22

1048 Words
[BRIA BRIXTON] Gusto kong magbasag sa sobrang poot na meron sa dibdib ko. Isa si Owi sa naging dahilan kung bakit kami naghiwalay ni Cammie. I know my ex girlfriend is innocent when I see them struggling. Siguro ang totoo ginamit ko lang na dahilan yun para tuluyang makipag hiwalay kay Cammie. Walang kulang sa kanya kundi sobra pa nga pero may bagay na parang humahadlang sakin para mahalin siya ng buo. Ako ang mismong may kulang. I'm not complete kaya tinapos ko ang relasyon namin. Nang makita ko ang kamay ng hayop na yun kay Klio naghalo ang tubig at langis. Nag pang abot ang langit at lupa. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko Bria.." Pag uulit ni Klio. Wala na akong nararamdaman kay Cammie nuon pa. Bakit niya ba naipasok si Cammie. It is not about her. Tungkol ito kay Owi. "Alam mo tumigil ka na.. She's part of the past.." Bigay diin ko sa huling salita. "Part of the past pero hindi mo masagot ang tanong ko? Mahirap bang sagutin?" Maktol niya.. Nagseselos ba siya? Pinagseselosan niya ang wala na?? "Matagal na kaming tapos. Hindi ko na siya mahal, Klio. Alam mo kung sinong laman ng puso ko.." Napansin kong kumalma siya. Tama yan isipin mong mahal kita hanggang wala ka ng kawala. "Wag ka ng magalit, please.." Maamo nitong pakiusap. Lumapit ako at niyakap siya. "I'm not angry with you. Sorry ulit kung nasigawan kita.. Pero hindi ako galit sayo.." Ang mga paningin namin hindi nawawala sa isa't isa. Yumakap siya ng mahigpit sa akin saka ako hinalikan.. Unti unti akong kumalma at nakalimutan ang galit ko sa nangyari ngayong gabi. "Gusto mo ng spaghetti?" Iniangat ko ang mukha niya saka pinahid ang natira niyang luha. Sandaling nanatili ang palad ko sa malambot niyang mukha. "Stop crying now. It won't happen again, I PROMISE.." Bigkas ko ng may sinseridad sa mga mata ko. "Okay.. SPAGHETTI.." Nakangiti na to ngayon at napanatag naman ang kalooban ko. Hindi kami pwedeng mag away at mauwi sa hiwalayan. Masisira lahat ng plano ko at masasayang ang naumpisahan ko na. "Ipagluluto kita ng masarap na spaghetti at for sure makakalimutan mong may spaghetti.." Pagbibiro ko sa kanya at effective naman. "Sira ka.." Sambit niya. "Mag freshen up ka na then stay for a while sa bed. Tatawagin na lang kita kapag prepare na lahat, okay?" Dumampi ang labi ko sa ilong niya. Pumikit ito kaya kiniss ko na din ang mata niya. "I love you, Klio Krixton.." Paglalambing ko. Marahan na binanggit ang buo niyang pangalan.. "I love you more, Bria Brixton.." Tugon niya na ikinangiti ko.. "Sige na.. I will start cooking na.. Muwahh" Muli kong halik sa labi niya. FAST FORWARD>>> Ito ang unang beses na magluluto ako ng spaghetti. Sa tanan ng buhay ko hindi ako nag effort ng ganito. Kasama ito sa plano kaya kailangan kong gawin. "Dinner is ready!!" Nadatnan kong tulog si Klio sa kama. Siya ang unang babaeng humiga roon. "Beb... Wake up.." Bulong ko sa gilid ng tenga niya. Banayad itong nagmulat at niyakap ako sa batok sabay hila palapit sa kanya. Nagtamang muli ang mga mata namin. Namumula pa din ang mga ito dulot ng pag iyak niya kanina... "Let's eat?" Tumungo ito pagsang ayon.. [NARRATOR] Hindi natapos ang gabi na hindi nag kaayos si Klio at Bria. May mga bagay na nagagawa si Bria na lingid sa kaalaman niya. Mga bagay na hindi sigurado kung tungkol pa ba ito sa paghihiganti o kusa na niyang nararamdaman. Ang gabing malamig dulot ng aircon sa buong pad ay naging mainit para sa dalawang magkayakap sa pagtulog. Mukha silang tunay na nagmamahalan sa itsura nila pero anu nga bang tunay na nararamdaman ni Bria para kay Klio? KINABUKASAN "Good morning, Yumi.." Unang bati ni Klio sa kaibigan. "Oh! Ganda ng umaga niya.. I'm happy for you.. Mukhang araw araw kang may dilig ah.." Pagbibiro naman nito pabalik. "Grabe ka.. Palibhasa ikaw nalalanta na.." Ganti naman ni Klio.. "Aba aba natututo ka na ahh.. May ibang paraan naman para hindi malanta.." Banat nito sabay tawa ng malakas. Huli na ng marealize ni Klio ang punto ng kaibigan. Saka lang din siya nakitawa rito. "Wait.. Balita ko may eksena sa party nyu kagabi ah??" Namilog ang mata nito sa pag uusisa.. "Grabe! Bilib na talaga ko sayo Yumi.. Wala kang pinalalagpas ahh.." Nakangiting saad ni Klio. "Alam mo ba kung sino ang Owi na yun?" Namangha si Klio sa tinuran ng kaibigan. Mukhang may impormasyon nanaman ito para sa kanya. "Ex yun ni Ms. Cammie yung ex naman ni Ms. Bria.." Natahimik bigla si Klio sa tinuran nito at may napagtanto.. Naisip niya bigla na nagalit si Bria dahil ex yun ni Cammie. "Hoi! Magsalita ka naman.. Magkwento ka.. Isa pa gurl ang usap usapan dito sa building naghiwalay si Ms. Cammie at Ms. Bria dahil kay Owi. Ewan ko pero nahuli ata ni Ms. Bria ung dalawa na may ginagawang KABABALAGHAN.. Ahooo.." Hindi na nagawang umimik ni Klio na tila nasira ang magandang umaga niya. Lubos niyang akala ay nagalit si Bria dahil sa naging kapangahasan ni Owi sa kanya pero ngayon pinagdududahan niya na ang bagay na yun. "Klio okay ka lang ba? May nasabi ba akong hindi maganda? Masama? Ui kausapin mo naman ako, gurl.. Mukha akong tanga rito oh.." "Mamaya na lang ulit Yumi.. Sumama kasi bigla yung tyan ko.. Mamaya na lang ha.." Umiwas siya ng tingin kay Yumi at tinuon ang sarili sa trabaho niya.. Ang buong araw ay natapos lang ng puro trabaho. Hindi din siya pinatawag ni Bria sa office nito. Paulit ulit na tumatakbo sa utak niya kung may natitira pa bang pag tingin ang girlfriend niya sa Cammie na yun. "BEB!" Tawag sa kanya ni Bria ngunit para itong walang naririnig.. "Klio.." Pag uulit nito pero wala pa din imik ang dalaga. Tila panandalian nawala ang presensya nito. "Klio Krixton!! Hey!!" Nilakasan na ni Bria ang pagkuha sa attention niya sabay halik sa labi niya.. "Hey! Sorry hindi kita napansin.." Alangan na sagot ni Klio. "Ang lalim ng inisip mo.. May problema ba?" Kunot ang noo ni Bria.. "Ms. Bria nasa lobby po ngayon si Ms. Cammie paakyat na po siya.." Singit ni Yumi sa kanilang dalawa.. "What??" Singhal ni Bria. Napamaywang pa ito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD