[KLIO KRIXTON] Alangan akong buksan ang pinto ng kwarto ni Bria ng makabalik ako ng hospital. Hawak ko pa din ang seradura at kumukuha pa ng bwelo. "Ate Klio.." Napatalikod ako paharap sa tumawag sa akin. "Anong ginagawa mo? Hindi ka pa ba papasok??" Nakangiting tanong ni Tyron. Sakto ang dating niya. Ayoko kasing makita ako ng Cammie na yun. "Walang kasama si Ate Bria kaya wag ka ng mag alala.." Labas ang dimple nitong ngisi. Sabay kaming pumasok. "Iwan mo muna kami Tyron.." Utos ni Bria at kinakabahan ako sa boses nito. Galit nanaman siya sakin. "Next time wag mo kong pangunahan, Klio.." Maawtoridad na saad nito at tumango tango lamang ako. Nagtagpo ang mga palad ko at napako saking kinatatayuan. "Inaantok ako kaya dapat pag gising ko andyan ka lang.." Payak na hayag ni

