[KLIO KRIXTON] 4 am pa lang gising na ako para makapagluto pa ng breakfast bago bumangon si Bria. Iniwan ko siya sa kwartong mahimbing na natutulog. Naisip kong wag intindihin ang pambababae niya as long as sa akin pa din siya pagkatapos. Akala ko dati sa movie o teleserye lang nangyayari ang pagiging martyr ng isang babae o isang lalaki pagdating sa pag ibig. Yun pala talagang posible ito sa totoong buhay. Tanga na nga siguro talaga akong hamak dahil kinukumbinsi ko ang sarili kong okay lang na magloko siya. Nang matapos ako sunod kong hinanda ang aking sarili. Naligo ako, nag ayos bago bumalik ng kitchen para mag ahin ng umagahan. Nabanat ang labi ko at sumilay ang kislap sa mga mata ko ng makita ang kabuuan ng inihanda ko para sa asawa ko. May bahay na talaga ako. "BEB.. Gisi

