"GRACIA?" kunot ang noo na sambit ni Esrael nang makita niya ang dalaga mula sa labas ng kaniyang bahay. Nakatayo ito sa gilid ng kaniyang sasakyan habang nakatulalang nakatitig sa kawalan. Nagmamadaling inilapag ng binata ang tasa ng kape na bitbit niya pagkuwa'y tinungo ang pintuan at lumabas doon. Tama nga siya! Si Gracia nga ang nakikita niya. Ang akala niya kanina nag iilusyon lamang siya. "Gracia?" tawag nito sa dalaga upang agawin ang atensyon nito. Nanlalaki naman ang mga mata ni Gracia na napatitig sa lalakeng nag lalakad palapit sa kaniya. "S-sir Esrael?" aniya at nag simula na ring humakbang. "Sir? Ba't po kayo nandito? Ano po ang ginagawa ninyo rito? Ang akala ko nando'n kayo sa Barcelona kasama ni sir Judas?" takang tanong nito. "You? What are you doing here?" sa halip ay ba

