"WHERE IS GRACIA? Please, tell me where is she. I need to see her." biglang lumamlam ang hitsura ni Octavio habang kausap si Jen. Mababakas sa mukha nito ang labis na lungkot dahil sa iilang araw ng hindi nakikita ang kaniyang iniirog. "N-nasa Laguna po si Gracia sir. Pasensya na po kayo kung hindi ko po agad sinabi sa inyo." anito pagkuwa'y nag baba ng kaniyang paningin. "Sinunod ko lang po kasi ang pakiusap ni Gracia sa 'kin. Pero huwag po kayong mag alala, okay naman po siya. Kaya lang naman po ako pumunta rito at para makausap kayo iyon po ay dahil naaawa rin po ako sa kalagayan ninyo." pagpapaliwanag pa nito sa binata. Mabilis na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Octavio. "Then tell me where she is. Pupuntahan ko siya. I need to see her, Jen. I need to talk to her, kung

