"GOOD MORNING to my lovely babywife." nakangiting bungad ni Octavio kay Gracia nang pumasok ito sa pinto ng kaniyang kuwarto. Bitbit ang tray na nag lalaman ng pagkaing kinuha niya sa kusina para sa kaniyang asawa. Inaantok naman na nag iinat si Gracia bago ito umupo at sumandal sa headboard ng kama. "Morning mi Chico." namamaos pa ang boses nito pagkuwa'y kaagad na gumuhit ang matamis at malapad na ngiti sa mga labi. Inilapag ni Octavio sa side table ang dalang tray pagkuwa'y sumampa ito sa kama at nilapitan ang asawa. Kaagad niya itong hinagkan sa noo maging ang tiyan nito. "How's your sleep babywife?" tanong nito. "Okay naman." anang Gracia at mabilis na ipinulupot sa leeg ni Octavio ang mga braso. "Kumportable ako. Ang sarap nga ng tulog ko e, kasi katabi kita." aniya. Kagaya nang p

