NAALIMPUNGATAN si Gracia nang tumama sa kaniyang mukha ang sinag ng araw na nagmumula sa may bintana ng kubo. Napapikit pa ito ng mariin bago dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata. Nagtataka pa itong inilibot ang paningin sa buong paligid. "Huh? Nasaan ako?" tanong nito sa sarili. Akma na sana itong kikilos upang bumangon nang bigla itong mapadaing. Tila may kung ano'ng masakit at kumikirot sa pagitan ng mga hita niya. Gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang mapagtanto niyang hubo't hubad siya habang nasa ilalim nang makapal na kumot. "A-a-ano'ng nangyari?" nagugulahan pang tanong nitong muli sa sarili. "C-chico..." anito nang maalala ang mga nangyari sa kanila ng binata sa nag daang gabi. Mabilis pa sa alas kuwatrong hinanap ng kaniyang paningin ang binata. Wala ito sa

