CHAPTER 35

2311 Words

"HOY! ANO, kanina pa humahaba 'yang leeg mo kakasilip diyan a! Sino ba ang tinatanaw mo diyan?" untag na tanong ni Jen kay Gracia nang maabutan niya itong nagkukubli sa gilid ng sala at panay ang tanaw sa itaas ng hagdan. "A, w-wala." anang Gracia pagkuwa'y inabala ang sarili sa kunwaring pagpupunas sa dingding at mga babasaging display na naroon. Mabilis na nag salubong ang mga kilay ni Jen dahil sa tinuran ng dalaga. Nakapamaywang itong sumandal sa dingding. "Alam mo, napaghahalataan na talaga kita. Aminin mo nga sa 'kin Gracia... kaya ayaw mo pang umalis dito sa mansion. Kaya nagdadalawang-isip kang umalis dito kahit pinayagan ka na ni Don Demetrio iyon ay dahil kay sir Octavio. Tama ako hindi ba?" tanong nito. "Kaya nagdadalawang-isip kang umalis dahil—" "Hindi naman sa gano'n Jen."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD