24

1116 Words
[KLIO KRIXTON] Hindi ko inaasahan ang pag popropose ni Bria. Pakiramdam ko masiyadong maaga at baka nabibigla lang siya pero wala pang isang minuto tinanggap ko din naman ito. Habang nasa sasakyan kami kung ano anong naiisip ko. Talagang ayaw niya ng ipagpabukas at ngayon niya gustong hingin ang kamay ko kay Tiya Lingga. Nang makarating kami pilit kong kinakalma ang mabilis na t***k ng puso ko. Ito na to at wala ng atrasan.. Unang bungad pa lang samin ni Tiya hindi na maganda ang sagot nito pero tinatagan ko ang loob ko dahil ito din naman ang matagal ko ng gusto. Ang makasama ang taong mahal ko. "Tiya ikakasal na ho kami.." Huminga ako ng malalim matapos ko tong sabihin.. "Ano? Kasal?? Imposible yan dito sa PINAS.. Mag hunos dili nga kayo.." Singhal nito.. Hindi maganda ang naging reaksyon ng mukha niya. "We are not marrying here but in Denmark.." Paliwanag naman ni Bria. Desidido talaga siya na siyang nagpapalakas ng kalooban ko. Hindi ko man lang siya makitaan ng takot or kaba sa boses o mukha niya. "Hindi ako makapapayag!! Malaki ang utang sa akin ng babaeng yan.. Ngayon pa nga lang siya nakakabawi tapos kukunin mo?? HINDI! Dumaan muna kayo sa bangkay ko bago mangyari yan.." Giit nito. Batid ang lubhang pagtutol niya. "Ma.. Ano bang sinasabi niyo.. Buong buhay na ni ate Klio inalay niya satin.. Wag po kayong ganyan.. Hayaan niyo naman pong sumaya si Ate.." Sagot ni Trixie.. Naiiyak ako dahil hindi nasayang lahat ng pag aasikaso pag aalaga ko sa kanya nung bata pa siya. "Oo nga po ma.." Sabay na tugon naman ni Tofi at Troy na halos umiyak pa ang dalawa. Pasinghot singhot na si Troy. "Kung utang na loob po ang problema niyo.. I can pay it.. 1 MILLION?! 10 MILLION?!" Ikinabigla ko ang katagang yun ni Bria.. Para naman niya na kong binibili pero yun din naman kasi ang pinamumukha ni Tiya Lingga. "Kung ganun sige kahit hindi mo na siya ibalik dito sa amin. Wala na kaming kilalang Klio. Ibigay mo ang pera at tapos ang usapan.. Sayo na ang babaeng yan.. Wag na wag na siyang makatungtong dito sa pamamahay ko.. ALA SIGE AT LUMAYAS NA KAYO..." Magkahalong saya at lungkot ang kasalukuyang nararamdaman ko. Masaya akong ikakasal na kami ni Bria pero lubos akong nasasaktan sa mga sinasabi ni Tiya. Bakit ganun na lang ang galit niya sakin. Bakit sa akin?? Sila mama naman ang nagkasala sa kanya.. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko kay Tiya pero mas minabuti kong manahimik na lang. Tumulo ang luha ko at niyakap sina Trixie, Tofi at Troy. Nag iyakan kami.. Sila na ang naging pamilya ko sa loob ng halos 10 years kaya ang sakit sakin na ganito na lang yun matatapos.. Bakit kailangan maging ganito. Hindi ba pwedeng pamilya pa din kami kahit kasal na ako? Hindi ba ako pwedeng dumalaw sa kanila? O sila ang dumalaw sa kin? "Mahal na mahal ka namin ate Klio.. Magkikita pa tayo.." Iyak at daing ng tatlo. Niyakap ko sila ng mahigpit.. "Tara na, Klio.." Aya sakin ni Bria.. Hindi ko magawang bitiwan ang mga pinsan ko. Nag iiyakan pa din kami pero si Tiya Lingga ay nagpunta na ng kanyang kwarto.. "Pangako ate pupuntahan ka namin.." Sambit ni Trixie.. "Oo naman.. Welcome kayo sa-sa magiging bahay namin.." "Ingatan at mahalin mo ang ate namin Ms. Pretty.." Banat ni Troy kay Bria.. Tumango lamang ito. Parang hindi man lang siya nalulungkot para sa akin. Magkakahiwalay na kami ng pamilyang itinuring ko. "Tara na.." FAST FORWARD>>> Tahimik ang lahat pagdating namin ni Bria sa Pad niya. Tuloy pa din ang pag agos ng luha ko. Ito ba ang kapalit ng kaligayahang inasam ko? "Klio wag ka ng umiyak, please.. Magiging masaya ka sa piling ko.. Ipapaayos ko na ang kasal natin by tomorrow.. We will flight to Denmark ASAP.." "Ikaw na lang ngayon ang meron ako Bria.. Wag mo sana akong iiwan, BEB.." Emosyonal kong saad. "No! I will never leave you.. Kahit pa anong dumating o mangyari hinding hindi tayo maghihiwalay. Itaga mo yan sa puso at isip mo , Klio.. Soon magiging BRIXTON ka na.." Lumapat ang labi niya sa labi ko.. Mainit kaming nag halikan.. Niyakap ko siya ng mahigpit matapos ng pinagsaluhang halik namin. "I love you.." Lambing ko sa kanya.. "I love you too, Klio.." Tugon niya.. "Mabuti pa wag ka na lang munang pumasok para makapag relax ka.. Lumabas ka kasama ng mga pinsan mo.. If you want isama mo din si Yumi.." Natuwa ako sa sinabi niya at naappreciate ko ang ginagawa niyang effort para gumaan ang loob ko.. "Thank you, Beb.." Naiiyak kong saad.. "No! Thank you sayo kasi binigyan mo ulit ako ng reason para maging masaya.. Naramdaman ko ulit ang tunay na LOVE.. Hindi na kita pakakawalan pa, KLIO.." FAST FORWARD>>> KINABUKASAN.. After kong ihatid si Bria sa office ay nakipag kita ako kay Trixie at sa dalawa pa. Si Tofi at Troy. Gaya ng payo ni Bria, lumabas nga kami at nag shopping gamit ang card na binigay niya kaninang umaga.. "Wow ang ganda ng isang to ate KLio.. Sure ka bibilhin mo talaga to para sakin??" Hindi makapaniwalang pahayag ni Troy.. "Hindi ko alam sobrang yaman pala ni Ms. Pretty.." Dugtong pa niya at nagtawanan lang kami. "Naku tama na yang mga pinagdadampot niyo. Nakakahiya naman duon sa tao.." Mga katagang lumabas sa bibig ni Trixie. Nag aalala ito. "Okay lang yan Trixie. Yun din naman ang bilin ni Bria ang mapasaya ko kaya. Minsan lang to kaya sulitin na natin.. Pumili ka na din ng gusto mo.." "Masayang masaya ako para sayo ate Klio. Wag na wag ka niyang sasaktan kasi susugod kami duon ni Kuya Devin.." Sambit ni Trixie.. "Oo nga ate Klio at kasama ako sa uupak.." Singit naman ni Tofi at pinakita pa ang muscle na butot balat naman.. "Kayo talaga.. Salamat sa inyo ahh.. Mahal na mahal ko kayo.. Palagi tayong magkikita.." "Siya nga pala ate Klio.. Nasabi mo na ba kay Kuya Devin??" Pag iiba ni Trixie sa usapan. Hindi lingid sa kanya na hanggang ngayon may gusto pa din sa akin si Devin.. Halata naman kasi yun kahit walang sabihin o hinging kapalit si Devin. I know nag aantay siya noon pa man. Mabait si Devin at wala akong masabi sa kanya.. Siguro kung wala akong mahal, kung walang Bria sa puso ko at hindi ko siya nakilala baka nabigyan ng chance yung pagmamahal sakin ni Devin. "Ikaw na lang siguro ang magsabi, Trixie.." Tanging sagot ko sa kanya. Magagalit si Bria sa oras na malaman niyang makipag kita ako kay Devin. Ayokong mag pag awayan kami ni Bria..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD