"ARE YOU NOT HAPPY?" untag na tanong ni Uran kay Gracia nang lapitan niya ito sa balkunahe nang hotel na pinagdausan ng kanilang reception. Tahimik lamang na nakatayo roon si Gracia habang nakatanaw sa kawalan at malalim ang iniisip. Hindi niya manlang namalayan ang pagdating ng lalake sa kaniyang tabi. Saglit itong nag baling ng tingin sa gawi ni Uran bago muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Dapat ba akong maging masaya?" sa halip ay balik na tanong nito. "Of course! This is our big day." anang Uran na ipinatong pa ang dalawang kamay sa hamba ng balkunahe. Ngumiti ito kay Gracia bago itinapon ang paningin sa malayo. "Araw ng kasal natin ngayon kaya dapat lang na maging masaya ka. Or maybe, you have a problem kaya nagkakaganiyan ka." anito. Nanatiling tahimik lamang si Gr

