GULAT at natigilan si Judas nang pagkabukas nito sa pinto ng bahay ni Esrael ay nadatnan niya roon ang kapatid na si Octavio. Nakaupo ito sa sofa habang nakatitig sa kawalan. May hawak na bote ng alak ang kaliwang kamay nito habang may nakasuksok na sigarilyo sa pagitan ng mga daliri nito sa kanang kamay. Kunot ang noo na nag patuloy ito sa pag pasok sa pinto at hinubad ang suot na leather jacket. Isinabit niya iyon sa likod ng pintuan bago naglakad palapit sa puwesto ng kapatid. "Hey! What are you doing here?" untag na tanong nito pagkuwa'y umupo sa kaibayong upuan. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Octavio bago nito muling dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang bote ng alak. Humithit din ito sa kaniyang sigarilyo at pinakawalan ang usok. Napapangiwi na lamang na napaubo si J

