"HAPPY BIRTHDAY!" Muling saad ni Octavio sa dalaga na ngayo'y nakatulala pa rin sa harapan niya. "Are you okay?" tanong pa nito mayamaya. "H-huh? A—" kanda utal at hindi malaman kung ano ang isasagot ni Gracia sa binata. Pakiramdam niya niyayanig pa rin ang buong katawan niya dahil sa kilig na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Diyos na mahabagin! Bakit ba kasi padalos-dalos itong si Octavio? Hindi niya alam kung gaanong ligaya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Mababaliw ata ako. Baby? Tinawag niya akong baby kanina. Hindi ako maaaring mag kamali ng dinig. Muli na namang sumilay ang malapad at matamis na ngiti sa mga labi ng dalaga. "Maraming salamat ulit O-octavio." aniya. Isang ngiti naman ang pinakawalan ng binata bilang tugon sa kaniya. "Marunong ka palang ngumiti."

