23

1033 Words
[KLIO KRIXTON] Ginusto kong lamunin ako ng lupa ng sabihin ni Yumi na paakyat si Cammie. Handa ba akong makita siya? Kung wala na sila ano pang ipupunta niya rito sa opisina ni Bria?? Not far away, a woman is walking with aplomb. Palagay ko she's the one Cammie they are talking about sa party pa lang. Ang awra nito ay hindi maitatangging hindi siya pangkaraniwang babae. Halatang galing sa mayaman na pamilya at kagalang galang.. "Is she the girl?" Mataray at taas noo nitong tanong kay Bria. Una ng umiskapo si Yumi pero ako nanatili lang. Bakit ko sila bibigyan ng privacy. I'm the GIRLFRIEND.. "Why are you here, Cammie?" Tugon ni Bria sa kanya. "You are not answering my question, Bria.. Siya ba? Siya ba yung pinalit mo sakin??" Taas ang kilay nitong saad. "And so? What is your problem??" Hindi naman patalo si Bria sa kasungitan niya. "Excuse lang po.." Pag papaalam ko sa kanilang dalawa pero hinawakan ako sa siko ni Bria. "Come into my office, Beb.." Utos nito.. "BEB??!!" Singhal at ismid ni Cammie.. "Tawagan nyu yun? What does it mean?? Ewww.. Nakakasuka.." Nagsimula ng umusok ang ilong ng DRAGON.. "Wag kang mag eskandalo dito, Cammie.. You know na matagal na tayong tapos.." Mapanglaw ang mukha ni Bria na pahayag. "Dahil tinapos mo..! Sa kasalanan na hindi ko naman ginawa..! You're being unfair, Bria. Tapos ito napalitan mo na ko? May mahal ka ng bago agad?? Paano ako?? Paano tayo??" "Wala ng tayo..at matagal na.. Move on Cammie.. Sorry kung nasaktan kita dahil pinili kong maging single.. Yeah it's not your fault.. Ako ang may problema. Kasi si Klio pa din talaga ang mahal ko Cammie. She's always been." "So she is the girl from 10 years ago??" Tumango tango ito. Gusto ko ng umalis dahil ang awkward na ng dating pero ayaw bitawan ni Bria ang kamay ko.. "Fine, Bria.. Magsaya ka ngayon pero sisiguraduhin kong hindi yan forever!! Tandaan mo ang araw na to!! And you.. you don't know Bria well.. Kung ako sayo habang maaga pa hihiwalayan ko na siya kung ayaw mong matulad sakin.. Binigay ko ang lahat sa kanya pero anung ginanti niya?? THIS??! Magsaya na kayo ngayon.. Dahil hindi yan magtatagal!!" "BACK OFF, Cammie.. Mahal ko si Klio bago pa kita makilala and I'm so so sorry for that.. Sana mag move on ka na, Please.. Stop wasting your precious time to me.." Matapos ng mga salita ni Bria hinila na niya ako papasok ng office niya.. Naiwan si Cammie at ang mga staff na kanina pa kami pinagpipyestahan.. "Okay ka lang?" Usisa sa akin ni Bria ng nasa office na kami. Nawala ang mga agam agam sa puso at isip ko dahil sa mga narinig ko kanina. "Yeah.. I'm fine.. Totoo ba?" "Ang alen?" Balisa niyang tanong.. "Lahat ng sinabi mo.. Mahal mo ko.. Na akong mahal mo from 10 years ago hanggang ngayon.." "Ayoko ng pag usapan ang tungkol diyan, Klio please.." Saad nito habang hawak ang magkabila kong kamay. "Nasabi ko na kung anong dapat kong sabihin sa kanya para matapos na din ang pag asa niyang magkakabalikan pa kami. Wala siyang kasalanan dahil ako ang may problema.. May iba akong mahal at pinilit kong mahalin siya para makalimutan ang taong yun pero I'm failed. Until mapadpad ka dito sa kumpanya ko.. Everything has change, Klio. Let's not go back from that 10 years.. Gusto kong magsimula tayo ng bago.. okay.. Inaamin ko nagalit ako, bumalik lahat ng sakit ng ginawa mo sakin and even plan to get revenge from you kaya kita hinire. But my love for you does conquers all, Klio.. Sobrang lakas nito kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong angkinin ka nung unang gabi natin.. I love you so much, Klio Krixton and I will use this moment to ask you.. WILL YOU MARRY ME??" "What? Hindi ba masiyadong maaga? Pag isipan mo muna kaya, Bria.." Saad ko. "Wala na akong dapat pag isipan. Mahal kita alam mo yan. Hindi mo ba ko mahal??" Malungkot na tanong nito. Para siyang natalo sa sugal at naubos lahat ng kayamanan.. "Syempre mahal kita.. Hindi mo lang alam kung gaano kita kamahal, Bria.." Sagot ko sa kanya. "Okay pakakasal ako sayo.." Dugtong ko. Sinugod at pinuyos niya ako ng halik. Hindi rin naman ako pumalag at ginantihan ang mga ito kahit pa maaring may pumasok at makita kami. Wala na akong pakialam kung maging PDA pa kami. Wala na ang parents kong pwedeng humadlang. Hindi din ako mapipigilan ni Tiya Lingga kaya ano pa bang iisipin ko kundi ang kaligayahan ko naman this time.. "Yes.. I will marry you, Bria Brixton.." Pag uulit ko.. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. You will not regret this, I PROMISE.. I love you so much, BEB.." Muli kaming naghalikan na parang wala ng bukas.. "OH MY GOD!!" Singhal ni Yumi. I know that's her voice.. Tumili pa ito pero dedma pa din si Bria at hindi ako tinigilan. Sa wakas mapapasakin na siya. Ang matagal ko ng pinapangarap at inaasam from 10 years ago finally ito na. Dumating na lahat ng katuparan sa mga dasal ko. "I ask her to marry me, Yumi and your friend say YES.." Balin ni Bria kay Yumi at lalo itong nagsisi sigaw at kulang na lang tumalon sa galak. Mas natuwa pa ata siya kaysa sa akin. [BRIA BRIXTON] Hindi ko inakalang mas mapapadali ang mga plano ko sa tulong ni Cammie." Sa wakas at maipaparamdam ko na din sayo ang sakit na nanatili sa puso ko hanggang ngayon, Klio." Sambit ko sa utak ko habang nasa loob na kami ng sasakyan. Papunta kami ngayon sa bahay nila para sabihin sa Tita Lingga niya ang tungkol sa kasal.. Wala na ngayon makakahadlang sa mga plano ko. "Tiya may sasabihin po sana kami.." Panimula ni Klio ng makarating kami. Ang tatlong pinsan naman niya ay seryosong nag aabang. "Ano naman ang sasabihin nyo? Daliian niyo kasi marami pa akong gagawin.." "Wow ma ah.. Parang kanina ka pa madaming ginagawa.." Pamimilosopo ni Trixie.. May hawig silang talaga ni Klio. Ganun na ganun ang mukha ni Klio 10 years ago.. "Tiya ikakasal na ho kami.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD