"HOY! Kanina ka pa nakatulala riyan! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" kunot ang noo na tanong ni Jen kay Gracia habang nakapamaywang itong nakatayo sa harap ng dalaga. "Kanina pa kita kinakausap hindi ka naman kumikibo. Ayos ka lang ba talaga?" dagdag pa nitong tanong. "H-huh? A, o-oo! Oo okay lang ako." nauutal pang sagot ni Gracia nang mag baling ito ng tingin sa kaibigan. Mabilis din itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga pagkuwa'y isinandal ang likod sa upuan. "Sigurado ka? Baka naman kaya tahimik ka diyan kasi pinagalitan ka na naman ni sir sungit. Iyon ba 'yon?" tanong pa nito pagkuwa'y hinila ang isang plastik na upuan at doon ay pumuwesto. "H-hindi. Hindi naman ako pinagalitan ni Chico kanina." aniya at nag iwas ng paningin dito. Ayaw niyang sabihin sa kaibigan ang ginawan

