TAHIMIK lamang na nakaupo si Gracia sa compartment ng sasakyan ni Octavio. Kasabay ng pagpapakawala nito ng malalim na buntong-hininga ay napatingala ito sa malawak na kalangitan na parang sinabuyan ng milyon-milyong diyamante sa sobrang pag kinang ng mga maliliit na bituin. Mayamaya'y napayakap na rin ito sa sarili dahil sa malamig na simoy ng hanging dumadampi sa kaniyang katawan. Muling napangiti ang dalaga habang nakapikit ito. Paano, mag mula pa kanina'y hindi na mawala-wala sa kaniyang isipan ang mga katagang binitawan ni Octavio kay Mayumi. Tila isa iyong musika na naging paborito na niyang pakinggan. Kay sarap sa kaniyang pandinig. 'May iba na akong gusto—it's Gracia.' paulit-ulit sa kaniyang balintataw. "Are you cold?" Biglang napadilat si Gracia nang marinig ang boses ng binat

