“BWISIT na Janus Kim ‘yon!” bulong niya sa sarili habang naghuhugas ng kamay sa girl’s comfort room. Mabilis siyang nakapagpalit ng uniporme matapos niyang takbuhan ang binata. Paalis n asana siya nang makita niya ang isa ring estudyante na mag-isang papasok sa loob. Ngingitian niya sana ito ngunit binawi niya iyon nang hagurin siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Naglakad ito patungo sa kanya nang nakataas ang kilay. “Hindi ba ikaw ‘yong…” Sinuri nito ang mukha niya. “Ikaw nga. Ikaw ‘yong trending na taga-Sta. Cecilla, hindi ba?” Hindi niya alam kung iiwas ba siya ng tingin o yuyuko dahil may isa sa libo-libong estudyanteng naroon na nakilala siya dahil sa ganoong pangyayari. “Hindi ba ikaw ‘yon? Ikaw ‘yong dahilan kung bakit namatay ‘yong ga-graduate na dapat na kaibigan mo

