"YOU already like her huh!" untag na saad ni Don Demetrio sa kaniyang anak na si Octavio nang mahuli niya itong nakatitig sa dalaga habang nasa harden ito at abalang nag didilig ng halaman. Nakatayo si Octavio sa gilid ng veranda habang may hawak-hawak itong tasa ng kape. Nakapamulsa ang isang kamay. Halatang malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa dalaga dahil hindi manlang nito napansin ang pagdating ng kaniyang ama sa tabi niya. Mayamaya'y saglit na nag baling ito ng tingin sa matanda. "Tell me son." "I don't like her old man." malamig na turan nito pagkuwa'y muling dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang tasa at sumimsim ito roon. Natawa naman ng pagak ang matanda bago tinapunan ng tingin si Gracia. "Hindi mo kailangan na sabihin sa 'kin kung ayaw mong magtapat sa totoo mong nara

