"GRACIA, are you sure na buo na ang desisyon mo?" malungkot na tanong ni Esrael kay Gracia habang nakasunod siya ritong naglalakad palabas ng Rest House na pag-aari mismo ni Octavio. "Hindi na ba mag babago ang isip mo? I mean, hindi ka na ba mapipigilan?" Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Gracia bago tumigil sa paglalakad at hinarap ang binata. "Mahal ko ang kapatid mo sir Esrael. Hindi ko ikakaila 'yon. Pero—" "Pero ano?" tanong nito pagkuwa'y inilapag sa semento ang bag na dala-dala nito. Laman niyon ang kaunting gamit ni Gracia. "Pero ayoko ng masaktan. Ayokong patuloy akong masaktan dahil sa kaniya." puno ng lungkot na saad nito. "But how about my brother?" anito. "Octavio loves you very much, Gracia. Kung alam mo lang kung gaano siya nasaktan at nalungkot nang

