Chapter 20 : RiteMed

3284 Words
CHAPTER TWENTY _ "Dare to touch my girl and you will f*****g taste hell..." Lahat napako sa kinatatayuan nang marinig ang malamig na boses na iyon. Natahimik ang lahat at bahagyang napanganga. Takot naman ang nakikita ko sa mga mata ni Vannah maging ang dalawang alipores nito. Humawi ang mga tao sa may pintuan kaya doon napunta ang atensyon ko. The owner of that cold voice emerged from the crowd. He stood almighty on his school uniform. Three buttons of his shirt were open, allowing everyone to gawk at his smooth and muscled chest. His face was stern, rigid, and cold. His forest green eyes show unkindness but when his eyes landed on me, his mode quickly changed. His eyes soften and it shows modesty? "Hi, Wowo ko," he greeted me with a shy smile but it quickly disappeared when he saw my swollen cheek. "Who the hell did that to you?!" He growled. Tinuro ko si Vannah na agad nanlaki ang mga mata at napaatras. Nilingon siya ni Gab, wala pa siyang sinasabi pero bigla nalang umiyak ang babae. "I-I'm sorry, Gab! I'm sorry..." She trembled in fear as tears keep streaming down her face. She's genuinely frightened but I did not even see the sincerity in her eyes. Kumbaga, plastic. Kumuyom ang mga kamao ni Gab at masama siyang tinignan. I was slightly shocked when Vannah suddenly on her knees, begging. "S-sorry...sorry, sorry, Gab! Please have mercy on me!" she pleaded. Inikot ko ang mga mata habang nanonood sa ka-dramahan niya. This woman deserves an Emmys. "Linisin mo ang buong CR ng mga Seniors. Gusto ko saktong alas singko ng hapon ay tapos mo na ito, naiintindihan mo?" sabi ni Gab. Sunod-sunod itong tumango bago tumayo at takot na takot na tumakbo palabas ng classroom. Sumunod agad sakanya ang dalawang alipores. Nang ma-iwan ang mga tsismosa ay tinaasan ko sila ng kilay na agad nagsi-alisan at nagkunwaring walang nangyari. Binalik ni Gab sa akin ang tingin, agad bumalatay ang pag-aalala sa mukha niya. "Wowo, your cheek is swollen. Dalhin na kita sa clinic," he offered. Was my cheek really that bad? Mabilis kong kinuha ang salamin sa bag at tinignan ang mukha. Namumula at namamaga nga ang pisngi ko. Kailangan ko itong agapan dahil kung hindi paniguradong mangi-ngitim ito at papangit pa ako. Tss. Letcheng, Vannah, may araw din siya sa akin. "I can handle," sabi ko bago binalik ang salamin sa bag at naglakad palabas ng classroom pero mabilis na humirit si Gab. "No. I insist. Sasamahan kita sa clinic. I'm worried about your cheek." "Kaya ko na. 'Wag ka nang sumama." "Sasama pa rin ako!" "Hindi na nga!" Ang kulit din ng isang 'to. Hindi talaga marunong umintindi ng hindi. Akala ko tumigil na siya pero nang makalabas ako ng classroom ay nagsalita ito. Nakasunod na sa akin. "Sasamahan kita, Wowo! Sasamahan kita! Sasamahan kita!" he sang like an annoying kid on the field trip. Nilingon ko ito at nakitang sinu-sway pa niya ang mga braso sa hangin. This man is crazy. Sayang lang, gwapo sana pero katulad din ng mga Crane ang takbo ng utak. Hindi pa ako sure kung sino ang mas malala sakanila. May mangilan-ngilang studyante ang napapatingin sa amin, nandoon ang pagtataka nila at panghuhusga, syempre. Mukhang hindi ko na talaga maa-achieve ang normal student life ko dahil sa mga taong nakapalibot sa akin. "'Wag ka ngang maingay diyan! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao!" suway ko sakanya. "Ihhh sasamahan nga kita! Sasamahan kita sa clinic!" pagpipilit niya. "Punyeta! Oo na! Sasama ka na!" Peste! Ngumiti ng malaki ang gago at medyo uhm...umiwas ako nang tingin dahil...ang gwapo niya, syemay! I hissed, my cheek stung like a b***h. Damn, mas masakit pa ang sampal ni Vannah kesa kay Daddy. Titirisin ko talaga ang babaeng 'yun pagka-kita ko sakanya. Pagkarating namin ni Gab sa Clinic ay naabutan namin ang nurse na nagkikilay. Agad nanlaki ang mga mata niya, hindi sa gulat kundi sa pagkamangha pagkakita sa amin—I mean, kay Gab lang. Taranta itong nag-ayos ng mga make-up kit niya saka kami hinarap—si Gab lang pala ang hinarap niya. Mukha lang akong hangin na hindi niya nakikita. "P-p-prince Gab, may masakit ba sa'yo?" she asked with flirty concern. Inikot ko ang mga mata. Pathetic. "Nah, but my Wowo needs some help. Namumula ang pisngi niya at gusto kong gumaling na ito ngayon din," Gab ordered and winked at me. Pakiramdam ko domuble ang pula ng pisngi ko. Mukhang doon lang ako napansin ng maharot na nurse. She looks at me from head to toe then raises a brow. Tinaasan ko rin ito ng kilay, akala niya magpapatalo ako? "Y-yes Prince G-gab..." she giggled and lour at me. "Dito tayo, Miss." She beckons me to sit on a vacant bed. Sitting, I look at Gab who was observing my swollen cheek. "I'm worried." He bit his lower lip and his eyes showed a gentle concern at me. "Halata nga." Tumikhim ang nurse kaya tinaasan ko ulit siya ng kilay. Pa-epal. "I will not forgive that woman! How dare she ruin your beautiful face!" I watched Gab as he fumed. Sampal lang naman ang tinamo ko pero kung umasta akala mo nabugbog ako. This is nothing compared to all the bruises I got in gang fights. "Edi wow." He breathes in and out then sat beside me. Lumapit ang nurse na may dalang cold compress. Idadampi na niya sana ito sa pisngi ko pero humirit si Gab. "Let me." Inirapan ako ng nurse bago kami iniwan. Kinuha ni Gab ang cold compress bago maingat na dinampi sa pisngi kong namumula. I flinched and hissed softly, mabilis siyang humingi nang pasensya at mas maingat pa na inasikaso ang pisngi ko. Gab is just inches away from my face. Seryoso siya sa ginagawa at kumikibot-kibot pa ang mga labi nito. Umiwas ako agad nang tingin dahil sa kakaibang nararamdaman sa sikmura ko. "A-ako na nga hindi ka naman marunong," dahilan ko para sana makaiwas ngunit agad niyang inilayo ang kamay nang akmang aagawin ko sakanya ang hawak. "Ako na. H'wag ka nang malikot diyan, Wonder Woman," he flashed his sweetest smile. Umirap ako sa tinawag niya. Mga matitinong tao na lang ba ang tatawag sa akin sa totoo kong pangalan? Bigla namang sumulpot sa isip ko ang mga Crane. Si Psalm at Isaiah na lang ata ang nakakaalam ng pangalan ko. Tss. Buti pa ang dalawang 'yun. Loyal. Speaking of them, ano naman kaya ang ginagawa nila ngayon? Pinilig ko ang ulo at tinanggal sila sa isipan. Ayoko muna silang isipin, nai-stress ako. Biglang nanumbalik sa isipan ko ang mga pinag-usapan namin kagabi ng mga Crane. I glanced at Gab and took in a deep breath. "Ito na ang huling beses na didikit ka sa akin, naintindihan mo?" sabi ko matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Nabitin sa ere ang kamay niyang umaasikaso sa pisngi ko saka tumingin ito sa mga mata ko. Dahil magkalapit ang mukha namin ay mas klaro kong nakita ang berde niyang mga mata. He surely has beguiling eyes that show too many emotions. But those emotions were deadly. Lethal. "Why?" His voice cracked, eyes reveal confusion. Can I make an exemption? Umiling ako. This isn't right. Dapat ay umiwas ako sa mga taong masyadong nakaka-attract ng atensyon. Normal student life, 'di ba? Kaya dapat lang na ipa-iwas ko na rin ang isang 'to, katulad nang ginawa ko sa mga Crane. To be fair with them. "Masyado kang gwapo. Ayoko sa gwapo," pagdadahilan ko. Wala na akong maisip na ibang palusot. Sumimangot siya saka ngumuso. Sumulpot na naman bigla sa utak ko ang nakangusong pagmumukha ni Isaiah. Psh. "Hindi naman ako gwapo, kaonti lang," he reasons out. Napa-ikot ako ng mga mata. There are times he's humble. "Kahit na. Wala akong pakialam." "Pero Wowo—" *Blaaaaag* Our heads snapped to the door when it suddenly burst open. Maging ang nurse ay napatalon sa gulat, abala pa naman ito sa pagkikilay. "Nurse! Help! Mamamatay na ang kapatid ko!" Nanlaki ang mga mata ko. That voice! Napako ang tingin ko sa pintuan at ganoon na lang ang pagnganga ko nang sunod-sunod na pumasok ang mga Crane. Unang pumasok si Psalm na agad sinuyod ang paningin sa buong lugar. Until his wide eyes landed on me. Kinalabit nito ang mga kapatid saka ako nginuso. Lalapit pa sila sa akin ngunit agad ko silang pinandilatan ng mga mata. Humaba ang mga nguso nila at inosenteng tumingin sa akin. "Mga Crane! Anong nangyari? Sinong may sakit? Gagamutin ko!" sabi ng nurse at sinipat nang tingin ang bawat isa sa mga Crane. She was drooling, shamelessly gawking at them. "Anong ginagawa nila dito?" bulong ni Gab habang nakatingin sa mga magkakapatid. Tinignan ko ang bunsong Crane na nakatitig sa akin nang may pag-aalala. He pouts and wipes his teary eyes. Peter stood beside him, caressing his back, comforting him. Why the hell is he crying? My eyes next landed on Genesis who has a rigid look while watching Gab pressed the cold compress on my swollen cheek. Umangat ang tingin niya kay Gab at tinignan ito ng masama. "Isaiah! May masakit ba sa'yo? Amin na at nang mahalikan ko!" Tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makitang hinaplos ng letcheng nurse ang braso ng bunsong Crane. "Lumayo ka nga sa akin!" asik ni Isaiah dito bago nag-walk out. Nginusuan muna ako ni Peter at Psalm bago sinundan si Isaiah. Si Noah at Genesis na lang ngayon ang natira. Kita sa itsura ng mga ito na gusto nilang lumapit sa akin pero dahil sa deal ay hindi nila magawa. Takot lang nilang maghugas ng pinggan sa loob ng isang buwan. "Noah! Genesis! May masakit ba sa inyo?" "Get lost! Ugly octopus!" singhal ni Genesis sa nurse bago nag-walk out din. "Noah..." "Lumayo ka nga sa aking impakta ka! Baka ikaw ang mailagay ko sa hospital bed!" At sumunod na rin si Noah sa labas. Naiwan ang nurse na luhaan, sawi at sa panlalait ng mga Crane sakanya. "South..." Medyo nabigla ako sa pagtawag ni Gab sa pangalan ko. Binalik ko sakanya ang tingin at nakita ang seryosong mukha nito. "Are you related to the Crane?" diretsang tanong niya. Nakatitig sa akin na tila umaasang isagot ko ang nais niyang marinig. Kumalabog ang dibdib ko pero kahit ganoon, hindi ako umiwas nang tingin kahit pinagpapawisan na rin. Alam ba niya? Imposible! Baka nagtataka lang siya sa lapit ng mga Crane sa akin. Ang mga tokmol na 'yun, humanda sila sa akin mamaya. "No." I lied without blinking. Tumangu-tango siya at tila nakahinga ng maluwag. "Kilala mo ba sila?" "Hindi." Nag-iwas ako nang tingin. Sorry Gab. "That's good, then. Alam mo kasi Wowo, rival ang Mighty Prince at Abs Society kaya ayokong masangkot ka sakanila," sabi niya. "And why is that?" kunot-noong tanong ko. Is this because of their ego? Tss, men. Humugot ito ng hininga saka seryosong tumitig sa mga mata ko. His green eyes darkened if that's even possible. "Ayokong may kaugnayan ang babaeng gusto ko sa mga ka-away ko." Natigilan ako at hindi agad nagawang mag-salita. Did I hear it right? Did he like me? Hindi pwede. Mukhang palala na nang palala ang sitwasyon ko, kailangan ko nang umiwas kaagad. Wala kaming imikan habang pinagpatuloy niya ang pagdampi ng cold compress sa pisngi ko. Hindi din kami nagtagal sa clinic, nang humupa na ang pamamaga ng pisngi ko ay umalis na rin kami. "Kumain muna tayo bago tayo bumalik sa classroom," aniya habang naglalakad na kami sa hallway pabalik sa classroom. Huminto ako sa paglalakad saka siya hinarap nang walang emosyon. Nag-umpisa na ang mga klase kaya wala nang katao-tao sa paligid. Siguradong pinaalam na rin ng nurse sa Teacher namin na nasa clinic kami ni Gab. "Gab, listen to me. Gaya nang sabi ko kanina, ito na ang huling beses na didikit ka sa akin," diretsang sabi ko. I needed to be fair for the Crane. Pina-iwas ko sila sa akin kaya dapat ganoon din ang gawin ko kay Gab. Kanina nang makita ko ang magkakapatid sa clinic nakita ko ang inggit sa mga mata nila. Their eyes were expressive and it hurts me to see them envy others. Gab breathe in and held both my shoulders. He looked at me straight into my eyes. Nilabanan ko ang tingin niya kahit parang may kung ano na naman sa sikmura ko na nagwawala. "I'll ask again, why?" Ano na nga ba ang rason ko? Oh yes, to have a normal student life. "B-Basta! Ayokong nagdi-dikit ka sa akin!" Pinakawalan niya ang mga balikat ko saka namulsa at tumingin sa akin nang puno nang pagmamatigas. "Not acceptable." He shook his head then say, "I had so much trouble finding you South, and now that you're here," He leans forward until our faces just inches away from each other. Bahagya akong umatras kasabay nang pag-iinit ng mukha ko. "I'm not gonna let you slipped away from me again," mariing aniya bago ako tinalikuran at iniwan. Naiwan akong natulala at napanganga. I held my chest and breathe in and out. Nakatayo lang naman ako pero pakiramdam ko nag-marathon ako sa bilis ng takbo ng puso ko. And my stomach, damn, something is moving inside my stomach. Fuck. Kailangan kung ipatanggal ang mga bulate ko sa tiyan. Masama ito. KUNOT noo akong naglakad papasok sa bahay ng mga Crane. Tapos na ang klase pero hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa utak ko ang mga sinabi ni Gab. May gusto siya sa akin, hindi ko naman ito masisisi. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit ayaw niya akong masangkot sa mga Crane. Dahil ba sa magkaaway sila? Tss. Walang kwentang rivalry na 'yan. Ano sila mga bata at dahil magka-ibang gang ay enemies na? Mga Abno. It's their pride that talks. Huminto ako sa tapat ng pinto ng bahay. Sighing, I twisted the doorknob and went inside. Pasensya na Condom Boy, sangkot na ako sa mga tokmol. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay agad akong napa-preno nang tumambad sa harapan ko ang mga Crane. Naka-linya sila at nakahakukipkip at ang malala pa ay NAKA-TOPLESS silang lahat! Yummy! Este—king ina! Kung ganito ba naman ang bubungad sa'yo pag-uwi mo ay, aba! Uuwi ako nang maaga araw-araw! My cheeks burn and my mouth ran dry. Umiwas ako nang tingin kahit nakaka-enganyo ang tanawin sa harapan ko. This is bad. My whole body feels burn. I need a firefighter! "Saan ka galing?" tanong ni Noah. His voice was firm and strict. "Anong oras na?" sumunod namang nagtanong si Peter. "Did you go out on a date?" segunda ni Genesis. "Sinong ka-date mo?" sunod si Psalm. "Wala kang kadikade...err...ano ulit 'yun, Kaps?" si Isaiah. "Kalikadesa, bobo." "Wala kang kalikalesa!" sigaw ni Isaiah sa akin. Ano na naman ba ang nahithit nila at ganito sila ngayon? Imbes na sumagot sa mga walang kwenta nilang tanong ay nilagpasan ko lang sila at saka dumiretso sa sofa. I slumped on the couch with a heavy sigh. Nakakapagod ang araw na ito. Sinandal ko ang batok sa likod ng sofa at pinikit ang mga mata. I'll just rest a little. "Bastos kang bata ka! Sumagot ka!" Minulat ko ang isang mata at sinilip si Noah. Nakapamewang na ito ngayon sa harapan ko habang masama ang tingin sa akin. His shining shimmering tight abs are waving at me. Tempted to wave back, I closed my eye to cut the little heaven forming in my head. "Kita mo na? Masyado mo kasing ini-spoil ang anak mo! Kaya ayan lumaking bastos!" harumentado niya na mabilis dinaluhan ni Peter. "Hayaan mo na, honey. Magpahinga ka na, makakasama sa pagbubuntis mo ang stress," sabi nito at nang minulat ko nang tuluyan ang mga mata para makita ang kalokohan nila, nakita ko si Peter na hinahagod ang likod ni Noah. Nag-aadict ba talaga ang mga ito? "Hindi, honey! Bastos 'yang anak mo, eh! Hindi ganiyan ang pagpapalaki natin sakanya!" Noah rants. "Honey, kalma lang. Baka makunan ka, delikado pa naman ang pagbubuntis mo." "Mommy! Daddy!" tawag ni Psalm sa dalawa. "I want to eat Ice Cream!" he said, bouncing like a small kid. "Ask yaya Isaiah, baby. We'll just gonna talk to your Ate," malambing na sabi ni Peter dito at hinaplos pa ang buhok. Parang tangang nagtatalon naman si Psalm saka nanghingi ng Ice Cream kay Isaiah. Nang maibigay nito ang gusto ay lumulundag naman siyang lumapit kay Genesis na abala sa pagku-kutkot nang kong ano sa kuko niya. "Do you wanna build a snowman?" tanong ni Psalm dito. Hinawi siya agad ni Genesis saka tinalikuran. Hindi pinansin. "Go away, Anna!" "Okay bye~" Napanganga ako. Anong ka-hayupan ito? "Buntis ka?! Ang kapal ng mukha mo! Sa kabila ng lahat ng hirap namin ito lang ang igaganti mo sa amin?! Sinong ama ng dinadala mo?!" Binalik ko ang tingin kay Noah at Peter na nasa harapan ko pa rin. Bored ko silang pinanood na ngayon ay kunwari'y nagwawala at umiiyak. "Totoo ba ito, anak? Buntis ka?" hindi makapaniwalang tanong ni Peter. Anong buntis ang pinagsasabi ng dalawang ito? Pag-untugin ko kaya sila? Mga letchugas. "Sumagot ka! Si Adolfo ba? Si Adolfo ba ang ama niyang dinadala mo?!" What the hell... "O si Pedring? Sino sakanila?" King ina ulit. Okay na kanina pagpasok ko ng bahay, eh. Mga shining shimmering tight abs ang bumungad sa akin, pero anong turnilyo na naman ba ang nawala sa mga utak nila at ganito sila ngayon? May nag-play ng background music at biglang sumulpot si Psalm sa harapan ko. May hawak siyang mikropono. "Sinooo ang tunaay na amaa ng dinadalaaa ni Auriiing. Si Adolfo baa o siii Pedriiing~" sabi nito sa mababa at medyo gasgas na boses. Imitating Gus Abelgas. I slapped my forehead and dragged it down to my face. I breathe in and breathe out, counting from 1-10 then backward. "Aaand cuuuut!" sigaw ni Genesis sa gilid na may hawak pang clapping board. He's topless yet wearing a scarf and sunglasses. Parang tanga. "Commercial!" At hindi pa natapos, sumulpot sa harap ko si Isaiah at Psalm na may dalang buko. "Bagong biyak na buko ang sarap nito nestfruta buko why not (TOK! TOK!) coconut! Bukong masarap made with real fruit juice nestfruta buko why not (TOK TOK) Coconut bukong masustansya rich in vitamin C nesfruta buko why not (TOK TOK)coconut! No artificial color real na real kitang real na lasang real na buko nestfruta real na real na real ito. Also available in mangosteen!" Tangina. Ginaya nila 'yung sa commercial. Isaiah as the little girl and Psalm as the father. Napanganga nalang ako habang salit-salitan silang pumwesto sa harap ko. These men will be the death of me. That's for sure. Matapos mag-perform ang dalawa ay sumunod naman si Genesis at Peter. Tumayo sila sa harap ko pero nakatalikod si Genesis kay Peter na may hawak na papel. Nakasubaybay lang ako sa gagawin nila hanggang sa tapikin ni Peter si Genesis sa likod. Humarap naman ang gago at, "Huwag mahihiyang magtanong kung may Ritemed ba nito? Kung may Ritemed ba nito~" At swinay-sway pa niya ang katawan. Oh, Lord! Noong nagkasaboy ka ba nang kabaliwan pinuyat mo ang mga ito? Sana noong nagsaboy ka ng pasyensiya ginising mo rin ako! "Ano, Timog. Ayos ba? Hehe" Noah asked with an excited grin. Tinignan ko sila ng masama, halos umusok na ang ilong ko sa pagtitimpi. Imbes na makapagpahinga ako, mas lalo akong napagod at sumakit pa ang ulo! "Lumayas kayo sa harapan ko kung ayaw niyong pagkiskisin ko kayo ng kubeta!" Para silang bula na naglaho sa paningin ko. Napailing nalang ako sa sarili at hinilot ang sintido kong kumikirot. Peste! . . (To be continued...)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD