TAHIMIK at malalim pa rin ang iniisip ni Gracia habang nakaupo ito sa isang bench na nasa lobby ng building ng mga Ildefonso. Pagkatapos nilang mag usap ni Jen kaninang umaga, hanggang ngayon ay hindi na matahimik ang kaniyang isipan sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. Laman pa rin ng kaniyang isipan ang mga nangyari sa kanila ni Octavio. "Hi! How are you?" Kagyat pang napahawak sa tapat ng kaniyang dibdib si Gracia dahil sa gulat nang biglang may umupo sa tabi niya. "Grabe ka naman mang gulat diyan!" anito. "I'm sorry. Akala ko kasi napasin mo ang pagdating ko." nakangiti pang saad ni Diego sa dalaga. "How are you? Mukhang malalim ata ang iniisip mo?" muling tanong nito. "By the way happy birthday. Nabanggit sa 'kin ni sir Demetrio na birthday mo raw kahapon." "S-salamat." tipid

