[BRIA BRIXTON] Oo ako ang may pakana ng halikan namin ni Cammie pero doesn't mean I still like her or love her. Gusto ko lang pasakitan si Klio at yun naman ang nangyari. Hindi lingid sa akin na nasaksihan niya yun at nasaktan siya roon pero tila iba ang pakiramdam na marinig ito mula sa kanya. Hindi mag sink in sa utak ko na isang linggo lang sila ni Devin.. Para saan pang sinagot niya ang kumag kung wala pala siya balak magtagal sa relasyon na yun. "Wala akong pakialam, Klio kahit anong sabihin mo ex mo pa din siya.." Muli ko siyang hinatak para makauwi na kami.. Nawala na ako sa wisyong gumala. Balak ko sanang isama siya sakaling makita ko na siya pero nagbago na ang isip ko. Makikipaglandian lang pala siya sa puti rito.. Tahimik kaming pareho ng nasa loob na kami ng sasak

