SAGLIT na naglakad si Gracia palapit sa maliit na bintana ng bahay-kubo upang silipin ang paligid maging ang nag aagaw na liwanag at dilim sa kalangitan. Bandang alas dos pa lang naman ng hapon pero parang mag gagabi na dahil sa makulimlim na langit. Mukhang uulan pa ata. "Chico..." tawag niya sa binata na ngayo'y nakahiga sa kawayan na sahig. Nakaunan ang ulo nito sa sariling braso habang nakatakip naman ang isang braso sa kaniyang mukha. "Mmm!" tugon nito na hindi manlang nag abalang mag mulat ng mata upang tingnan ang dalaga. "Hindi pa ba tayo uuwi? Mukhang uulan ata e! Baka hindi kaagad tayo makauwi sa mansion kung maabutan tayo ng malakas na ulan dito." aniya. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang binata bago ito nag mulat ng mga mata at tiningnan ang dalaga na nasa bandang

