“SORRY, Eveleen, kung matanong ako, ha?” Biglang umimik si Tiffany habang kasalukuyan silang kumakain. “Okay lang. Ano ba ‘yon?” “Ano’ng sabi ng parents mo tungkol sa nangyari? Maski si Tito mo for sure alam kung ano ang nangyari sa Sta. Cecilla.” Tumango siya. Uminom pa ng tubig at pinunasan ang labi bago magsalita. “Nagulat sila no’ng una. Hindi sila makapaniwala na nangyari ‘yon. Hindi ko kasi sinasabi sa kanila na binu-bully na ako ng Big Five. Hangga’t kaya kong sarilinin, sasarilinin ko kasi ayoko na masaktan sila. Kung ako nga nasasaktan sa sinasabi nila, sila pa kaya, ‘di ba? At saka, kilala nila si Harry kasi ilang beses na silang nakapaunta sa bahay namin. Alam nina Harry at Cherone kung gaano kasimple ang pamumuhay namin.” Sumalubong ang kilay ng dalaga. “Si Cherone? Si

