Chapter 21 : Doom

3290 Words
CHAPTER TWENTY ONE _ "Noah! 'Wag kang maingay baka makita niya tayo!" "Hindi ako maingay. Itong si Psalm kasi ang baho ng bibig." "Tangina mo, Noah! Mas mabaho naman ang bibig ni Peter kesa sa akin." "Nadamay pa ako." Mga tokmol talaga. Nagtatago pa sila eh kitang kita naman ang mga ulo nilang may iba't ibang kulay ng buhok. Para talaga silang mga sisiw. Mga sisiw na kulang sa buwan noong napisa. "Dali na Isaiah! Ikaw ang lumapit kay Timog!" "Bakit ako? Nahihiya ako, eh. Si Genesis nalang makapal ang mukha niyan." "f**k you, Isaiah." Nasa kusina ako at abala sa pagti-timpla ng gatas at ang mga Crane na walang matinong utak ay parang tangang sumisilip sa gilid ng pader. Hindi ko alam kung anong ka-abnoyan na naman ang tumatakbo sa kakarampot nilang utak. Matapos ang 'performace' nila ay para na silang mga stalker na nakasunod lang sa akin. Mabilis kong ininom ang tinimpla ko at nang matapos ay agad na nilagay sa sink ng lababo ang baso at hinugasan. I turned my heel after washing but I bump into something—someone rather. At ang tokmol number three na si Genesis ang nabangga ko. Nilingon at tinignan niya ng masama ang mga kapatid na mabilis kumaripas nang takbo palayo. He muttered something under his breath before looking back at me. I gave him a flat look. "Bakit ka ba paharang-harang sa daanan?" Tumalim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Siya na nga itong paharang-harang ako pa ang masama? Ibang klase. "I'm not. Those fuckers pushed me to you!" rason niya at pinakitaan pa ng middle finger ang mga kapatid niya na sumisilip na naman sa pader. I shook my head, this man is a Saint. Please note the sarcasm. "Tss, tabi nga! Matutulog na ako!" Tinulak ko siya pero nanigas ako nang mahawakan ko ang matigas niyang abs. Naka-topless lang ito kaya tila nagliwanag ang mga palad ko na nasa katawan niya. My face heated like a hot oven and my lips ran dry. Mabilis kong binaba ang kamay na mukhang nadikit na sa katawan niya. Damn this tokmol. Ang yummy ata ng abs ni Genesis—pinilig ko ang ulo ko. Ano ba itong iniisip ko? This is virus! "T-t-tabi ka kasi." My tongue convulsed. Tumabi ito kaya kumaripas ako nang takbo paakyat sa kwarto ko. Pagkasaran ko ng pinto ay agad kong sinapo ang mainit na mukha. f**k, Southern! Lumilihis iyang utak mo! Kinalma ko muna ang sarili bago nagbihis ng pantulog at nahiga sa kama, pero ang utak ko ay naglalakbay pa rin sa abs ni Genesis. That shinning shimmering tight abs is a crime. It's illegal. Nakatulog ako na abs ni Genesis ang huling natatandaan. Kinabukasan ay nagising ako dahil nakaramdam ako nang panga-ngawit sa braso ko. Glancing at my side, I came face to face with a sleeping Isaiah. Madalas siyang nakikitulog dito nitong mga nakaraang araw. Hinahayaan ko na lang siya, as long as he won't do something funny. Nag-ayos ako ng sarili, nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto. Pagkarating ko sa kusina ay nadatnan ko ang taga-luto namin na nagluluto ng agahan. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nito. She swings her head around and eyes me from head to toe. She's a stout middle-aged woman in her pink apron and ponytail. "Ikaw ba ang taga-luto namin?" I inquired. Obvious na ang sagot pero tinanong ko pa rin, naninigurado lang. Binalik niya ang tingin sa niluluto. "Hindi, ako 'yung labandera niyo," pilosopong sagot nito. Tumaas ang isang kilay ko. Aba, may attitude ang isang 'to. Hindi ko pinansin ang sagot niya at humugot ng isang upuan at naupo. I watched her multi-layered ass as she cooks, bouncing. "Anong pangalan mo?" "Luzviminda. Sexy for short." I grimace and study her back. I could compare her to a caterpillar. Siksik na siksik siya tapos Sexy? Iba 'din. "Sexy ka na pala sa lagay na 'yan?" "Oo, 'wag ka nang umangal" aniya bago naglapag ng kape sa harap ko. "Oh." Irap niya sa akin. Iyong totoo? Sino ba ang amo dito? Siya o ako? "Iinomin ko 'to?" tanong ko at tinuro ang kapeng nilapag niya. Tinignan niya ako na parang nawawala ang isang mata ko. "Nasa-sayo kung ngu-nguyain mo." Letche! Inirapan ko siya pero ang walangya, inirapan din ako. Inilapag niya sa harap ko ang niluto niyang pagkain at ganoon na lang ang pag-ngiwi ko sa nakita. "Bakit 'yan ang ulam? Wala na bang iba?" "'Yan lang ang laman ng kusina niyo kaya ano sa tingin mo?" Pagtataray niya. Namumuro na sa akin ang matandang 'to ah! "Aalis na ako. Babalik na lang ako bago mag-hapunan," aniya at basta na lang umalis na parang reyna ng bahay. Letcheng 'yun, parang kasalanan ko pa na naging taga-luto siya. Napailing na lang ako at tinignan ang niluto niyang pagkain. Tuyo. Peste talaga. Mukhang wala ng choice kundi ang pag-tiyagaan ang tuyo na 'to. Masarap naman ang ganitong ulam kapag umaga lalo na kapag umuulan. Sakto sa araw na 'to dahil uma-ambon sa labas. Naghahanda ako ng mga plato nang sunod-sunod kong narinig ang yabag ng mga Crane. Gising na ang mga tokmol. "Good morning, Timoooog!" malakas na hiyaw ni Noah. I rolled my eyes heavenwards. Sa tatlong linggo kung kasama ang mga Crane, sanay na ako sa matitinis nilang mga boses sa umaga. Nakakarindi pero nasanay na ang tenga ko. "Gooood morning, South! Anong ulam natin?" excited na tanong ni Psalm. That's his favorite line. Walang araw na pumalya siya sa pagtatanong ng ulam. Nasanay na rin ako. Umupo ako sa pwesto ko at tinignan ang ulam namin. "Fish fillet de El Niño." "Wow! Ang sosyal! Paniguradong masarap 'yan! Ano nga pala 'yun, South?" takang tanong nito habang papalapit sa lamesa. Tinuro ko ang ulam namin. "Tuyo." Nangiwi silang lahat at tila hirap na lumunok. Psh. As expected. "Is that even a food?" maarteng tanong ni Genesis. "It's looked kaderder." Isa pa 'tong Isaiah na ito. Nahawa na sa ka-artehan ni Genesis. "Wala bang chicken nuggets at hotdog?" "Oo nga. Wala ba 'yung mga favorite foods namin?" Favorite foods na tinutukoy nila ay ang chicken nuggets at hotdog. Alam niyo na, pagkain ng mga bata. Hindi na ako magtataka kung magpagawa sila sa akin ng cerelac. "Kung anong nakahain, iyon ang kainin," sabi ko sakanila. Ang aarte kasi parang tuyo lang. Bukas nga ipakain ko sakanila ay talbos ng kamote. Mautusan nga 'yung letcheng taga-luto na 'yun. "I won't eat," matigas na sabi ni Genesis at humalukipkip pa na parang bata. "Edi 'wag! Hindi naman kita pinipilit." Inirapan ko ito kaya tinignan niya ako ng masama. "I don't eat food like that!" "Edi 'wag kang kakain!" "Masarap kaya 'yan, Genesis. Try mo, isawsaw mo sa Mang Thomas," panghihikayat ni Psalm sakanya. Kumuha siya ng isang piraso ng tuyo at hinimay ito saka sinawsaw sa sinabing sawsawan. "Yum! Yum! Yum! Delicioso!" With feelings na sabi pa nito. Buti pa si Psalm. Walang kaartehan sa pagkain. Kahit ano yata ang ihain sa harap niya lalantakan niya. "Delicioso?" nahihiwagahang tanong ni Isaiah. "Delicioso!" Psalm beamed. Naga-alinlangang kumuha si Noah ng tuyo. Sinawsaw nito saka sinubo lahat. Pati ulo, kinain. "Noah, Delicioso?" tanong ni Peter. "Yum! Yum! Yum! Delicioso!" Noah beamed. At iyon na nga ang naging hudyat at nagsikainan na sila. Pwera kay Genesis na nakangiwing pinapanood ang mga kapatid. Nakahalukipkip pa rin ito at may pag-alinlangan kung kakain na ba siya o ano. Tumingin siya sa akin kaya agad kong tinaasan ng kilay. "You Witch," he mumbled then eat with a sour face. Napailing ako. Ang daming arte kakain din naman pala. Tss. "Anong oras ang pasok niyo?" tanong ko habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Lunes na ngayon at may isang linggo na mula nang pasukan. Ibig sabihin lang din ay tapos na ang one week na ka-artehan ng mga Crane. Papasok na sila ngayon sa school. And to be honest, excited akong makita silang mag-aral. "We don't know," si Noah ang sumagot habang ngumu-nguya. "Paanong hindi niyo alam?" Kibit-balikat lang ang sinagot nito sa akin. "Papasok kami sa kahit anong oras namin gusto, South," sabi ni Psalm habang sinusubo ang tinik. Nagsalubong ang kilay ko. Wow lang, ha. Papasok sila sa kahit anong oras nila gusto? Malakas ba ang kapit nila sa school kaya nagagawa nila kung ano man ang gusto nila? "Oh, edi, anong oras niyo gustong pumasok?" "Sasabay kami sa'yo." Tinaasan ko sila ng kilay. Mukhang nagkalimutan na ata. "And why is that? Ayoko nga kayong makasama tapos sasabay pa kayo sa akin. Remember the deal?" It's a big no! Hirap na hirap na nga akong umiwas sa atensyon dadagdag pa ang mga ito sa problema ko. Baka hindi lang 'yung Vannah na 'yun ang sasampal na sa akin. Lahat na ng mga babae sa Abs University. "Ayaw mo kaming ipalapit sa'yo sa school, pero 'yung gagong Gab na 'yun pinapayagan mo?" Noah said with an underlying accusation in his voice. Nagulat ako dahil iba ang tono na ginamit niya sa akin. He always spoke with cheerfulness but now, he sounded like a dangerous Alpha from a pack. So harsh. "H-hindi ko siya pinapalapit sa akin. Siya 'yung kusang lumalapit hindi ako!" nauutal kong depensa. Hindi ko naman talaga gusto na nilalapitan ako ni CB. Kasalanan ko ba na may gusto siya sa akin? Teka nga! Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sakanila? "Do you like him?" Tiim bagang na tanong ni Genesis. Pinangunutan ako ng noo. What the hell? Ako magkakagusto kay CB? Yes, he's attractive and charming. His forest green eyes are beguiling but that doesn't mean I like him romantically. Well, I admit that I admire his looks and personality. Hindi naman siguro masama na magka-crush ako. Hindi lang naman siya ang crush ko, eh. Marami pa. "I do---" *blaaaaag* I jolted on my seat when Genesis slapped the dining table with his hands. Sa lakas nito ay natapon ang pitcher ng juice sa sahig. A deafening silence reigned at the dining table, tension build, and everyone was frozen in their seats. Maliban sa akin na nagugulahan pa rin sa kakaibang inaasal ni Genesis. What's wrong with him? Bigla-bigla nalang nanghahampas ng lamesa. "I lost my appetite," malamig nitong anunsiyo bago umalis ng kusina. Nakangangang sinundan ko ito nang tingin hanggang umakyat ito sa hagdanan. Ilang sandali lang ay bumuga ako ng hangin, nakalimutan ko nang huminga sa nangyari. Sa lahat ng Crane, si Genesis ang hindi ko kayang intindihin. "Peter, 'yung prutas 'wag mong kakalimutang bilhin mamaya," basag ni Psalm sa katahimikan. Binalik ko ang tingin sakanila. Ano namang gagawin nila sa prutas eh may prutas naman dito sa bahay. "Sure. I think orange and apples will do. Base on my research, mabilis daw nakakatulong sa recovery sa Hospital ang mga 'yun," makahulugang sabi ni Peter. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. Who's in the Hospital? "Sana 'wag naman ma-comatose ngayon ang kawawang magiging biktima ni Master. Lagot tayo kay Dada kapag nalaman niya," gatong din ni Noah na mas nagpagulo sa akin. What the heck are they talking about? "Based on my observation, malabong hindi lang comatose ang aabutin ng biktima. Baka mag 50-50 pa ang buhay nito," sabi ni Isaiah habang sinusubo ang ulo ng isda. Wala akong maintindihan! "Anong pinagusapan niyo?" singit ko. Ngumiti silang apat sa akin. Ngiting nakakakilabot. "Wala naman, South. Masarap ang tuyo, kain na tayo?" alok ni Psalm matapos i-toast ang ulam sa ere. Ha? Is this their Monday weirdness? Pumasok ako sa school na gulong-gulo ang utak ko. My thoughts are occupied by the sudden rude attitude of Genesis. Idamay mo pa ang hindi ko maintindihang usapan kanina ng mga Crane sa hapag-kainan. Ewan ko lang pero parang may hindi sila sina-sabi sa akin. Hindi ko sila maintindihan ngayon—well, hindi ko naman talaga sila nai-intindihan dahil madalas na paiba-iba ang takbo ng mga utak nila. Pero kakaiba ang nangyari ngayon. Something is wrong, I could feel it in my bones. I shook my head and shove the Crane from my head. Mamaya ko na sila iisipin. Tahimik akong naglalakad sa school corridor—masasabi kong tahimik dahil walang nang-gugulo sa akin. May mga nakatingin lang pero wala naman silang ginagawang masama. Pero 'yun ang akala ko. Biglang may nadapa sa harapan ko at tumilapon lahat ng libro niya sa paligid. Nakita ko rin na tumalsik sa sahig ang salamin niya sa mata at nabasag ito. "Serves you right, ugly nerd! Bagay ka diyan sa sahig dahil mukha kang basahan!" sigaw ng isang blonde na babae sa nerd na nakadapa. Sa taas palang ng kilay nito, mahahalata mo na agad ang kasamaan ng ugali niya. "Pakalat-kalat kasi! Alam na ngang basura siya hindi pa tumabi!" gatong ng isang kasama ng babae. Umalingawngaw ang tawanan sa buong pasilyo. Pinagkaisahan ang kawawang biktima. Wala man lang nagtangkang tumulong o magpakita ng awa. These kinds of people were heartless. It's bullshit. The woman on the floor crawls to reach her broken glass. Nanginginig ang kamay niya at walang direksyon ang kinakapa. Nang mag-angat ito ng ulo ay pinangunutan ako agad ng noo nang mapag-sino ito. Swiss Santiago. She squinted her eyes at me like she's having a hard time recognizing me. "Hahahaha! Bulag!" "Pulubi!" "Boo!" I clenched my jaw, teeth grinding as I glare at the stupid people who mocked her. Ganoon na nga ang tao pinagtatawanan pa. Mga wala talagang puso. "Tss. Clumsy kasi," bulong ko bago lumapit kay Nerd na hirap na hirap na inaabot ang salamin niya. I sighed, watching her fingertips almost reaching her broken eyeglasses. Napailing ako bago tinapakan ang basag niyang salamin bago pa niya ito mahawakan. Her thick eyeglasses cracked and turned into pieces. Ang mga estudyanteng nagtatawanan ay biglang natahimik at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. Pero wala akong pinagtuunan ng pansin maski isa sakanila. Bumaling ako kay Swiss na nakadapang nakatingala sa akin. Her eyes were bright with unshed tears and not long enough, tears streamed down her cheeks. "M-my e-eye gla-glasses.." Clumsy na nga, iyakin pa. Ganito ba talaga ang mga nerd sa kwento? Nakakasawa. "Get up," I ordered firmly. Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha nito kaya umiwas ako nang tingin. When was the last time I saw people crying in front of me? Wala akong matandaan. "S-south...i-ik-ikaw ba 'yan?" "Get up or do you want me to drag you out of here?" "B-but my glasses..." "Importante pa ba 'yun kesa sa makatayo ka diyan?" I retorted, glaring down at her. "M-my glasses... I-ikaw ba ang sumira nito?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Mas uunahin pa ba niyang makipag-daldalan sa akin kesa sa tumayo? This woman is wasting my time. Bumuntong-hininga ako saka siya hinawakan sa braso at sapilitang tinayo. Hindi ko pinansin ang mga daing niya. Kung nakinig siya kaagad edi sana hindi ko ito ginagawa. Gusto lang ata niyang magpahila kaya pag-bigyan natin. "South!" hiyaw niya nang hilain ko siya paalis. I could feel everyone's scrutinizing eyes on me and glares for this nerd. Wala akong pinansin at patuloy na hinila ang babaeng ito. "My glasses!" she cried. Napaikot nalang ako ng mga mata. "Ano bang meron sa salamin mo?" sikmat ko. "I-It's the only thing I treasured the most. Mahal 'yun, South a-and we can't afford to buy a new one again. Hindi na kakayanin ng pamilya ko na bilhan ako nun. And my eyes, I can't see without it!" Hinila ko siya sa garden at inupo sa bench. Kaming dalawa lang ang tao dito. Tumayo ako sa harapan niya at humalukipkip habang pinapanood siyang umiyak nang umiyak. Tinakip pa niya ang mga palad sa mukha saka humikbi. "P-paano ko sasabihin sa pamilya ko na wala na 'yung salamin ko?" She's so dramatic. Sighing, I offered my hand at her. Nakakakita pa naman siya, sadyang malabo lang talaga ang mga mata nito. Inaaninag nito ang kamay ko, halatang nagtataka kong anong meron doon. "Hold my hand. Aalis tayo," sabi ko. "Saan tayo pupunta?" "Let's buy you new eyeglasses." Bumilog ang luhaang mga mata niya pero ilang sandali lang ay dahan-dahan itong umiling. Tumaas ang isang kilay ko. H'wag niyang sabihin na ayaw niya? Ibibili ko na nga mag-iinarte pa? "I-I don't have the money, South. Bente nga lang ang baon ko!" At nagsimula na naman siyang humagulgol. Damn, now I have to take care of a crybaby. "Kaya nga tara na. Keep your bente pesos. Ibibili kita ng bagong salamin. Gusto mo 'yung may airplane mode pa para hindi mahulog?" Humaba ang nguso niya. Bakit ba ang hilig ng mga tao ang ngumuso? Akala nila bagay sakanila. "P-pero..." "Wala ng pero-pero! Tara na bago pa ako tamarin!" Hindi ko na siya hinayaang maka-angal pa dahil hinila ko na siya paalis at pumunta kami ng Mall. Diretso kami agad sa eye clinic at pinasukatan ko siya agad ng salamin. Binilhan ko rin ng contact lens. Tinanggihan niya ito pero pinagbantaan ko itong babasagin ulit ang salamin niya kapag hindi pa niya tinanggap. Habang hinihintay namin matapos ang bago niyang salamin ay kwinentuhan ako ni Nerd tungkol sa pamilya niya. Nakinig lang ako at doon napagtanto kung gaano talaga sila kahirap. Ayon sakanya, tatlo silang magkakapatid at siya ang bread winner ng pamilya nila. "Alam mo, South. Malaking pasasalamat ko talaga sa binigay na scholarship ng Presidente sa akin. Kung wala iyon, siguradong hindi ako makakapag-aral ngayon. Kahit public school kasi ay hindi kakayanin ng pamilya ko na ipasok ako doon," pagkwe-kwento ni Swiss. Tumango-tango lang ako at hindi nagsalita. "Ang bait ng Presidente, ano? Sa limang studyante na binigyan niya ng full scholarship, isa ako sa napili niya. Sa dinami-dami ng ibang estudyante, ako ang pinalad. Ang swerte ko talaga kaya habang buhay kong pasasalamat ang Pangulo dahil sa kabaitan niya." Mabait? Tss. Hindi ko nalang siya kinontra at sumang-ayon na lang sa mga sinasabi niya. Ilang sandali lang din ay nakuha na namin ang bagong salamin ni Swiss at ang nerd, umiyak sa tuwa. "Thank you talaga, South!" Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. I cleared my throat and pushed her a little. I am not comfortable with this. "Tara, nagugutom na ako," sabi ko at nauna nang pumasok sa isang fast food restaurant. Hindi ko tinago ang ngiti nang makatalikod ako rito. Ewan ko ba, magaan talaga ang loob ko sa lampang iyakin na nerd na ito. Kumain kami at syempre, ako ang nag-libre. Saan naman makakarating ang bente niya? Todo pasalamat ulit ito sa akin na may kasamang iyak pa. Tss. Kung ano-ano rin ang pinupuri sa akin. "Ang bait mo talaga, South! Hulog ka ng langit!" She exclaimed as we departed from the fast food restaurant. I tsked at her compliment. Ako mabait at hulog ng langit? This girl should know one thing about me. "I didn't come from heaven. I came from hell," sabi ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko. "Huh?" Huminto ako sa paglalakad at humarap sakanya nang may blankong tingin. "Lucifer kicked me out cause he can't handle me pretty well." Iniwan ko siyang nakanganga. Diretso lang akong naglakad patungong escalator na pababa hanggang sa ground floor. "South! Hintayin mo ako!" sigaw nito at mabilis akong hinabol. Nasa kalagitnaan na ako nang pagbaba ng escalator nang may biglang mahagip ang paningin ko sa dulo nang kinalulunan ko, nakatayo. She was wearing a short red dress and searching for something in her handbag. Hindi ko alam pero kinutuban ako agad. This feels not right. Nang mag-angat siya nang tingin at bumaling sa direksyon ko, nagsalubong ang mga mata namin. I felt like my soul flew away from my body. Pinanlamigan ako ng katawan at pakiramdam ko, huminto ang t***k ng puso ko. Hanggang sa unti-unting gumuhit ang nakakalokong ngisi sa mga labi niya. "North..." Shit! . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD