CHAPTER NINETEEN
_
"Tangina mo, Peter! Kinain mo na naman 'yung Ice cream ko sa ref!"
"Ano ba, Noah! Ang dumi ng paa mo! Kaka-mop ko lang ng sahig!"
"Tangina talaga, Genesis! Doon ka nga sa kwarto mo matulog! Natutuluan ng laway mo 'yung sofa! Kakalinis ko lang 'yan!"
"What the f**k, Isaiah! Switch the f*****g channel to Dora!"
"Psalm! Tangina mo! Nasaan na 'yung nilagay kong boy bawang sa taas ng ref?"
Ito ba 'yung sinasabi ni Nerd na nakakatakot ang mga Crane? Ito ba 'yung sinasabi niyang delikado ang mga ito? Ito ba 'yung sinasabi niyang 'They are capable of doing nasty things?' This family of tokmol was misjudged. Ayon nga sa gasgas na kasabihan, 'Don't judge the book by its cover'.
Kapag maghuhusga tayo ng mga tao, 'wag tayong bumase sa panlabas na anyo at 'wag tayong magpapaniwala agad sa sinasabi ng ibang tao. Kung gusto man natin na patunayan nga ang mga hinuhusga sakanya, tayo mismo ang magpapatunay kung totoo man ito o hindi.
Kapag naghusga tayo ng wala namang katutuhanan, we may just end up hurting the person we judged. Kaya hinay-hinay lang sa paghuhusga.
At sa kaso ng mga Crane, kahit sandali ko palang silang naka-kasama, I can prove to people that they can't capable of doing bad things. Oo, nakakatakot ang mga aura nila minsan. Brutal sila kung magbantaan. But they are just a bunch of childish men! Mga isip bata sila na walang ibang alam kundi ang magmurahan at mag-agawan ng pagkain! And besides, mukha bang nakakagawa ng hindi maganda ang mga cartoon fanatic na mga 'to?
Mga tokmol lang sila na kulang ng turnilyo sa utak, hindi nila kayang gawin ang mga pinagsasabi ni Nerd. She has no proof.
"Noah! Mag-set ka na ng mga plato kakain na tayo!" utos ko kay Noah na abala sa panonood ng Penguin of Madagascar. Susunod na kasi ang Dora kaya naman inaabangan na nila ito. At kapag ganyan silang katutok sa television, alam kong hindi ko na sila maasahan pa.
"Wait lang, Timog. Susunod na ang Dora, eh" sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
See? Napailing nalang ako at bumaling kay Psalm. "Psalm, mag-set ka na ng mga plato."
"Si Peter nalang, South. Nanonood pa ako, eh" sagot niya nang hindi tumitingin din sa akin. Nakatutok ang mga mata nito sa TV.
Napabuga ako ng hangin at inis na bumaling naman kay Peter. "Peter?"
"Si Genesis nalang, South."
Wala pa nga akong sinasabi!
Mga damuhong tamad na 'to. Ako dapat ang katakutan ni Nerd dahil sa oras na 'to, kayang kaya kong pumatay ng mga tamad na tao.
Kakaalis lang ng taga-luto namin at iniwan na lang ang mga pagkain na niluto niya. Hindi ko pa nga 'yun nakakausap. Kapag nandito kasi siya wala siyang pakialam sa paligid niya, as long as she can cook.
"Letche, sige, tignan natin kung mabusog kayo ni Dora. Walang kakain mga punyemas kayo!" sigaw ko sakanila at sarili ko lang ang pinaghain ko. Tignan lang talaga natin kung mapakain sila ng negritang punyemas na 'yan.
"Damn Witch, I am willing to obey your order if you just asked me," sabi ni Genesis habang nag-iinat pa ng katawan na lumapit sa akin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nauna nang kumain. Bahala sila sa mga buhay nila. Next time, sarili ko nalang ang ipagpapaluto ko sa taga-luto. Tignan natin kong maipaglu-luto sila ni Dora.
"South, hindi mo kasi ako inutusan" sabi ni Isaiah at kumuha rin ng plato niya at naupo sa tabi ko.
"Timog, hehe.. wala palang Dora" sabi ni Noah at mabilis na kumuha ng plato at naupo. Ganoon din ang ginawa ni Psalm.
"South, joke lang 'yun, hehe. Kain na ako, ha?"
"Timog—" Pinutol ko kaagad ang sinasabi ni Peter.
"Manahimik! Umupo na kayo at may sasabihin ako!"
Our rectangular dining table is consists of eight chairs. Sa left side ay sina Noah, Peter at Psalm. Sa right naman si Isaiah at Genesis. Sa ulunan ng dining table naman ako naka-pwesto, nakaharap sakanilang lahat.
"Aalis ka na ba, South?" tanong ni Isaiah. Tama ba 'tong nakikita kong kalungkutan sa mga mata niya?
"Iiwan mo na kami?" tanong din ni Noah, katulad ng bunso, malungkot din ang mga mata nito.
I rolled my eyes heavenwards. Ayan na naman sila sa pagka-OA nila.
"Hindi pa! Ano ba kayo, hindi 'yun ang sasabihin ko!"
"Eh, ano?" sabay-sabay nilang tanong. Pwera kay Genesis na ingles ang pagkakasabi nun.
Maingat kong nilapag ang kubyertos ko sa tabing pinggan saka sila mataman na tinignan isa-isa. They were all looking at me attentively. No one blinks and talks to intervene with me.
"Nasa iisang school lang tayo, 'di ba?" Tumango sila bilang sagot. "At mga gangsters kayo?" dagdag tanong ko. Nagkatinginan silang lima saka ulit tumingin sa akin.
"Si Genesis lang, Timog. Siya ang leader ng Abs Society—uhm, atsaka ako pala. Half member, half hindi. Sabi kasi nila rank two ako pero ayaw ko naman." Si Noah ang sumagot. So, he's the rank two. Bakit ito wala noong orasyon kuno nila?
Tumango-tango ako sa pag-iintindi. "Pero parang under pa rin kayo ng Abno Society dahil kapatid kayo ni Genesis," sabi ko.
Tumango silang lahat.
"Iyon ba ang sasabihin mo, South?" tanong ni Peter.
"Hindi. But, let's make a deal, Crane brothers." Seryoso akong tumingin sakanila.
They blinked their eyes at me. Sabay-sabay.
"Mag-lilinis ulit kami?" tanong ni Peter.
"Nah. Hindi 'yun."
"What is it then?" si Genesis. Diretso ang tingin nito sa akin, medyo nailang ako kaya nag-iwas ako nang tingin dito.
"Alam nating lahat na sikat kayo sa school. Well, hindi pa rin ako makapaniwala na sikat nga kayo," sabi ko "At ayoko nang maulit ang nangyari kanina sa school."
"Anong ibig mong sabihin, South?" kunot noong tanong ni Psalm.
"What I mean is..." tinignan ko sila isa-isa nang seryoso bago nagsalita, "Crane Brothers, let's act like strangers in school."
Napanganga sila at hindi agad naka-imik. Peter, Psalm and Isaiah lower their heads while Noah swallowed and Genesis clenched his jaw.
"I don't get it, Witch. Why would we do that?" Genesis asked firmly. His eyes held emotions I cannot name.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagpaliwanag. "Sikat kayo sa school at ayokong madamay sa inyo. Ang nangyari kanina, ayokong nang ma-ulit iyon. I plan to have a normal student life and you men drag attention. And I hate it, Crane Brothers. I don't want attention," pagdidiin ko sa huli.
"Gusto mo na hindi ka namin pansinin kapag nasa school tayo, South?" tanong ni Isaiah. Bakas ang pagkadismaya sa tono ng boses nito.
"Oo. At mas lalong ayokong malaman ng mga tao na magkakasama lang tayo sa iisang bubong."
Hindi lang dahil ayokong malaman ng mga schoolmates namin na magkakakilala kami ng mga Crane, kundi ay para na rin sa protection namin. Honestly, wala naman talagang issue kapag nalaman ng mga estudyante ang tungkol sa amin. I don't give a damn care. Mas iniisip ko ang sekyuridad ng bawat isa. Mas magandang walang alam ang mga tao tungkol sa relasyon ko sa mga Crane. Mabuti na iyong nag-iingat. Dahil hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa isip ko ang mga taong sumu-sunod sa akin noong nakaraang araw. Hindi ko alam kung ano ang kailangan nila sa akin kaya mas maganda na hindi madamay ang mga Crane sa laro na sinasabi ni Daddy sa akin.
At isa pang dahilan, ayoko talaga ng atensyon. Kahit ngayon lang, kahit dito gusto kong maranasang maging normal na estudyante. At ang mga Crane na ito ay hindi mga normal na estudyante. Sikat sila at kasapi pa sila sa Gang.
Isa pa 'yung si Condom boy, kailangan ko na rin iwasan para maikasatuparan ko ang plano ko.
"Pangit ba kami, Timog?" tanong bigla ni Noah matapos ang mahabang katahimikan.
Pinangunutan ako ng noo. Anong klaseng tanong naman 'yun at anong kinalaman nito dito? At pangit? Sila? No way! Nagjo-joke ba ito? Hindi ba niya makita kung gaano nakakalaglag laway ang ka-gwapuhan nila? Pero syempre, hindi ko iyon sasabihin sakanila. Baka mas lalong lumaki pa ang mga ulo. Tss.
"Kapalit-palit ba ako?" ma-dramang tanong naman ni Peter.
Huh?
"Then WHY?" Genesis growled.
Napabuntong-hininga ako at ang ulo ko, sasabog na sa ka-abnoyan nila. Hindi ko pinansin ang tatlo at uminom ng tubig sa baso.
"Pwedeng sila na lang ang umiwas sa'yo, South, hindi ako?" Isaiah pouted his lips like he was about to cry.
"Umiwas kayong lahat sa akin at ganoon din ako sa inyo. Simple as that" walang emosyon kong sagot. Pinapatigas ang dibdib para hindi siya kaawaan.
Mukhang mahihirapan akong makipag-deal sa mga Crane ngayon.
"Pero bakit kailangan naming umiwas? Hindi naman kami mukhang unggoy, si Peter lang!" Psalm has now a glassy eye. Anytime, babagsak na ang mga luha nito.
"Tangina mo, Psalm."
"Oo nga! Saka si Noah, mukhang paa! Kahiya-hiya siyang kasama!" The youngest rant too.
"Tangina mo, Isaiah. Ang gwapo ko namang paa kapag nagkataon!" angil ng panganay.
"Si Genesis, Timog. May putok 'yan kaya walang kwenta talagang kasama!" bintang din ni Peter kay Genesis.
Peter received a super death glare from Genesis. Natahimik agad ang gago. Psh, takot ang tokmol sa kapwa tokmol.
"South, bakit ka namin iiwasan?" naiiyak na tanong ni Isaiah. Ang mga labi niya ang nanginginig.
Sa maiksing panahon na kasama ko sila, I learned that Isaiah is the most expressive one. His eyes never lie, they never conceal his true feelings. He always shows vulnerability and innocent and when he's sad, you will succumb to his charm. No matter how strong you build your walls around you, he can easily break it with his puppy f*****g eyes. But I have to endure. Damn. It saddens me to see him like this but it's for their safety. I'm doing this for them.
"Gaya ng sabi ko, ayoko ng atensyon. At kayong mga Crane ay masyadong nakakahatak ng attention sa school kaya dapat ko kayong iwasan. Naiintindihan niyo ba ako?" I cannot tell them my other reasons.
"Hindi naman namin kasalanan na nakakahatak ng atensyon ang ka-gwapuhan namin" sambit ni Noah. Hindi nagmamayabang ang uri ng pagkakasabi nito. It's like he's just stating a fact.
"What's the deal then?" malamig na tanong ni Genesis.
Good question.
"Kapalit nang hindi niyo pagpansin sa akin sa school, linggo-linggo ko kayong ipagluluto ng iba't ibang klase ng spaghetti," I bargained. It's a lame deal but a powerful one when it comes to them. It's their weakness. They cannot resist spaghetti.
Nagkatinginan silang lima na parang nag-usap-usap gamit ang tingin, ilang sandali lang ay buntong-hininga ang mga ito. Nase-sense ko na ang pagpayag nila kaya nangi-ngiti ako.
"Deal."
See? Ganoon lang sila kadaling ka-usap. Kung sasabak ka man sa giyera at sila ang makakalaban mo, just offer food to make them surrender. Kumpara kay Superman na Kryptonite ang kahinaan, sa mga Crane ay pagkain.
"It's a deal then, Crane Brothers. Maghuhugas ng pinggan sa isang buong buwan ang sino mang lalabag sa deal. Intyendes?" Tinaasan ko sila ng kilay. Napalunok ang mga ito at pinagpawisan.
"I-intyendes..." Napangisi ako.
"Very good. O siya, kung sino ang huling matapos kumain, siya ang maghuhugas ngayong gabi."
"s**t!"
Mabilis pa kay The Flash na natapos silang kumain. At ang ending? Ako ang nahuli.
"Ikaw maghuhugas, Timog!"
Tss. Pahamak ang sarili kong patakaran.
Napailing nalang ako at tinapos na rin ang pagkain saka naghugas. Nang matapos ay pumunta akong sala at nadatnan ang mga Crane na naka-upo sa sahig at tutok na tutok sa pinapanood na Dora. Mga isip-bata talaga.
Iniwan ko sila at nagtungo ako sa pinto para isarado ito, gabi na at kailangan nang magsara. Isasara ko na sana ang pinto ngunit bigla akong natigilan dahil may naramdaman akong parang nakatingin sa akin. Pinalibot ko ang tingin sa paligid pero wala naman akong napansin na kakaiba. Pinilig ko ang ulo, baka napra-praning lang ako. I closed the door and locked it.
"Matutulog na ako mga tokmol!" sabi ko sa mga Crane nang dumaan ako sa sala.
"Maaga pa naman, ah?" sabi ni Noah nang silipin niya ang orasan. Maaga pa nga. It's still 8:30 in the evening.
"Maaga ang pasok ko bukas," sabi ko at saka humikab. "Saka inaantok na ako. Ge. Matulog na rin kayo," dagdag ko saka umakyat sa hagdanan.
"Good night, Timog!" magkasabay na sabi nina Noah at Peter.
"Good night, South!" magkasabay na sabi din ni Psalm at Isaiah.
Hinihintay ko ang pagsabi ni Genesis ng 'Good night, Witch!' pero wala akong narinig. Taas kilay akong humarap sakanya habang nasa gitna ako ng hagdanan.
"Hindi ka ba mag-gogood night, Genesis?"
Tumingin siya sa akin at tinaasan din ako ng kilay. "Just sleep and have the worst nightmare, Witch!" he spat and focus his eyes on the television with a scowl.
Ibang klase talaga ang isang 'to. Sa lahat ng Crane, si Genesis ata ang pinaka-malalang may tama sa ulo. Ang sarap niyang gawing pinakbet minsan.
"Have a worst nightmare too, Genesis!" I said and went straight to my room.
Naligo ako at nagpalit ng oversized T-shirt at pajama. It's my sleeping get up. Comfortable. Matapos kong magpalit ay sumampa ako agad sa kama at padapang nahiga. Ipipikit ko na sana ang mga mata pero biglang may kumatok sa labas ng pintuan. Grunting, I turn my head and face the door. Paniguradong isa sa mga Crane na naman ito. At hindi nga ako nagkamali nang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Isaiah na may bitbit na ulo ni Dora na isang unan.
"South?"
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang nakadapa pa rin.
Ngumuso siya saka nagkamot ng ulo. "May langgam kasi sa kwarto ko, ayoko sa langgam," nakatungong dahilan niya.
Mukhang alam ko na ang tumatakbo sa ulo ng isang 'to.
"Sa kwarto ka ni Noah matulog," sabi ko at binaling sa kabilang direksyon ang ulo.
"Kagagaling ko lang doon, eh. Ayaw nila akong katabi. Si Peter naman, may ipis sa kwarto niya. Ayaw din akong katabi ni Genesis," sabi niya at ramdam ko ang panlulumo sa tono niya. "South, pwede bang dito muna ako?"
Napahilot ako sa sintido saka bumangon mula sa pagkakadapa. Humarap ako sakanya kaya mas klaro kong nakita ang panlulumo nito. He looked like a puppy asking for shelter. Sighing for the tenth time I beckon him over.
"Sige na nga! Dito ka sa kanan!" Umusog ako sa kaliwa. Do I have a freaking choice?
Nanlaki ang mga singkit niyang mata at nagliwag ang buong mukha niya sa sinabi ko. Tss. Ang babaw ng kasiyahan nito.
Malaki at malawak ang space ng kama ko. Kasya nga ang limang tao dito kung tutuusin. Wala namang sofa ang kwarto ko kaya wala akong pagpipilian kundi ang makatabi si Isaiah sa kama. Walang namang malisya. He's like a younger brother to me, kahit pa sabihin nating magka-edad lang kami. Wala naman sigurong masama kung hayaan ko siyang matulog dito. I can easily break his neck if he does something funny.
"Talaga? Yehey!" Pumalakpak ito saka lumulundag na sumampa sa kama at tumingin sa akin na may malaking ngiti. "Thank you, South! Good night!" aniya saka inayos ang ulo ni Dora (unan niya) bago nahiga. Pinikit nito ang mga mata pero ang malaking ngiti niya ay hindi nabura sa mga labi niya.
"Pesteng tokmol na 'to" I mumble and smile. Napailing ako at nahiga na rin sa kabilang dulo ng kama at natulog.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Tulog pa si Isaiah at wala akong balak na gisingin ito. Tinungo ko ang banyo at mabilis na naligo at nagbihis.
Alas nuebe ng umaga ang pasok ko ngayong araw sa school pero alas otso palang ay pumasok na ako. Balak kong libutin ang buong Abs University ngayon. The massive classical building is breathtaking. Napakalawak nito at kukulangin and isang araw para malibot mo ito ng buo. It's okay though, I only plan to see the interesting areas.
Nasa may parte palang ako ng soccer field nang may mapansin akong nagtatakbuhang mga kababaihan. Isang buong barangay ata ang dami nila at may kanya-kanya silang mga banner na dala.
Déjà vu.
Bakit pakiramdam ko nangyari na ito dati? Oh, yeah. Condom boy. Pinilig ko ang ulo saka pinakiramdaman ang paligid. Mahirap na baka may biglang dumampot na naman sa akin.
Napagpasyahan kong sa library naman pumunta. Hindi man halata pero mahilig ako sa mga libro. Mahilig naman akong magbasa kahit papaano. Pagpasok ko sa malaki at malawak na library ay nadatnan kong walang katao-tao, bukod sa matandang babae na bantay dito.
She looks at me, eyes narrowing and scrutinizing under her thick frame. Binalik niya rin agad ang atensyon sa ginagawang pagliligpit ng mga libro kaya dumiretso naman ako sa mga bookshelves. Sinusuri ko ang mga naka-display na libro nang maramdaman ko ang isang presenya na papalapit sa akin. Hindi ako lumingon at nanatili sa pwesto, nakikiramdam.
"I'm here now. What are your two other wishes?"
I spin around and came face to face with a guy with yellow hair. His hair color accentuates his pale skin and chestnut eyes. He looked like a cartoon character in a human's form. And he looked familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita dati.
Tinaasan ko ito ng kilay matapos suriin. "Si Park Bogum at 'yung isa ay ang mawala ka sa paningin ko," mataray kong sagot.
Pero tila hindi siya na-apektuhan sa pagtataray ko at sumandal pa siya sa rack sa gilid ko. I gave him a questioning look.
"Can you empty your pockets? I think you have stolen my heart," he said, eyes unblinking.
Napangiwi ako. Who the hell is this yellow-haired guy? Sayang lang, cute pa naman siya pero tila may sira sa ulo.
"Siraulo," sabi ko bago ito tinalikuran at lumabas na lang ng library.
May thirty minutes pa ako bago ang una kong subject kaya pumunta muna akong Garden para maglibot-libot. Umupo ako sa bench at ni-relax ang mga paa. Kanina pa pala ako naglalakad. Minasahe ko ang mga tuhod ko ngunit agad natigilan nang napansin ang isang anino na tumapat sa akin. Lifting my gaze, I saw a green-haired guy standing in front of me with wide eyes.
"Now I know why Solomon had 700 wives, 'cause he never met you," sabi nito saka ngumisi ng malaki.
Hindi ko tinago ang pagka-irita sa mukha ko at tinanong ito, "Who the hell are you?" Kanina isang yellow haired guy ang lumapit sa akin, ngayon naman ay green? What's wrong with their hair?
Malakas talaga ang pakiramdam ko na nakita ko na sila dati. Hindi ko lang matandaan. Mukhang may short-term memory pa ata ako.
"Can I have a picture of you? Because I want to show Santa what I want for Christmas." He ignores my question and just smiles.
"Can I have a picture of you too? Because I want to show to the police station the person whom I'm going to file a case," I fired back. Napangiwi ito saka walang pasabing iniwan ako.
Anong trip ng mga tao ngayon?
Nang ma-relax na ang mga paa ko ay napagpasyahan ko nang pumunta sa una kong klase. Paakyat palang ako ng hagdanan nang may biglang humarang sa akin na lalaking may kulay brown na buhok.
Kasapi ba ito ng dalawang siraulo kanina? Mukha nga, kulay palang ng buhok, eh.
"Oh, ano? Bilisan mong magsalita! Nakakasira na kayo ng umaga!" singhal ko rito.
Napakamot ito ng ulo saka nakangiwing tumingin sa akin.
"Hi, my name is Cain. I'm funny, financially stable, and have a very interesting DNA structure."
Tinaasan ko siya ng kilay gaya nang ginawa ko sa dalawang nauna kanina. "Lumayas ka na sa harap ko, letche kayong mga sisiw kayo!" asik ko dahilan para ngumuso ito saka ako tinalikuran
Ano bang trip ng mga taong 'yun? Ibang klase talaga ang Abnoy University. Nailing nalang ako sa sarili bago nagtuloy sa klase ko. Sana wala na akong makitang sisiw pa.
The room was filled with noise, boys and girls have their own groups when I enter the room. Ang ilang grupo ng mga babae ay agad nagtaas ng kilay pagkakita sa akin. Nakilala ko ang tatlo sakanila pero 'yung nagnga-ngalang Vannah lang ang natatandaan ko ng pangalan. The girl who tripped me.
"Look who's here," she announced with an attitude. Hindi ko ito pinansin at dumiretso sa upuan ko sa likod. Wala pa si Nerd. Baka nasa bukid pa ang isang 'yun at nag-aararo. "b***h!" Vannah sneer behind me.
Ako ba sinabihan ng impaktang ito ng b***h? Mas mukha naman siyang aso kesa sa akin. Pinagsawalang bahala ko na lang ito. Gusto ko ng normal na buhay ng isang estudyante kaya sige, hindi ako gaganti.
"Aba! Nakita niyo ba girls? Ang kapal ng mukha niyang hindi ako pansinin!"
I still ignore her. She's just a waste of energy. Pangit na nga ng umaga ko, eh.
"WHAT THE f**k?!" Insulting me is not enough for her, hinablot pa ako ng mga alipores niya at sapilitang tinayo. They held me by my both arms. Mahigpit ito at paniguradong mamumula ang mga braso ko.
"KING INA! BITAWAN NIYO NGA AKO!" Winaksi ko ang dalawang Impakta na nakahawak sa akin pero hindi sila bumitaw. Mahigpit ang kapit.
Ano ba problema ng mga taong ito? They can't just leave me alone?
Lumapit sa akin si Vannah na may nanggagalaiting mukha. "Ang tapang mo! porket kinausap ka lang ni Prince Gab kung umasta ka akala mo na kung sino ka na! At nilapitan ka pa ng mga Crane!" sigaw niya sa pagmumukha ko.
'Yun lang? 'Yun lang ang pinuputok ng budhi niya? She's not right in the head, that's my conclusion.
"Inggitera!" sigaw ko sa mukha niya. Akala niya nakalimutan ko na ang ginawa niyang pamamatid sa akin? Nagtitimpi lang ako dahil baka mabali ko ang leeg nito.
"YOU'RE A b***h!" She turns into a crimson red.
Kumurap lang ako nasa kabilang side na ang mukha ko sa lakas nang sampal niya. A wave of fury crashed through me. My face has become rigid, jaw clamped tight and teeth grinding. I wasn't gifted with patience but I'm trying to act like a human. Kapag pinatulan ko sila, makikita nila na hindi pang-tao ang pasensya ko. I had to remind myself again that these women are just shallow-minded. Blinded by idiocy and insecurities.
"Malandi ka! Bago ka pa lang pero nilandi mo na agad si Gab at ang mga Crane! Malandi ka—aaahh!" And I am just a human. My patience can be cut by a sharp knife. With a clenched fist, I kicked the woman in front of me on the stomach, sending her flying to the row of chairs with a loud thud.
Marahas na winasiwas ko ang dalawang pesteng babae na nakahawak sa mga braso ko, agad silang tumalsik at natumba.
Ang aga-aga, bwini-bwisit nila ako.
Napaatras ang mga studyanteng nakapalibot sa amin. Doon ko lang napansin na ang daming tao pala. Psh. Kakasabi ko lang na ayoko ng attention.
I look at the three girls who are whimpering and glaring at me. "Tigilan niyo ako," I stated in a cold voice. They should be grateful I didn't break their faces.
But if they won't stop pestering me, let the hell break loose.
"HOW DARE YOU! HINDI MO KILALA KUNG SINO AKO!" galit na sigaw ni Vannah. Eyes red with fury. She stood up and went to pounce me but she froze with wide eyes before she could even hit me. Maging ang mga taong nanonood ay natigilan at tila mga kahoy na pinako sa kinatatayuan.
"Dare to touch my girl and you will f*****g taste hell..."
That voice...
.
.