[BRIA BRIXTON] Finally at nakapag decide din si Cammie kung saan kami pupunta. Maayos naman ang lugar at tila mga edukadong tao lang ang naglalagi rito. Ang kamay ni Cammie ay hindi pa din nawawala sa braso ko. Hindi niya ba kayang maglakad ng hindi nakapulupot sa akin? Mas maaappreciate ko siguro ang lugar pati na ang background music kung hindi ko kasama si Cammie. Bigla kong naisip si Klio. "Ano saan tayo pupwesto?" Tila may takip ang tenga ko at hindi narinig ang sinabi niya sa hindi inaasahang nakita ng dalawa kong mata. Kumulo agad ang dugo ko at nag init ang pakiramdam. "Hey, Bria I'm talking to you.." Bigkas ni Cammie na pagsisisihan niya ng husto. "SHUT UP, CAMMIE at pwede ba bitiwan mo nga ako.. NA AALIBADBARAN NA AKO.." Bulyaw ko ng hindi nawawaglit sa kanina ko pa

