Chapter 1: Announcement
“Dad,” bigay-galang niya sa ama bago ito hinalikan sa pisngi. Galing pa siya sa club kaya hindi maganda ang pakiramdam niya sa biglaang pagpapauwi sa kanya. Ilang oras din ang masasayang sa maganda sana niyang gabi.
“Sit down. I have an announcement to make. Let’s just wait for him,” her father said.
Labag sa loob na umupo siya sa couch. Mabait naman ang ama niya ngunit malaki ang takot niya rito. Siya lang ang nakakakontrol sa kanya—well, wala namang iba pa dapat.
Nababagot niyang pinulot ang magazine sa mesa. Featured doon ang jewelry designs ng ina niya. Her mother is a total genius when it comes to jewelry, and her father is their town’s congressman.
Hindi niya alam kung saan siya nagmana ng pagiging pabigat sa lipunan dahil parehong may ambag ang magulang niya. Ilang beses na niyang tinanong kung ampon lang ba siya dahil parehong magaling sa klase at may talento ang nakababatang kapatid niyang lalaki. Tinatatawanan lang siya ng mga ito—kung ampon daw siya, matagal na raw nilang pinahanap ang mga magulang niya para maibalik na siya.
Lumipad ang tingin niya sa kakabukas lang na pinto. Hindi niya napansin na napasobra ang pagkagat niya sa labi kaya agad niya itong hinawakan nang malasahan ang dugo.
“Lucas! Come in. Amanda’s already here,” ani ng ama niya.
Nakahawak pa rin siya sa nasugatang labi nang mapansin ang pag-upo nito sa tabi niya. Bahagya siyang lumayo bago pa man magsalita ang ama niya ng kung anumang kalokohan na naman ang naisip nito.
“Well, Amanda and Lucas. You both are getting married.”
Isang mahabang katahimikan ang dumapo sa kanya.
Natatawa siyang tumayo. “Are you serious, Dad? Nakalimutan mo na ba ang ginawa sa akin ng gag0ng ‘to?” Mas lalo siyang nagngingitngit nang makita ang walang-pakialam na mukha ni Lucas.
“Matagal na ’yon, Amanda… You both are getting married next month,” sagot ng ama niya bago agad lumabas ng opisina. Hindi man lang siya nakahabol ng tanong.
Tumayo na rin si Lucas, mukhang aalis na, kaya pinigilan niya ito. “Pumayag ka?” tanong niya rito, at parang nandidiri siyang agad binitawan ang braso nito.
Mula sa mga daliri niyang kakabitaw lang ay nag-angat ito ng tingin, blanko ang mukha. “You tell your father if you don’t want to,” anito. Tumagal ang tingin nito sa labi niyang may sugat bago umiwas, parang nagpigil. “Take care of your lips,” dagdag nito bago tuluyang lumabas.
Inirap niya ang pinto. Fine. If she can’t say no to her father and Lucas can’t say no for whatever reason, then might as well do it and make him regret everything. Pagkatapos siya nitong basta iniwan noon nang pumutok ang issue at hinayaan siyang mag-isa na masabugan? Hindi naman siya ang tipo na nagtatanim ng sama ng loob, pero matagal na niyang pangarap na makabawi sa ginawa nito sa kanya.
“I’m getting married to Lucas,” bungad niya sa kaibigan habang nagme-makeup.
“May boyfriend ka pala?” balewalang tanong nito.
Malakas niyang ibinaba ang contour brush. Napakurap si Jessa bago napaawang ang bibig nang finally marinig ang sinabi niya.
“Lucas? Si Sir Lucas Montecillo? Nagkabalikan kayo? Sabi mo hindi mo na babalikan ’yon?”
Peke siyang ngumiti. Minsan tinatanong niya ang sarili kung bakit kaibigan niya ito—at kung paano niya natagalan ang pagiging slow nito. Sa klase lang ito mahina pero sa ibang bagay… well, minsan hindi rin.
“Gaga ka ba? Akala ko nga hindi ko na makikita ang gag0ng ’yon,” sagot niya, tinuloy ang pag-blend ng contour.
“Okay lang sa ’yo? ’Di ba alam ng Daddy mo ang nangyari sa inyo noon?”
“Ewan ko.” Tumayo na siya nang tawagin ng manager ng club.
Malaki ang ngiti niya habang tinitingnan ang sarili sa mga salamin habang naglalakad. Her long brown hair was tied in a high ponytail. She’s wearing a gold bralette and matching cycling shorts. Dancing has always been her passion, more than school ever was. Natigil lang siya dahil hindi maganda sa image ng ama niya bilang congressman.
Hindi naman niya iyon inisip noon dahil busy siya sa kalandian niya. Pero kung ano talaga ang para sa ’yo, babalik at babalik ’yon.
Jessa became her way of dancing again. Pareho silang into pole dancing. She’s hiding her real identity and just lets herself enjoy dancing in front of people.
She started with an aerial body wave that drew too much attention. Marami silang dancers depending on VIP requests. She’s dancing for herself, not for money. Wala si Jessa ngayon kaya medyo kontrolado niya ang galaw niya para hindi siya mapansin masyado.
Wala siya sa mood magpasikat. Tumigil na siya at aalis na sana nang may humawak sa siko niya at hinila siya paupo sa hita nito.
“Where are you going? Dito ka muna,” ani ng lalaki. Tumawa ang mga kasama nito. Kinabahan siya pero ilang beses na itong nangyayari. Kahit bawal silang hawakan, may mga matitigas pa rin ang ulo.
“Bawal po ’yan. Pasensya na po,” aniya, pilit na magalang. Ayaw niyang masuspinde sa club.
Tumayo siya pero hinila ulit siya at tumawa ang barkada nito. “Sige na, Miss. Name your price!”
Anong tingin ng mga ’to sa kanya?
Naghanap siya ng security pero may nagsalita sa gilid niya—pamilyar ang boses.
“Let her go, Diego.”
“Uno!” sabay-sabay na sambit ng mga ito. Agad silang tumayo nang makita ang dumating. Umikot ang mata niya. Akala niya high-end ang club, pero mukhang nagkamali siya.
Magpapalipat na lang siya ng club kasama si Jessa. Naiirita siyang lumayo sa grupo at hinanap ang kaibigan. Wala sa dressing room.
Natigil siya nang makita si Jessa na pumasok sa isang private room. Para iyon sa mga kilalang tao na ayaw makita ng publiko.
Pinasok niya iyon, hindi naman siya sinita ng guard. Napaawang ang bibig niya—maraming lalaki at babae na nagpa-party.
“Misty!” tawag ni Jessa, agad siyang niyakap. “Anong ginagawa mo rito?”
“Why? Bawal ba?” sagot niya.
Hinila siya nito palabas papunta sa fire exit. “That was my frat party,” bulong nito, halatang kinakabahan.
Napatanga siya. Tumalim ang tingin ni Jessa. “Don’t. Kung totoo na ikakasal ka—hindi pwede.”
Wala naman siyang nakikitang problema. Ano ngayon kung magpapakasal siya? It’s not like they’re in love.
“Ano problema mo ro’n?”
Umiling si Jessa habang natatawa. “Hindi naman siguro kayo mga killer o drug abuser, ’di ba? Maliban na lang kung… oo?” tukso niya.
“No. Brotherhood and sisterhood lang—to make connections,” paliwanag nito.
Mas lalo siyang na-engganyo.
“Wow. Can I join? Bakit ngayon mo lang sinabi?”
Umiwas ito ng tingin bago siya sinipat nang maigi. “Virgin ka pa ba?”
Natawa siya pero seryoso ang mukha ni Jessa.
Umiling siya. Lumaki ang mata ng kaibigan. “Si Sir Lucas ba?”
Huminga siya nang malalim at umiwas. “Anong kinalaman ng virginity ko sa pagsali?”
“Wala. Pero kung ayaw mong mahirapan…” makahulugang sagot nito.
“Bakit?”
“Before ka makasali, it’s either you do the dare or you have s*x with someone inside the frat.”
Bigla siyang nagdalawang-isip.
“Pag-iisipan ko,” sagot niya bago lumabas ng fire exit. Gusto na niyang umuwi. Hindi niya alam kung kaya niya makipag-s*x sa hindi niya kilala. At kung dare naman, siguradong hindi madali.
Pagkatapos magbihis ay nagpunta siya sa parking lot. Hindi niya muna binuhay ang makina.
She imagined doing the same thing with a stranger—same as what happened with Lucas before. Biglang uminit ang pakiramdam niya, remembering his face above hers, breathing heavily.
“Oh, stop it! What the fvck, Amanda!” Sinabunutan niya ang sarili bago pinaandar ang sasakyan.
Sa condo, habang tanaw ang siyudad, iniisip pa rin niya.
Pwede naman sigurong huwag na lang siyang sumali. Ayaw niya makipag-s*x sa iba—lalo na sa hindi niya kilala.
“Pakialam ba ni Lucas? As if may mangyayari ulit sa ’min,” bulong niya sa sarili.
Pero kahit anong isip niya—wala siyang lakas ng loob.
She could just join after the wedding. Just to piss Lucas off.