[BRIA BRIXTON]
"Ms. Bria may naghahanap po sa inyo sa lobby. Devin Brown daw po.." Yumi informed me on the intercom. Perhaps I know why this guy is looking for me, not Klio. I have nothing to say to him, but I will let him talk to me.
"Pakakasal kayo?? Seryoso??" Bungad niya agad sa akin..
"Ano naman ngayon sayo? Ano ka ba niya? Sino ka ba sa buhay niya??"
"Ako ang tunay na nagmamahal sa kanya! Alam ko ang lahat, Bria kaya subukan mo lang saktan siya.. Makikita mo ang dating Devin Brown.."
"Oh.. Tinatakot mo ba ako?"
"Binabantaan kita! Sa oras na paiyakin mo siya uli hindi ako magdadalawang isip ilayo si Klio.." I was fascinated by his words. Anong ibig niyang sabihin?
I am the one who got hurt ten years ago.
"Is none of your concern, Devin. Leave her alone.."
"Let me talk to her for once.." I chuckled a bit. Talagang napapasunod ko na sa palad ko si Klio. Tumupad siya sa usapan na puputulin anu mang meron sila ng lalaking ito. Ngayon sa akin siya lumalapit para kausapin siya ni Klio.
I'm impressed!
"Edi kausapin mo siya!" Kumpyansa kong saad. Umiling ito, umismid na tila hindi sang ayon.
"Wag mo akong gawing tanga.. She won't talk to me dahil sayo.." Naging mainit ang pakikipag usap niya sa akin sa pagkakataong ito.
"Alam mo naman pala so bakit sinasayang mo pa ang oras mo ngayon? JUST GO! Devin.. You do not belong here.." Confident kong pahayag sa kanya pero matigas siya. Ganito niya kamahal si Klio? Bakit sila naghiwalay kung ganun..
Tapos na ang pagkakataon niya.. It's my turn now, kaya dapat na siyang sumuko.
"My eyes are on you, Bria. Mag ingat ka sa mga magiging galaw mo.." Nanlilisik ang mga mata niyang banta. Ako naman ay kalmado pa din at nilalasap ang tagumpay ng aking mga plano.
My whole day was great. The company is doing exceptionally well.
My dad will be happy and proud to know it. Isang bagay pa, I know soon malalaman niya ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Klio. Ni minsan hindi naging against si Dad sa pinili kong path sa buhay. He accepted me wholeheartedly, and I love him for that.
He's the best and coolest dad ever. Mas masaya sana kung andito si Mom.. Naalala ko nanaman siya at dahil duon mas lalong umiigting ang kagustuhan kong makaganti kay Klio.
At that time, my mom was dying. She has cervical cancer stage 2b, but I didn't know. I didn't even have the time to notice it because I was preoccupied.
Abala ako sa aking sarili. Sa pagbangon at pag buo ng sarili kong nawasak, naging pira piraso dahil kay Klio. Hindi ko man lang naalagaan ang sarili kong ina.
Hindi ko man lang naparamdam sa kanyang mahal na mahal ko siya. I was too late. She's gone ng dumating ako ng hospital. Dad lied to me. He told me Mom was having her vacation, but the truth was she was fighting for her life.
Galit ako noon kay Dad kasi nilihim niya yun sakin pero un ang hiniling sa kanya ni Mom kaya hindi ko siya masisisi. The thing is mas galit ako sa sarili ko.
"Salamat sa paghatid, Tyron.." Panayam ko sa driver ko ng makarating na kami ng pad. Siya ang nagiging driver ko kapag wala ang assistant ko.
"Anytime, ate.."
"Mag ingat ka ah.."
His father was our family driver. Sa Mansion siya nag sstay. Sa tuwing hinahatid ako ni Tyron nagcocommute ito pabalik ng Mansion. Masasabi kong parti na din siya ng pamilya namin dahil simula ng maulila ito, kinupkop na siya ni Dad. Pinag aaral.
Malapit na siyang grumaduate ng college and soon to be a pilot. Nag iisang anak ako kaya masaya ako na magkaroon ng kapatid. Madalas akong asarin ni Tyron. Minsan napag uusapan ang mga babaeng nahuhumaling sa akin..
Paano daw ba magkakagusto sa kanya ang isang babae. Nagiging tampulan ng tawanan ang mga distinct nitong tanong.
"How's your day?" Maaliwalas ang mukhang salubong sa akin ni Klio sa may pinto pa lamang. Kinuha niya ang bag ko at agad na pumulupot sa akin.
"It's great, Beb.. Ikaw? Kamusta ang naging lakad nyo ng mga pinsan mo?" Kinawit ko naman sa bewang niya ang dalawang kamay ko.
I find her alluring in my eyes. Sinasadya niya ba ito? Inaakit niya ba ako? In my mind, I was thinking about why she's still acting, ikakasal naman na kami. Nakuha niya na ang gusto niya. Magiging mayaman na siya ulit at malaya na siya sa Ms. Minchin niyang tiyahin.
I won't believe her sa kanyang palabas na mahal talaga niya ako. Gaya ng paulit ulit kong sinasabi, I'm not the old Bria Brixton anymore.
Hindi na ako madaling mauto at mapaikot..
"CUT THIS ACT! KLIO!" Ang mga katagang ito ang malapit ko ng masabi sa kanya. Hindi na ako makapag antay makita ang reaksyon niya sa oras na malaman niyang siya ang nalinlang ko sa pagkakataong ito.
"Tuwang tuwa sila and thank you daw sa Tita Pretty nila.. Ang bilis mong nakuha ang loob ng mga pinsan ko.." Walang hindi nakukuha ang pera Klio..
"I'm glad to hear that.."
"Halika na.. Dinner is ready.." She sounds appealing—Nagtungo kami ng dining habang nakaakbay ako sa kanya at siya naman naka kapit sa bewang ko.
In fairness, kay Klio, masarap siyang magluto. Nakakuha na ako ng asawa may katulong pa ako. For sure, sunod nito siya na ang maglalaba ng mga damit ko, maglilinis ng bahay at mag aasikaso lahat ng pangangailangan ko.
Higit sa lahat paliligayahin ako sa kama. Sa oras na tumanggi siya madaming babaeng pwedeng pumalit para mag painit ng malamig kong gabi. Ayun ay kung kaya niyang tagalan ang mga ungol namin sa gabi.
I will make her life more than miserable—a thousand times darker. Klio would wish she had never met me.
[KLIO KRIXTON]
Naging masaya ako sa pamamasyal namin nila Trixie at excited din akong makauwi para maging asawa kay Bria. Hindi pa man kami kasal for me she's my wife already at forever ko siyang pagsisilbihan.