Ethan's POV Nandito kami ngayon ni Louise sa rooftop ng building. Recess kasi. Sabi niya may kailangan daw siyang sabihin. Kaya nga dito kami nag-usap kasi tahimik. Tahimik kaming dalawa dito. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa malayo habang ako ay umiinom ng delight. Hindi niya pa ginagalaw ang sandwich na binili ko sa kanya. "What do you want to tell me?" bungad ko. "Well, my Dad talked to me yesterday. He wants me to go on a date with his friend's son." "And?" tanong ko. "I-I just want to ask you if okay lang sa iyo iyon? Na pumunta ako doon sa date na iyon." sabi niya na tila nauutal pa. Nakaramdam naman ako ng konting kirot sa puso ko nang malamang parang may interes talaga siyang pumunta doon. Balak ko na din sana'ng kausapin siya ngayon para hingin ang pahintulot

