Andy's POV Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kasalukuyang kumakain ng vcut nang maubos na ito. Kaya nga nagtungo ako sa kusina namin ang naghanap ng mga snacks sa pantry. Pero wala na. Naubos na naman. Kaya nga dali-dali kong pinuntahan si Mama sa garden. "Ma! Ma!" tawag ko. "Oh? Why anak?" sagot niya at napatigil muna sa pagdidilig ng mga halaman at napatingin sa akin. "Ubos na stocks natin sa pantry. Wala na akong snacks." sabi ko. "Ganon ba? O, ito. Ikaw na bahalang mamili ng mga gusto mo. Hindi pa kami nakapag-grocery ulit ng Papa mo eh. Okay na ba yan?" sabi ni Mama sabay abot ng limang libo sa akin. "Ahh opo, Ma. Madami na akong mabibili dito. Thanks po." sabi ko at masayang umalis ng bahay at nagtungo sa supermarket sa mall. Nandito ako ngayon sa snack section at kumukuha ng

