Kabanata 25

1453 Words

KASISIKAT pa lang ng araw ngayong Biyernes ngunit malaking dagok na agad ito para kay Arthur habang naglalakad siya papasok sa loob ng campus. Nakasuot siya ng P.E. uniform na ibinigay sa kanila nitong linggo lang. “Arthur!” Huminto siya sa paglalakad nang marinig ang tinig na ‘yon. Si Nigel iyon at nagmamadaling naglalakad patungo sa kanya. “Ang aga mo, ah!” sabi sa kanya nito nang makalapit. Inakbayan pa siya ng binata at sinabayan ang kanyang paglalakad. “Gusto ko lang pumasok nang maaga. Maingay na naman sa bahay dahil mga wala na naman silang pera.” Makikita ang pagkadismaya at inis sa mukha nito nang ganito kaaga. “Bakit?” “Alam mo naman ang kwento ng buhay ko, Nigel. Wala naman nang bago ro’n.” “Mga magulang mo pa rin ba ang problema mo? Bakit kasi hindi ka pa bumukod?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD