ang sasagot sa tanong ko. "Noah, sagot!" baling ko panganay na utak sanggol. Lumunok ito saka pa-simpleng sinuntok sa tagiliran si Peter. Dumaing naman ang isa saka gumanti nang suntok. Ayun! Nagsuntukan na ang dalawa. Letche! Wala akong mapapalang sagot sa mga 'to. "Genesis, sagot!" Baling ko kay Genesis. Cool na cool itong sumandal sa pader at humalukipkip pa. King ina, pa-cool ang haup. Bagot na tinapunan niya lang ako nang tingin saka humikab pa! Walang hiyang tokmol na 'to! "Psalm?" King ina na naman. Paano, may nakasampak lang naman na malaki, literal na malaking headphones sa tenga niya! Hume-headbang pa ang gago, halos mahampas na ang ulo sa pader. Peste talaga! Peste! Bumaling ako sa bunso saka tinignan siya ng masama. Nanlaki ang mga singkit nitong mga mata at mabilis na nag-iwas ulit nang tingin. "Psalm! Tulong!" Kinalabit niya si Psalm pero hindi siya nito pinansin. "Genesis! Anong gagawin ko? Waahh isipan mo ako!" Pero hindi din siya pinansin ng isa. "Noah! Peter! Tangina niyong dalawa! Ako ang umisip ng palusot niyo! Isipan niyo rin ako!" At hindi din siya pinansin ng dalawa. Nanlulumong tumingin sa akin si Isaiah saka ngumuso. Nag-puppy eyes pa ang hinayupak! Pasensyahan nalang kami pero hindi ako nadadala sa ganyan. "S-south, he he." Pilit siyang ngumiti pero tinaasan ko siya ng kilay. Iyong klase ng taas kilay na nagsasabing 'Subukan mong magpalusot, kakatayin kita!' "Isaiah?" May pagbabanta sa tinig kong tawag sa pangalan niya. Pinagdikit nito ang dalawang hintuturo saka naiiyak na tumingin sa mga kapatid niya na may kanya-kanyang mundo. "Natapos niyo na bang linisan ang buong bahay?" tanong ko. Nakangiti pero nangigigil. Pinandilatan siya ng mata ng mga kapatid pero tinignan ko sila ng masama. Unti-unting umiling si Isaiah saka parang tuta na nagpa-cute. Hmmm... "Ganoon? Very good." Tumango-tango ako. Hindi sila makapaniwalang napatingin sa akin. "Dahil diyan, wala kayong spaghetti." Ngumiti ako ng matamis. O_________________O ---> Crane Brothers ^__________________^ ---> Ako TT________________TT ---> sila ulit ^__________________^ ---> Ako "T-timog! Waaahhh! 'Wag!" "Timog! Patawarin mo na kami! Maglilinis na kami!" "Damn it! I can't live without spaghetti!" "Waaahhh! 'Wag South! Parang awa mo! Gusto ko spaghetti!" "South... ayoko pang mamatay!" Para silang mga bata ngayon na nagmamakaawa na 'wag silang ipagdamot ng pagkain. They were begging me to save their lives. And as an Evil Witch, I have no mercy on them! Mga letche sila! Ang ganda nang usapan namin kagabi. Ipagluluto ko pa sila pero hindi naman sila tumupad sa deal. Edi walang Spaghetti! "Sorry na, Timog! Mag lilinis na kami!" "Kung gusto mo, magpupunas din kami ng mga gamit!" "Parang awa mo, South! Spaghetti!" "Damn you, Witch!" "South! Huhuhu marami pa akong pangarap sa buhay!" Okay na ako sa sinabi nina Noah, Peter at Psalm eh. King inang Genesis at Isaiah lang. "Hep! Hep!" Tinaas ko ang kamay ko para awatin sila. "Hooray!" Pumalakpak naman sila. "Luh! Baliktad ka, Timog! Hep hep dapat ay palakpak, hooray naman ay taas ng kamay! Hindi ka ba nanonood ng wowowin?" Noah looked at me disappointedly. "Bigyan ng jacket!" sigaw ni Peter Mga peste! Wala na talagang pag-asa ang mga utak nila. Tumalikod na ako at baka masapak ko pa sila. Hindi pa man ako nakakahakbang pero nagsalita na si Genesis. "Where are you going? Are you going to meet that asshole again?" Humarap ako dito saka tinaasan ng kilay. "Ano naman ngayon? Nagse-selos ka?" Bigla itong namula at umiwas nang tingin sa akin. Napailing na lang ako saka bumaling sa apat na seryosong nakatingin kay Genesis. Ano na naman ang problema nila? "Sabihin niyo nga sa akin, ano ba talagang ginagawa niyo dito eh, hindi pa naman pala kayo pumapasok?" tanong ko sakanila. Hindi naman siguro sila basta-basta nalang papasok ng school ng walang dahilan 'di ba? 'Wag nilang sabihin na trip lang nila dahil makukutungan ko na talaga sila. Iniwan nila ang paglilinis para lang man-trip? Mahusay! "Gusto ka lang naman namin makita," nakayukong sabi ni Noah. "Tahimik ang bahay kapag wala ka," ngumuso si Peter. "No comment" sabi ni Genesis nang hindi makatingin sa akin ng diretso. Tss. "Na-miss ka namin," madamdaming sabi naman ni Psalm. "Miss kita Ate, huhuhu!" Iyak ni Isaiah. Ayan na naman ang pagtawag niya sa akin ng Ate. How many times do I have to tell him we're the same age? Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin maiwasang ma-touch sa mga sinabi nila. 'Wag lang natin isali ang walang kwentang si Genesis. "Ang boring ng bahay kapag wala ka," pagsasalita na naman ni Peter. "Masarap kang kasama," pagsasalita din ni Psalm. "May ipis sa bahay" si Isaiah. Punyemas! Nandoom na, eh! King inang Isaiah talaga! Feel na feel ko na ang sinasabi ng mga kapatid niya, tapos siya? "Umalis na nga kayong mga peste!" singhal ko sakanila saka sila tinalikuran pero nagreklamo ang mga ito. "Pero Timog, ayaw pa naming umuwi!" "Wala naman kaming ginagawa sa bahay." "Ayaw mo ba kaming makasama?" Napabuntong-hininga ako at muli silang hinarap. Naka-nguso silang lahat---maliban kay Genesis pala na iniirapan ako. "Anong sabi ng Doctor sa Hospital sa inyo bago tayo umuwi?" mahinahon kong tanong. Nagkatinginan silang lima. "Bawal kang mapagod." Tumango ako. Good. "Ano pa?" "Bawal kang bigyan ng sakit ng ulo." Tumango ulit ako. Nice. "Ano pa?" "Bawal kang ma-high blood." Very nice. "Ano pa?" "Bawal kang ma-stress." Amazing. "Ano pa?" "Bawal kang magdi-dikit sa kahit sinong lalaki," sabi ni Genesis. Good---teka! Walang sinabi ang Doctor na ganoon, ah! Taas kilay kong tinignan ang tokmol. "Walang ganiyan na sinabi ang Doctor, Genesis." "Oo nga, Kaps. Wala naman, eh" Sang-ayon ng mga kapatid niya. "Meron, sa akin niya lang sinabi, hindi sa inyo," sagot nito saka namulsa. Anong klaseng pagbabawal naman 'yun ng Doctor? Palusot din 'to, eh. "Doctor ba talaga ang gumawa ng bawal na 'yan o ikaw?" Hindi siya makatingin sa akin kaya naningkit ang mga mata ko. Sa sandaling kasama ko ang mga Crane, madali kong nakabisado ang mga ugali nila, isa na roon ang pagsisinungaling. These men can't lie. Hindi sila magaling sa parte na iyon. Even if they try, they won't make it believable. "T-the D-doctor" nauutal niyang sagot at kinamot ang batok niya. Buking na ang isang 'to. Napailing nalang ako. "Sa susunod, sabihin mo agad kung nagse-selos ka para maiwasan ko ang pinagse-selosan mo." 19 Nanlaki ang mga mata niya at mas lalong namula ang mukha. Hays, Genesis! "W-who's jealous? I'm not jealous!" asik niya. "K. Sabi mo, eh." Tumalikod na ako at naglakad. "Hey, Witch! I'm not f*****g jealous!" "'Ge." Deny pa, tss. "I'M NOT f*****g JEALOUS!" Hays. "Teka, Timog! Hintayin mo kami!" Sigaw ng mga kapatid njya. Hindi pa ba aalis ang mga 'to? "South! Sasama kami sa'yo! Saka hindi naman nagse-selos si Genesis, eh!" Pigil ang inis akong tumigil sa paglalakad at saka na naman sila hinarap. Hindi na ako makalayo-layo. Bwisit na mga tokmol na 'to. "Nai-stress na ako. Kaya kung ayaw niyong hindi makakain, umuwi na kayo at lubayan niyo ako!" singhal ko sakanila. Humaba ang mga nguso nila. Mukhang takot ang tao sakanila kanina pero ngayon, wala man lang akong makitang katakot-takot sakanila. "Pero, Timog--" "Umuwi kayo at maglinis o wala kayong kakainin?" Pigil ko ang sarili na 'wag silang sigawan. Akala ko pansamantalang matatahimik ang buhay ko kapag pumasok ako ng school pero nakamali ako. Crane will always find a way to annoy the hell out of me. "Uwi na tayo, Isaiah. Malapit nang ipalabas ang Dora" sabi ni Peter at inakbayan si Isaiah saka sila umalis. "Uwi na tayo, Kaps. Laro tayo Jackstone" sabi naman ni Noah at inakbayan din si Psalm papalayo. Naiwan nalang ngayon si Genesis na masama pa rin ang tingin sa akin. "What?" Pinandilatan ko siya ng mga mata. "I'm not jealous" aniya bago sinundan ang mga kapatid. Hindi parin maka-get over ang walangya. Nang maiwan na akong mag-isa ay napailing nalang ako at natawa sa sarili. King inang mga Crane. Sarap nilang chop-chop-in at gawing adobo. Ang magutom lang pala ang kahinaan nila, dapat una alam ko na. Pero inaamin ko na medyo natuwa ako nang makita sila dito, lalo na nang sabihin nila ang mga rason nila. Mukhang nasanay na sila sa presensya ko, at ganoon din ako sakanila. Crazy Crane, psh! Umalis na rin ako at dumiretso agad sa Canteen dahil nagugutom na ako. Kung hindi lang sumulpot ang mga abnoy kanina edi sana nakakain na ako ngayon. Pagpasok ko sa loob ng Canteen ay nagtaka ako nang mapansin ang lahat ng mga tao ay nakatitig sa akin. Ang mga lalaki ay natulala, samantala ang mga babae naman ay halos patayin na ako sa tingin. May ideya na ako kung bakit. "Sino ba talaga siya?" "Ngayon ko lang siya nakita dito pero kung makadikit sa Mighty Prince, lalo na kay Gab para siyang linta!" "Pero kinakausap siya ni Prince Gab at Ace. Wala pang nakakagawa nun!" "Baka pinsan siya ng mga Prince natin?" "Sana nga pinsan lang dahil kung hindi, naku!" "Girls, nakita niyo ba yung eksena kanina?" "Omygash! Yes! Until now, kinikilabutan pa rin ako!" "Magkasama 'yang girl na yan kanina saka si Prince Gab tapos, ohmygod! Biglang dumating ang mga Crane!" "My gosh! Really?!" "Oo! At ito pa, ha! Sumama siya sa mga Crane at iniwan si Prince Gab!" "Ang landi-landi naman niya! Una ang mga Prince, ngayon naman ang mga King!" These people don't know how to shut their mouths. Mga tsismosa. At anong pinagsasabi nila? Ako malandi? Wow lang, ha! Sana nga malandi ako! Tapos ano pa 'tong naririnig ko? Ang mga tokmol na Crane, King? Kailan pa naging King ang mga punyemas na 'yun? Pambihira. Hindi ko na lang pinansin ang mga tao at nagtungo ako agad sa counter para bumili ng pagkain. "Anong gusto mo, miss?" tanong ng babaeng cashier. "Katahimikan. Meron ba diyan?" Napanganga ang cashier kaya napairap ako. "Bigyan mo ako ng beef steak saka dalawang kanin. Isang coke float at dalawang blueberry cake. Dagdagan mo na rin ng isang large sundae at dalawang cheese waffle at regular fries." "'Yun lang, miss?" Anong 'yun lang? "Hindi. Dagdagan mo na rin ng two piece chicken at isang malaking crema de LETCHE!" Mainit ang ulo ko dahil sa mga tsismosa na hindi mga sariling buhay ang inaatupag. Matapos kong makuha ang order ko at magbayad ay naghanap ako agad nang mau-upuan. Sakto naman na nakita ko si Nerd sa isang tabi. Kumakain mag-isa. Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sakanya at umupo sa bakanteng upuan sa tapat niya. Nagulat ito sa bigla kong pagsulpot, maging ako, nagulat din nang makita na isang kanin at isang pirasong binti ng manok lang ang kinakain niya. Nahiya bigla ang mga pagkain ko sakanya. "S-south, i-ikaw p-pala.." "Iyan lang ang pagkain mo?" tanong ko at nginuso ang pagkain niya. Napayuko ito saka namula. "I-ito lang k-kasi ang n-nakayanan ng baon ko. Hindi naman k-kasi ako mayaman katulad niyo. Magsasaka lang ang mga m-magulang ko." Medyo nabigla ako sa tinapat niya. I didn't expect her to be this honest and straightforward. But... I'm proud of her. Hindi niya ikahihiya kung ano ang trabaho ng mga magulang niya. Teens nowadays, hindi porket mababa na ang trabaho ng mga magulang ay kina-hihiya na ito. Eh, ano naman kung mababa, at least marangal. Mabuti nalang itong si Swiss, hindi katulad ng ibang kabataan. Pero nagtataka lang ako.. "How come na nakapasok ka dito sa Abs University?" Napangiwi ako nang banggitin ko ang pangalan ng school. Base on Tito Jackal and to my research, Abs University is one of the highest and most elite schools in the country. Kilala ang Abs U. dahil sa mga anak ng mga mayayaman ang nakakapasok dito. Only rich people can afford the very expensive tuition and any other fees. Kaya nagtataka ako ngayon kung paano nakapasok si Nerd dito kung magsasaka ang mga magulang niya. "M-mataas ang a-average ko at t-top n-number two ako noong entrance exam ng school." Wow! Nerd nga naman. Matalino. I wonder who's the top one. "And that's it?" Umiling siya saka uminom sa tubig niya. "I-I'm a P-president's Scholar.." Natahimik ako saka dahan-dahang tumango. No wonder. Makakapasok ka talaga sa kahit saang school kapag Presidente ng bansa ang may hawak sa'yo. Should I thank my father for that? Nah, no way. "Very good," walang emotion kong sabi bago sinimulan nang kainin ang mga pagkain ko. I wonder if she knew me. Alam kaya nito na anak lang naman ng Presidente ang kaharap niya? Pinilig ko ang ulo ko. She doesn't need to know. Mas mabuting hindi na rin niya ako makilala. "My gosh! Bakit sila magkasama ni poor nerd girl?" "Infairness, wala siyang taste!" "Mahirap pala ang gusto niya." "For sure, tuwang-tuwa naman ang poorita na may friend na siyang angat ang buhay!" "So cheap!" I clenched my fist and gritted my teeth. Nakaka-tangina na talaga ang mga tsismosa na mga 'to. Mukhang napansin ni Nerd ang pag-iiba ko ng mood kaya napayuko nalang siya at umiwas nang tingin sa akin. "D-dapat hindi ka nalang lumapit sa akin." "Tss. Wag mo silang pansinin, kumain ka nalang diyan," I said dismissively and ate my food. "B-baka i-bully ka din nila." "Binu-bully ka nila?" Binaba ko ang hawak kong kubyertos saka siya tinitigan. Imbes na sumagot ay mas lalo lang itong napayuko. Uso rin pala ang bully dito. Ibang klase. "Hindi ka nagsu-sumbong?" tanong ko. Umiling lang siya bilang sagot. "Bakit hindi? Binu-bully ka na nga nila, wala ka paring action na ginagawa. Siraulo ka ba?" "A-ako lang rin ang kawawa kapag nagsumbong ako. Mayayaman sila, South. Anong laban ng isang magsasakang tulad ko sakanila kapag nagsumbong ako? Wala. Ako lang ang mapapasama." Iyan ang mahirap, eh. Pag-alam mong wala kang kaya, ikaw ang mapapasama. Ikaw ang magiging kawawa. Ngayon, naiintindihan ko na siya. "Pwes, hindi na ngayon. Sige na, kumain ka na!" Tinuro ko ang pagkain niya gamit ang tinidor ko. Tinapos ko na rin ang pagkain ko. Mas nauna pa nga akong natapos kumain kesa sakanya, eh. Ako 'tong maraming pagkain tapos siya pa ang nahuli. Tss. "Omygash! Tara na girls! Nasa gym daw ang mga Prinsepe natin!" "Omygash, really?!" "Let's go, girls! Omygash! Can't wait to see my Prince Gab!" Biglang nagkagulo ang mga kababaihan at halos magtulakan na sila sa pagmamadaling lumabas ng Canteen. Napailing nalang ako. "Tss. What a pathetic people," sambit ko. Nagtaka ako nang mapansin na nakatitig sa akin si Nerd. I asked her why but she just shook her head. "A-are you s-somehow related to the Prince?" tanong niya kapagkuwan. Prince? Who? Mukhang napansin niya ang kaguluhan sa mukha ko kaya nagsalita siya. "Ang five Mighty Prince. Sina Gab, Ace, Chase, Kier, and L-lance..." Oww! Ang mga Prinsepe ng kalawakan. "No. I don't even know them" sagot ko saka sumipsip sa cokefloat ko. "But you were just talking to them awhile ago. N-niyaya ka pa nga ni P-prince Gab na mag-lunch.." "It's because I'm attractive. No one can't resist my beauty," dahilan ko. Weird naman kung sabihin kong nakilala ko si Gab dahil sa condom. "S-sabagay, maganda ka naman talaga." Ngumisi ako. "I know right." "S-south, sana 'wag kang magagalit sa itatanong ko pero..." She lowered her head, avoiding looking at my eyes. "Kilala mo ba ang mga Crane?" Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Naningkit ang mga mata ko saka pinakatitigan nang mabuti ang nerd na 'to. Hindi naman siya mukhang kahinahinalang tao. Magaan nga ang loob ko sakanya, eh. "No." Pero mas mabuti pa rin ang nag-iingat. Mabuti na rin na 'wag niyang malaman ang tungkol sa akin at sa mga Crane. "N-nakita ko kasi kanina na kinuha ka nila kay Prince Gab... Akala ko, kakilala mo sila..." "May tinanong lang sila sa akin kaya ganoon. 'Wag mo nalang 'yun pansinin. Hindi ko naman sila kilala" pagsi-sinungaling ko. Kailangan kong maka-usap ang mga tokmol na 'yun mamaya. "Bakit mo pala naitanong?" tanong ko. Umiling siya saka nahihiyang ngumiti. "D-delikado kasi kapag na-involve ka sa rival gangs ng school." Rival Gangs? Sino? Ang mga Mighty Prince saka ang mga Crane? I didn't know na Gang pala ang mga Crane. Akala ko si Genesis lang ang sangkot sa ganoon, tutal siya ang leader ng Abs Society este—Abnoy Society pala. "Anong rival gangs? Ang Mighty Prince at Crane?" kunwari ay tanong ko. "Ang Mighty Prince at ang Abs Society..." Eh? Akala ko Crane. Bukod kay Genesis, myembro din ba ng Abno Society ang apat? Nakaka-curious lang. "Ows... Sino ang mga 'yun?" kunwaring tanong ko ulit. "Ang Mighty Prince ay pinangu-ngunahan ni Lance Sullivan, kasama ang mga kaibigan niyang sina Ace, Kier, Chase at Gab. Samantala ang Abs Society naman ay pinangu-ngunahan ni G-genesis Crane.." "Kasama ba sa Abs Society ang ilan pang mga Crane?" I asked in genuine curiosity. "Hindi, si Genesis lang. Pero dahil kapatid ni Genesis ang iba pang Crane ay protektado nila ito. Maging ang ibang kapatid ng ibang myembro. Ayon kasi ang patakaran at kasunduan nila." Tumango-tango ako sa nalaman. At least kahit papaano protektado pa rin ni Genesis ang mga kapatid niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na Gang leader ang hinayupak na bipolar na Genesis na 'yun. Ibang klase. "Pero alam mo ba, South. Sobrang hinahangahan at pinagkaka-guluhan ang mga Crane hindi lang dito sa school, kundi sa buong lugar! Sikat na sikat sila. Bukod sa pinagpala sila sa itsura ay nakakamangha rin ang samahan nila. Magkakapatid talaga silang tunay!" Tsismosa din pala 'tong Nerd na 'to. Pero anong sabi niya? Sikat ang mga Crane? Sus! Parang 'di naman. At anong nakakamangha sa samahan ng mga Crane? Mga isip-bata, eh. "Pero teka! Sabi mo kanina na rival ang Mighty Prince at Abs Society, bakit?" tanong ko. Na-curious kasi ako sa rival na 'yan. Ang dami kasi nilang alam. "Ah, dati kasi ay may alitan na ang dalawang grupo. Nagkokompitensyahan ang dalawa sa kahit ano mang klase ng paligsahan. Walang gustong magpatalo. Gusto ay parehong maging una sa ranking ng school. Ang ranking na 'yun kasi ay nasusukat kung gaano kagaling at kalakas ang grupo mo. Alam mo naman ang mga lalaki, ma-pride. Nakakadagdag sa panlalaki nila ang ranking," paliwanag niya. Sumipsip din siya sa coke float ko bago ulit nagpatuloy sa pagkwe-kwento. Pero teka! Coke float ko 'yung ininom niya, ah! Pesteng nerd 'to. Pasimple din, eh. "Pero mas lalong nanaig ang alitan ng dalawang grupo nang lumipat si Travis, kapatid ni Lance sa kabilang grupo. Sumali siya sa Abs Society at hindi 'yun matanggap ni Lance. Pero ayaw nang bumalik ni Travis sa grupo ng kapatid niya. Mas gusto niya sa Abs Society." Tumango-tango na lang ako, kunwari naiintindihan ko ang mga sinasabi niya kahit ang totoo ay hindi ako gaanong interisado. Ano ba naman kasi ang pakialam ko sa rivalry nila. Na-curious lang ako dahil sa mga Crane. "Kaya sinasabi ko na 'wag kang masangkot sakanila dahil mas lalong lalalim ang mga alitan nila. At baka mapahamak ka pa, South. Hindi mo kilala ang Mighty Prince, lalo na ang mga Crane." Nangunot ang noo ko. "Bakit, ano ba ang mga Crane?" tanong ko. Huminga muna siya ng malalim bago ako tinignan sa mga mata. "Mapanganib sila, South. They are capable of doing some nasty things. Kaya ko ito sinasabi sa'yo para makaiwas ka ng maaga sakanila," she said and held my hand on the table. "Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nagkaroon nang kausap na ganito, South. And I consider you as my first friend. Ayokong madamay ka sa gulo kaya please, South... don't get entangled with them. Iwasan mo sila." Too late, Nerd. Hindi ko na sila maiiwasan pa. Babysitter ako ng mga tokmol na 'yun. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD