[KLIO KRIXTON] Nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ni Yumi. Hindi ko inaasahan na matatapos agad ang gumugulo saking isipan. Nag quit nga raw ang bagong assistant ni Bria dahil nakita nito ang tila halimaw na ugali ng asawa ko. Buti naman sa kanya. Natuwa ako dahil salungat yun sa una kong nakita ng maging magalang sa kanya si Bria. Sinasadya niya ba yun para pagselosin ako? Bakit niya ba need pa gawin yun. Dati pa selosa na ako magkaibigan pa lang kami. Ayoko nagiging close siya noon sa iba. Gusto ko ako lang palagi ang kasama at kausap niya. Ang selfish ko pala bigla kong naisip. "You don't need to answer, Bria. Sorry nanghihimasok pa ako.." Agad kong paliwanag ng hindi siya sumagot sa tanong ko. Baka masigawan pa ako mahirap na. "I miss your coffee, that's why.."

