3: Decision

1442 Words
Cyleen's POV Papalabas pa lang sana ako ng kotse ng agad akong nakaramdam ng kaba at pagtatanong sa sarili. Nalaman na kaya nila Mom and Dad ang nangyari? Magagalit kaya sila sa akin? Saang school kaya ako lilipat? Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa aking isipan. Anyways, bahala na think positive na lang. For sure sa mga oras na ito posible na alam na nila ang nangyari. Knowing Mom. She's gonna be hysterical. Ayaw niyang napapatawag ako sa guidance. She wants a good daughter. A perfect daughter na maipagmamalaki niya. Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay. Nang pumunta ako sa sala ay nakita ko sila Mom and Dad na seryosong nag-uusap. Kung kanina ay medyo kinakabahan lang ako, ngayon sobrang kaba na ang nararamdaman ko na halos kumalabog na ang dibdib ko. Pakiramdam ko nga lalabas na ang puso ko eh. "Hi! Mom. Hello! Dad!" bati ko sa kanila sabay nagmano na kunwari walang alam. "Pwede ba kitang makausap?" sabi ni Mom. "S-Sure Mom. T-Tungkol saan po ba?" I asked. Although, alam ko naman na kung tungkol saan. "Wag ka ng magpainosente diyan Cyleen Allyson! Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!" sigaw niya. "M-Mom. Kasi naman po. Ano may nang-away po sa amin. L-Lumaban lang naman po kami." "Lumaban?! Kailan ka pa natutong lumaban ha?! Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh! Dahil yan sa pagsama mo sa mga kaibigan mo na yan! Kung anu-ano tuloy ang mga natututunan mo!" And yeah. Sinisi niya na naman sila Maddie. Na kesyo magmula daw nang maging kaibigan ko sila hindi na ako yung dating Cyleen na pinalaki niya. Pero never akong nagsisi na nakilala at naging kaibigan ko sila Maddie. Sila ang bumuo sa akin. Sila ang umiintindi sa akin na kahit kailan ay hindi nagawa ng sarili kong ina. "Mom, wala silang kinalaman dito okay? Don't blame them." mahinahon kong sagot. "Sinabi ko na rin naman kasi sayo! Na magpakabait ka dahil nga nasa honor ka! Ayokong matanggal ka sa honors list! Pero mas worst pa pala ang nangyari?!" sigaw ni Mom. Napapikit ako. Napakuyom ako sa aking palad. Pero mas pinili ko na lang ilet go ang inis na nararamdaman ko ngayon. Ayokong may masabing hindi maganda kay Mom. Nanay ko pa din siya kahit ganito. "Wag mo ng pagalitan si Leen. Ngayon lang naman nangyari ito eh. Hayaan mo na!" sabi ni Dad. Buti na lang laging nandito si Dad para intindihin ako. "Hayaan?! Kapag hinayaan ko yan lalong titindi yan!" sagot ni Mom kay Dad. "Malaki na si Leen. Alam niya na ang tama at mali. Saka matalino naman siyang bata kaya paniguradong ma-hohonor din yan sa bago niyang school. Wala ka ng kailangang problemahin pa." At dahil hindi ko na talaga kaya ang panenermon ni Mom ay gumayak na ako paakyat sa kwarto ko. "Aba! Hindi pa kita tapos kausapin Cyleen! Bumalik ka dito! Wag kang bastos!" sigaw ni Mom sa akin. "Hayaan mo na. Pagod yung bata. Let her rest." rinig kong sabi ni Dad. "Ayan hirap sayo eh! Kinokonsinte mo ang anak mo masyado kaya lumalaking paatras!" Alam mo kung anong masakit? Yung tipong ginagawa mo na ang best mo para sa kagustuhan nila pero hindi pa din nila maappreciate ang lahat ng efforts mo. Hindi nila maintindihan na minsan ay sa sobrang paghahangad nila ng perpektong buhay para sa atin ay nakakalimutan na nila ang bagay na isa pang mahalaga. Which is happiness. My efforts? It will never be enough for Mom. Nang makapasok ako sa kwarto ay nagpatihulog ako sa kamay ko. Hinilot ko ng bahagya ang sentido ko at saka pinikit ang mata ko saglit para magrelax. Kaso napadilat ako agad nang magrequest ng group videocall sa group chat si Louise. Agad ko naman iyong sinagot. "Hey, guys. Kamusta. Napagalitan na din ba kayo tulad ko?" bungad ni Louise. Tumawa siya. Pero alam kong sarkastikong tawa iyon. Mukhang nag-away na naman sila ng Dad niya. May tampo kasi si Louise sa Daddy at Mommy niya. Bata pa lang siya hindi na siya nakadama ng pag-aalaga ng isang magulang. Halos maids nila ang nag-aalaga sa kanya. Busy kasi ang parents niya lagi sa pag-aasikaso ng mga negosyo nila. Ang Dad niya lang ang kasama niya sa bahay nila dito sa Pilipinas kasi ang Mom niya at kuya niya ay nasa states. Inaasikaso naman ang mga negosyo nila doon. Minsan lang daw kung umuwi dito sa Pilipinas. Kung uuwi man daw ay saglit lang tapos babalik na agad sa states. Although sunod nga siya sa luho ay alam kong naghahangad din siya ng konting pag-aalaga from her parents. May malaki nga silang bahay, ni halos hindi naman sila nagkakausap at nagkikita ng family niya. "Kung mambbwisit ka lang Louise mabuti pang di ka na lang tumawag." sabi naman ni Maddie. "Ito naman masyadong galit agad. Chill gurl. Kinakamusta ko lang kayo." sagot ni Louise. "Eh ano pa nga ba? Malamang pinagalitan din." sagot ko. "Mabuti na din siguro iyon. Nang hindi na natin makita pagmumukha ng Claire na iyon di ba?" sabi ni Maddie. "May point ka." sagot ni Louise. "Pinagalitan ka ni Tita Liyanel, Madds?" I asked. Pertaining to her Mother na nagwowork sa ibang bansa. "Nah, hindi naman totally'ng pinagalitan talaga. Pinagsabihan lang ako. Wag ko na daw uulitin sa lilipatan kong school." kibit balikat ni Maddie. In Maddie's situation naman. Lumaki siyang hindi nakasama ang tatay niya. Basta daw ang sinabi sa kanya ni Tita Liyanel eh mas pinili nito ang ibang babae. At dahil nga bata pa si Maddie noon ay napilitan siyang magtrabaho sa ibang bansa para sa kapakanan ni Maddie. Si Tita Aubrey ang nag-aalaga ngayon kay Maddie. Kapatid ni Tita Liyanel. "Ako pinagalitan din ako. Pero natuwa naman si Mama sa inyo kasi pinagtanggol niyo daw ako." sagot ni Andy. Sa aming apat. Si Andy ang kinaiinggitan namin. Kasi she have an understanding parents not like mine. She have a complete family not like Maddie. And her family cares for her so much not like Louise. Bukod doon, sobrang bait ng Mama at Papa ni Andy. "Syempre gurl. Bakit ka naman namin papabayaan? What are friends for hindi ba?" sabi ni Louise. "Oo nga. Kahit minsan isip bata ka. Hindi pa din ako magdadalawang isip makipag-away kapag may nanakit sa iyo." sabi ni Maddie. "Yes, Ands. Although nagalit ang parents ko sa akin. Okay lang. Kasi tama lang naman kila Claire iyon. Isipin na lang natin kung ano ang magandang maghihintay sa atin sa bagong school na papasukan natin." sabi ko. Napangiti naman si Andy na para bang maiiyak na. "Thank you talaga guys. Kaya mahal na mahal ko kayo eh." sagot nito. "Okay. Okay. Cut the drama. Saan nga ba tayo mag-aaral?" kunot noong tanong ni Louise. Nag-open naman ako ng new tab at nagsearch ng paaralang magandang pasukan dito sa lugar namin. As I clicked the first link that popped out, Eastwell University ang unang lumabas. Tinignan ko ang photos at humanga ako sa ganda ng eskwelahan. "Guys, I have suggestion kung saan. Wait iforward ko sa inyo ang link. See it for yourself." sabi ko at sinend ang link sa kanila. "Nice huh. Mukhang high-end school. Mala harvard ang peg." sagot ni Louise. "Not bad. I heard about this school before. Kilala sila sa larangan ng mga sports." sabi ni Maddie. "At ang laki ng cafeteria!" tuwang-tuwa namang sabi ni Andy. As usual food ang pakay niyan. "And look, the school is known to be the home of the scholars." natutuwa kong sabi. Bukod doon namangha din ako sa itsura ng library. Hehe. May old english section sila. "Oh, come on. Let's fill up the form na. I can't wait to go in here." sabi ni Louise kaya nga hinanap ko agad ang link ng application form at sinend sa kanila. "Nakalagay dito, after daw ipasa ang application form sa kanila online ay pumirma tayo at magbayad ng partial payment sa admission office for legitimacy. Ang date of appearance is bukas. So we need to fill up this form na and inform our guardians about this." sabi ko. Napatango-tango naman sila. "Osige. Magfifill up na ako. Bukas na lang. Chat, chat na lang tayo tomorrow." sabi ni Maddie. "Yeah, guys. See yah!" pagpapaalam ni Louise sabay inend niya na ang group video call. Nagsimula naman na akong magfill up ng form tapos ipinasa ko na ito agad. Here it goes. I hope we decided the right thing na piliin itong Eastwell University. Buti na lang at kakaistart lang ng klase kaya nakaabot pa kami sa admission. Timing na timing talaga ang pagka-kickout namin sa bulok na school namin. Hahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD