bc

Truth or Dare

book_age16+
253
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
drama
humorous
campus
highschool
enimies to lovers
first love
friendship
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

BOOK 1 (Truth or Dare series)

"Love is like spinning the bottle."

No one knows where the bottle will stop and point. No one knows who will be next to play. The game is very simple. Choose between the two choices. Truth or Dare?

Choose Truth? Tell nothing but the truth. And don't ever lie. Because it has consequences. Choose Dare? Face the challenges. Conquer the dare bravely. Even though we know sometimes the dare may embarrass us.

In Truth or Dare. There are two rules.

Don't Lie. Do the challenge.

Love is like playing TRUTH OR DARE. There will be always a choice and freedom to decide. Just don't lie and do the challenges along the way.

Would you rather choose Truth in order to save yourself from embarrassment? Or choose Dare in order to avoid revelation?

chap-preview
Free preview
1: Beginning
Louise's POV Nang marinig kong tumunog ang alarm clock ko ay nakapikit pa akong kinapa ito sa may sidetable ko at pinatay. Tapos bumangon na ako at nag-inat sabay hikab. Dumilat ako at hinanap ang slippers ko. Sinuot ko iyon at nagmartsa na papasok ng banyo. Tinawag ko ang maid namin at pinahanda ang bathtub ko. Tapos nung sinabi niyang handa na, pumunta na ako sa CR ko at nagbabad sa bathtub. At dahil medyo inaantok pa ako, nagpasya muna akong umidlip saglit. Haays, kapuyat kasi yung pinanuod kong movie kagabi. Tinapos ko kasi yung buong series ng Twilight. Hihi. Gwapo ni Edward eh. _ Bigla akong nagising sa mahimbing na pagtulog nang marinig ko ang boses ng maid namin na kumakatok sa pinto ng CR. "Mam Louise?! Mam Louise? Ayos lang po ba kayo diyan? Mam Louise! Ano na pong nangyari sa inyo?! Mam Louise!" tawag sa akin ng maid habang kinakatok ang pinto ng banyo. Tss. OA niya huh? Nakatulog lang naman ako dito sa bathtub akala mo naman kung makasigaw eh patay na ako. "I'm still alive! Stop yelling!" sigaw ko. Bwisit naistorbo tulog ko. "Sorry po Mam Louise. Malelate na po kasi kayo sa school. 7am na po. Nagagalit na po si Sir." "Yaah. Whatev--Whaaat?!" agad akong umahon sa bathtub at sinuot ang bathrobe ko. Napahampas na lang ako sa ulo ko. I forgot that I have school to attend nga pala. Tsk. Pagkalabas ko ng CR ay nakita ko sa harapan ko ang maid. "Bakit hindi mo naman sinabi agad sa akin?!" sabi ko. "Sorry po Mam Louise. Kanina ko pa nga po kayo kinakatok sa banyo hindi naman po kayo sumasagot." napairap na lang ako sa dahilan niya. "Okay. Get out. Magbibihis na ako." sabi ko kaya nga lumabas na siya. Nagmadali naman akong magbihis at mag-ayos. Tapos saka na ako bumaba papuntang garage. Tsk. Wala na akong oras para kumain pa ng breakfast kaya papasok na ako. Bigla kong makasalubong si Dad na mukhang papunta na ng dining area. Nakita ko sa mga mata niya ang disappointment. "Louise, you're late again. I told you to quit staying up late." sermon niya sa akin. And there I told you he's gonna sermon me. Umagang-umaga. "Wala na akong time Dad. Aalis na po ako." sabi ko sabay nilagpasan siya. Kasi for sure mahaba-habang sermon pa iyan kung papakinggan ko siya and I'm gonna be late for good. Dumiretso na lang ako papuntang garage at sumakay sa kotse ko. Inistart ko ang makina at agad pinaharurot ang kotse papuntang school. Yeah, I have my own car. Perks of being rich sis. Nang makarating na ako sa school ay pinarada ko na ang kotse ko sa parking lot. Sakto namang pagkababa ko ng kotse biglang nagring ang cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ni Leen sa screen kaya agad ko itong sinagot. "Hello." [Hello, Louise. Nasaan ka na?] "Nandito pa sa may parking lot. Naglalakad papasok ng building. Bakit?" [Nandito kami sa may playground. Dito sa may elementary department. Pumunta ka dito.] "Huh? Bakit? Nagcucutting kayo? Wow. Leen, himala ah? Nagcucutting ka na pala?" I chuckled. As if naman magcutting itong gaga na ito. Eh running for honors ito. Hahaha! [Tsk. Hindi no! Free time kasi kaya tumambay muna kami nila Maddie dito. So, ano? Pumunta ka ha?] "Tsk! Nagmadali pa akong pumasok. Free time naman pala. Kainis naman oh. O, siya papunta na ako diyan." [Yan kasi di saulo schedule. Hahaha! Okay. See yah!] then she ended the call. Nag-iba naman ako ng direksyon na tinatahak at pumuntang elementary department kung saan matatagpuan ang playground na sinasabi ni Leen. Pagkadating ko sa playground naabutan kong nakaupo sa dalawang swing si Maddie at Leen. Si Maddie may nakasapak na naman na earphones sa tenga. Tapos si Leen nagbabasa na naman ng libro na mukhang isa na naman sa mga novel ni Shakespeare. Idol niya kasi yun. Haha! Saka besides, she likes reading books talaga. Although hindi naman siya yung typical nerd who wears thick glasses. Si Andy naman nakita kong nagpapadulas doon sa may slide habang may hawak na namang chips. Ewan ko ba sa babaing yan. Hindi nauubusan ng stock ng chips. Panay kasi may dalang ganyan yan araw-araw. Saka si Andy kasi carefree. Isip bata gaya nga ng sabi ni Maddie. Pero mabait iyan. May pagka inosente lang. Nang makalapit ako sa kanila napaangat sila ng tingin sa akin. Inalis ni Maddie yung earphones niya sa tenga saka bumaling sa akin. "Hay, sa wakas dumating din. Muntik na akong maniwala sa forever ah?" sarkastiko niyang sabi. Napairap na lang ako. The bitchesera of the group, Maddie. Wala ng iba pa. Always kontra. Dakilang kj. Pero wag ka. True friend iyang baklitang yan. Hahaha! "Ano naman kung late ako? Eh free time naman." sagot ko. "Chut nying shuot mo ah? Wesh shabagay pashunishta ka nya paya." sabi ni Andy habang punong-puno ng chips ang bibig. Napangiwi naman ako kay Andy. "Andy. Wala ka talagang manners. Don't talk if your mouth is full nga!" sabi ko. Napapout naman siya at agad nilunok yung kinakain niya. "Sorry naman. Oh eto oh. Wala ng laman bibig ko! Aaaaahhhh!" sabi niya sabay nganga. Napangiwi ako lalo at iniwas ang tingin sa mukha ng salaula kong kaibigan. "Yeah, yeah right. So, anong gagawin natin dito?" tanong ko sabay baling kila Maddie at Leen. "Tatambay nga di ba? Edi gawin mo lahat ng gusto mong gawin. Kahit magpaka-Sisa ka pa diyan. Pwedeng-pwede!" sarkastikong sabi ni Maddie. Napairap na lang ulit ako saka umupo sa may seesaw. Nilabas ko na lang ang cellphone ko at naglaro na lang ng flappy bird. _ Nang matapos ang free time ay nagpasya na kaming apat na bumalik sa building. Dahil baka hindi pa namin maabutan ang subject. Naglalakad kami sa hallway na apat papuntang room ng biglang makakita si Andy ng piso. At syempre, knowing Andy na isip bata. Pupulutin niya iyan. "Uy! Piso! Lucky charm." nakangiti niyang sabi sabay yumuko at pinulot ito. See? I told you. Kaso hindi namin napansing nakasunod lang sa may likod namin ang grupo nila Claire. Claire is our enemy in this school. Insecure sa kagandahan namin. Hay, nako. Kung naidodonate ang kagandahan willing naman ako magdonate sa kanya eh. Tsk. At dahil busy sa kakachika ang babaing si Claire sa mga chaka niyang friends ay hindi niya napansin si Andy na nasa harap niya. Kaya ang resulta, bumunggo si Claire kay Andy. At iyun parehas silang lumanding sa sahig. Agad naman naming tinayo si Andy. At si Claire naman ay itinayo ng mga chaka niyang alipores. Nagpagpag siya ng sarili niya at tinignan ng masama si Andy. "Ugh! Look what you've done b***h! Nadumihan ang uniform ko! Now, ano na ng gagawin mo huh?!" maarteng sabi ni Claire. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Duh? As if mamahalin ang uniform niya. Hiyang-hiya naman ang uniform kong bili pa ang tela sa states. "Sorry. Hindi ko naman sinasadya eh. Hmm. Pagpagin mo na lang. Hehe." sabi ni Andy sabay pagpag sa uniform ni Claire. Kaso hinampas ni Claire ang kamay niya at tinulak siya. "Ano ba?! Don't touch me nga! Stupid b***h!" sigaw ni Claire. "Nagsorry na nga di ba? Siguro naman pwede na yun. Naalikabukan lang naman ang uniform mo. Edi pagpagan mo. Bobo ka pala eh. Kailangan pa talagang itulak ang kaibigan ko? At huwag mo nga siyang mabitch-b***h diyan." sabat ni Maddie. Yah, that's Maddie. She loves to say bad words or any words that is really harsh. Bitchesera mode on. "Eh ano bang pake mo huh? Ano naman sayo kung gusto ko siyang tawaging b***h? Bagay naman sa kanya ah? Bukod kasi sa tatanga-tanga, stupida pa!" sabi ni Claire na naka-cross arms pa. "Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo? Hindi ko narinig eh." sabi ni Maddie. Ohh. Alam ko na ito. Haha. War na naman! Hay nako, Claire. Di mo pa din ba talaga kilala ang isang Alliyah Maddieson Dimaculangan? "Ang sabi ko tatanga-tanga iyang kaibigan mo! Stupida pa! Parang ikaw! Narinig mo na nga pinapaulit mo pa! Are you deaf?" sabi ni Claire sabay tawa. Natawa din naman ang mga alipores niya. Pero ako napangisi. b***h. Wrong move. "Ahh ganon?" sabi ni Maddie sabay sinabunutan na si Claire. Pinagtulungan na si Maddie ng tatlong alipores ni Claire kaya nga nakisali na rin kaming tatlo nila Leen. Aba! Laban ng isa, laban ng lahat! I love catfights. Biglang nagkumpulan ang mga estudyante sa amin na kanina ay pakalat-kalat lang sa hallway. May nagchicheer, may nagvivideo at may nanunuod lang. Sakto namang may napadaang teacher kaya iyon. Saan pa nga ba diretso namin? Edi sa guidance office.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.9K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook