"WHY did you do that?" seryosong tanong ni Octavio sa matandang kaharap nito sa upuan. Blanko at walang emosyon ang makikita sa hitsura nito. "Like what I have said, I just want to make sure na sa tamang babae ka mapupunta, Octavio. I can't bear to see you suffering again because you fell in love with the wrong woman. Tapos na akong masaktan seeing my son miserable dahil sa maling pag-ibig niya." pagpapaliwanag ng Don Demetrio kay Octavio. "Kung nagsinungaling man ako sa 'yo pati kay Gracia, I'm really sorry! I'm just doing my job, Octavio." anito pagkuwa'y nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ilang saglit muna itong nanahimik bago muling nagsalita. "Noong nabubuhay pa ang mama ninyo, ibinilin niya sa 'kin na huwag ko kayong pababayaan. Lahat gawin ko raw para sa inyong magkakapatid

