NAALIMPUNGATAN si Gracia nang marinig niya ang tunog ng kaniyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Inaantok ma'y kinapa niya iyon upang tingnan kung sino ang isturbo sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog. Congrats to your wedding. Mensahe ni Esrael sa kaniya. Matapos basahin ang text message ng binata, muling pinatay ni Gracia ang kaniyang cellphone at tinapunan ng tingin ang wall clock na nakasabit sa pader. Mag aalas dose pa lang pala ng hating gabi. May isang oras pa lang mula no'ng makatulog siya. Ang buong akala ni Gracia ay mag uumaga na. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina habang nag iisip ng kung anu-ano. Mayamaya ay napabaling ito sa kaniyang tabi. Kunot noo itong napatitig sa kabilang bahagi ng king size bed na hindi manlang nagusot ang kubr

