Maddie's POV Ka-videocall ko ulit ngayon si Eirol. Halos araw-araw kasi magkausap kami. Siya yung laging tumatawag kasi miss niya na daw ako. Hindi ko namalayan na halos mag-iisang buwan na pala buhat ng umalis siya dito. Inaamin ko kahit nagkakausap kami eh nakakamiss pa din ang presensya na. "Kamusta kayo diyan?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Ayos naman. Eh ikaw ba? Nakapag-enroll ka na diyan?" tanong ko. Tumango naman siya. "Yup. Naasikaso na ni Mama iyon. Sa katapusan ngayong buwan daw start ng klase." sagot niya. "Baka makakita ka ng babae diyan. Yung kano. Maganda tapos sexy. Baka ipagpalit mo agad ako." sabi ko. Nakita ko namang napangisi siya kaya tinaasan ko siyang kilay. "Sorry, can't help it. Ngayon ko lang nakitang magpout ang isang Maddieson. Hahaha! You're so cute.

