ONE WEEK LATER "GRACIA, OKAY KA LANG BA TALAGA?" untag na tanong ni Meme, ang panganay na kapatid ng dalaga. Tahimik lamang na nakatayo sa gilid ng may bintana si Gracia nang pumasok sa kaniyang silid ang kaniyang ate. Mabilis na pinunasan ng dalaga ang butil ng kaniyang luha na namalisbis sa kaniyang pisngi. "Umiiyak ka na naman ba?" muling tanong nito nang makalapit na ng tuluyan sa tabi ng kapatid. "H-hindi. Okay lang ako ate." "Gracia, kapatid mo ako! Kilala kita! Hindi mo kailangan na mag lihim at magsinungaling sa 'kin. Tal vez pueda ayudarte. Sabihin mo lang kung ano ang problema mo." Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Gracia pagkuwa'y binalingan ng tingin ang kapatid. "Ate—" aniya at naglakad palapit sa kaniyang higaan. "¿Qué es eso?" "Gano'n ba talaga 'y

