CHAPTER TWENTY-TWO _ Shit! What the hell is she doing here? Sa dami ng lugar sa Pilipinas, bakit dito pa? Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang mas lumapad pa ang ngisi niya. Malapit na kaming magkaabot kaya mabilis pa sa alas kwatrong tinalon ko ang kabilang escalator na umaandar pataas. Suminghap ang ilang nakakita sa ginawa ko, lalo na si Swiss na nakasunod sa akin. I glanced back to see North who looked surprised but she was quick to recover and followed me. Mabilis kong inakyat ang escalator habang humihingi nang paumanhin sa mga nababangga ko. "South!" Lumingon ako at nakita si Swiss na mabilis na sumusunod sa akin. Sa hindi kalayuan sa likod nito ay si North na humahabol. Tumalim ang tingin ko sakanya habang binabangga ang bawat taong madadaanan niya. "Sis!" she

