"AKO PO PALA SI MIGUEL señorita Gracia. Nagkita na po tayo noon sa Madrid. Ako po ang tauhan ni señorito Esrael na inutusan niya para makuha ko po ang kopya nang mga papeles mo at ako rin po 'yong lalakeng kasama ni señorito Octavio noon para po hanapin kayo. Kung naaalala n'yo po noong hinahabol ka nang mga lalakeng gustong kumuha sa 'yo." anang lalake nang makalapit ito sa dalaga upang ilahad ang kamay at mag pakilala. "Miguel po señorita. Nandito po ako kasama itong tatlong kasamahan ko dahil na rin po sa utos ng señorito Esrael. Kami raw po ang magiging body guards ninyo habang hindi pa po naaayos ang problema ninyo sa Madrid." Nalilito man at naguguluhan dahil sa mga tinuran nitong lalake na nagpakilala sa kaniyang Miguel ay wala sa sariling tinanggap ni Gracia ang palad nito at naki

