Drexler's POV Papunta ako ngayon sa supermarket dahil may inutos sa akin si Mama na bilhin para sa lulutuin niya mamaya. Hinatid ko muna si Kelly sa bahay bago ako dumiretso dito. Nang maipark ko na ang sasakyan ay agad akong naglakad papunta na sa mall nang bigla kong matanaw si Andy. Napahinto ako nang makitang may kausap siyang lalaki. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang itsura. Nang makita ako ni Andy ay nabigla siya. Agad niyang hinatak yung lalaki at pumasok silang dalawa sa kotse nito at saka umalis. Tinanaw ko lang sila hanggang sa makaalis. Sino ang lalaking iyon? Kaano-ano siya ni Andy? At saka bakit magkasama sila dito sa labas ng mall? Nagdate ba sila? Inaamin kong medyo nasaktan ako doon pero binalewala ko na lang at saka pumasok na sa loob ng mall para makapun

